♡ 21 ♡

289 22 141
                                        

(Therese's POV)

"Huwag mo akong dinadaan-daan sa pag-iyak mo, Zianna! Kapag tinatanong kita, sumagot ka nang maayos! Saan ka pumunta at hindi ka sumipot sa isang TV show? Ha? Huwag mo nang dagdagan ang galit ko!"

"A-ate, p-please. H-huwag ka nang magalit..."

"Paano ako hindi magagalit?" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso saka siya niyugyog. "Huwag mong hintaying iisa-isahin kong puntahan ang mga kaibigan mo para sila ang pipigain ko gayong ayaw mong umamin sa akin!"

Pagkauwi ko from school, ipinasok ko lang ang aking mga gamit sa sala. Tinawagan ko ulit si Zia kaninang nasa eskuwelahan pa ako para masigurong uuwi siya. Hinintay ko talaga siya sa harap ng gate. Hindi ko na napansin kung sino ang naghatid sa kanya dahil hindi naman ang puting kotse ang ginamit. Kulay pula iyon pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Mabilis ko siyang pinapasok sa bahay at may isang oras na siguro akong tumatalak dahil hindi ko siya mapaamin.

"Bakit ayaw mong sabihin sa akin? May inililihim ka ba? Naglasing ka ba kaya ka nagka-hangover? Nagbibisyo ka na ba, Zia?"

"Ate, hindi!" mabilis niyang sagot.

"Sumama ka sa barkada? May mga kaibigan ka bang hindi ko kilala? Tinuruan ka ba nilang gumamit ng drugs? Manigarilyo? Sumagot ka nang maayos!"

"Ate naman. Hindi ko gagawin 'yon sa'yo." Lumuluha siya pero gigil na gigil pa rin ako. Mahigpit na nga ang pagkakahawak ko sa kanyang mga braso.

"Kung hindi pa ako pumunta sa SME, hindi ko pa malalaman! Ililihim mo na lang ba 'yan? Wala ka ng balak sabihin sa akin? Ano, Zianna?"

"Sige na, ate. Sige na! Pero kalma ka muna, please. Kanina ka pa, eh. Pulang-pula ka na." Binitawan ko naman siya at mabilis siyang yumakap sa akin. "Baka mapaano ka. Sorry na, ate. Sasabihin ko na. Basta huminahon ka na. Nanginginig ka na, oh."

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod kaya marahan naman akong napapikit. Talagang nanginginig ako. Ang bilis-bilis ng tibok ng aking puso. Parang nahihirapan din akong huminga.

"Uminom ka muna ng tubig." Kumalas si Zia sa akin saka mabilis na kumuha ng tubig. Ininom ko naman agad ang ibinigay niya. Siya na rin ang nagbaba ng baso sa mesa. "Mas maayos na ba ang pakiramdam mo, ate?"

Napaupo naman ako sa sofa habang sapo ang aking ulo. "Sabihin mo na, Zia. Hindi ako kakalma hangga't hindi ko nalalaman."

Umupo naman siya sa aking tabi saka hinawakan ang aking kamay. Tumingin naman ako sa kanya. "Ate, one day bago kasi 'yong appearance ko dapat sa Party PinaSaya, may ibinigay sa akin ang receptionist sa condo. Cookies."

Nagsalubong naman ang aking mga kilay. "Tapos?"

"Tinanong ko kung kanino galing. Co-teacher mo raw. Kasi alam naman nilang magkapatid tayo. Nakikita at namumukhaan ka naman nila sa condo. Sabi nila naka-uniform ng St. Therese Academy so akala ko si Ate Carol na akala ko pinadaan mo lang. Kinain ko 'yon tapos nasira ang tiyan ko."

Huminga ako nang malalim saka ko ikinuyom ang aking mga kamao. Parang may naisip ako bigla.

Hindi puwede.

"Late akong nagising kinabukasan. Hindi ko nasagot ang mga tawag at text. Pinuntahan ako sa condo ni Sir Perry at galit na galit siya kasi kagigising ko pa lamang no'n. Ala una na yata kasi noon. Hindi pa ako maka-explain nang maayos saka hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Kaya 'yong part ko dapat sa program, si Ate Erika na raw ang gumawa."

"Bakit hindi ka man lang pinaospital o ginising ng kasama mo? 'Di ba binigyan ka ng kasama sa condo?" Kahit muling nabuhay ang galit sa loob ko, pinilit ko pa ring kumalma para mapakinggan nang buo ang kanyang inilalahad.

Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]Onde histórias criam vida. Descubra agora