Chapter 1: The so called challenge ✔

777 85 144
                                    

BEFORE YOU READ:

Okay, I just wanted to let you know that this story was written in 2014. It's still a bit messy but bearable naman and you can actually notice my young writer self eh cringe.

I hope you'll like it.

-----------------------

CHAPTER 1: The So Called Challenge

(ELEANOR'S POV)

Do you know what high school means? 

For me, it is the middle part of life and I am on the edge of that middle part. Nakakalito ba ako? I'm at the edge kasi graduate na ako. Pero isang bagay lang naman talaga ang hinihintay ko at iyon ay ang pagsapit ng SUMMER. 

Kayo rin naman diba?

Nakatitig lang ako sa MacBook na regalo sakin ni Daddy- the latest Macbook to be exact. I was browsing the internet for some amazing summer getaway.

I flicked my fingers to get the attention of my bestfriend, Cassandra. "Local or international?" tanong ko sa kanya na kanina pa nakatitig sa bagong gupit niyang buhok.

"I think it's best kung local muna," sabi niya, still combing her newly cut hair.

"Subic or Boracay?" tanong ko na naman without averting my eyes from the monitor.

Naramdaman kong bigla siyang napatingin sakin at nagtaka ako. Tinignan ko lang din siya pabalik. "What?" I asked her.

"So your into beach?" tanong niya saka ibinagsak ang sarili sa kama.

"Nah. I'll just ask my dad. You're not helping naman," I said turning my chair to face the MacBook's monitor again.

I am in the middle of my search on Bohol when suddenly, somebody knocked at my door. It made me and Cassy startled.

"Ill get it," tumayo na agad ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita si Lola.

"Oh grandma?" sabi ko in between of shock. Well, this is unusual.

"Pwede ba kitang makausap saglit?" she asked me in a tense voice. Oh dear, am I in trouble?

Nilingon ko muna si Cassie who took over my MacBook, perhaps to write. Writer kasi siya. Tumingin siya sa akin at nag smile.

"Cassie, maya na ah? Balik din ako agad."

"No problem bes," sagot niya na hindi manlang ako tinitingnan.

Sinara ko na ang pinto at sumama kay Lola papunta sa dating kwarto ni Lolo. This room never fails to send me chills down on my spine. My Lolo died here.

I sat on the sofa chair saka tumingin kay Lola.

She sat on the bed and I noticed the brown enveloped she was clasping. I wonder what that was.

Tumingin siya sakin "Diba sabi namin sayo dati na bago mo makuha ang mamanahin mo any meron munang isang kondisyon?" Malumanay na pagpapaalala sakin ni Lola. I could see her eyes full of worries. Kinabahan ako tuloy.

"Yes?" sagot ko nang medyo maalala yung sinabi niya. "At ano po yun?" Kinakabahan na talaga ako.

Huminga muna siya ng malalim at tumingin muli sakin. "Gusto ng lolo Berto mo na doon ka mag summer ngayong taon sa probinsya ng Sta. Monica"

It was as if a shock wave ran unexpectedly in me. It made me stood abruptly. "WHAT? Sta. Monica?! Are you serious?! I don't want to do that, Lola. That's just so stupid!" Hindi ko ugaling mag-taas ng boses sa Lola ko pero talagang nabigla lang ako. Pati si Lola nagulat sa naging reaksyon ko. "I'm Sorry po."

Imperfectly Perfect SummerWhere stories live. Discover now