Chapter 8: Palayan ✔

309 46 47
                                    

(ELEANOR'S POV)

Mahal kita ele, kaso hindi pwedi

Mahal kita ele, kaso hindi pwedi

Mahal kita ele, kaso hindi pwedi

Ano ba, bakit paulit ulit na nag eecho yong sinabi ni Nine kagabi, bakit kasi wala si Cass dito, wala tuloy ako mapaglabasan ng mga hinanaing sa buhay.

Yes a lot of man told me those words before, pero wala akong alam dun, unlike Cassie. Bihasa yun eh.

"Good Morning!"

Kagigising lang namin and I almost forgot na dito ako natulog sa bahay nila Nine, actually hindi ako masyadong nakatulog, hindi ako pinatulog sa sinabi ni Nine. Buset.

"Anong Oras na?" tanong niya

Kinuha ko yong Iphone ko..

"8:30 am"

"Tamang tama , pakatapos natin mag agahan punta tayo sa palayan, para makilala mo yung ibang nag tatrabaho para sa inyo"

Naligo muna ako. Pero hindi parin mawala wala sa isipan ko yung sinabi sakin ni Nine. Mahal niya ako? Isn't it too fast? I've just been here for a week.

Bumalik ako sa bahay nila Nine nakaligo na ata siya basa na kasi buhok niya. Okay I admit he looked hot, but what I'm feeling at this moment is not yet love, infatuation maybe.

"Ikaw mag saing turuan kita," sabi niya habang kumukuha ng kaldero sa kusina.

"Sure," Tumabi ako sa kanya sa lababo.

Ibinigay niya sakin ang kaldero "Yan, yan ang kaldero."

Ginawa ba akong grade one, "Alam, ko naman pangalan niyan."

Ginulo niya buhok ko. May napapansin ako, ang hilig niyang mang gulo ng buhok, kaya inayos ko nalang ang pagkakatali.

"Akala ko hindi e. Siga na lagyan mo ng bigas mga tatlong tasa angn"

Sinunod ko lahat ng iniutos ng mahal na prinsipe, at succesfully nakapag saing ako, at siya naman ay nakapag luto narin ng delata. Fyi nag enjoy ako sa pag huhugas ng bigas.

Pagkatapos naming kumain ay tinuruan niya rin ako maghugas ng pinggan, properly without dishwasher.

Mga 9:30 am, umalis na kami ng bahay, pupunta daw kami sa palayan where I have to meet some people. Alam niyo may resemblance si Nine at si Lolo Roberto, palagi akong chinachallenge.

"Oh, yan suotin mo," binigyan niya ako ng boots na pang lusong sa baha

I gave him a puzzling look.
"Sa nanay ko yan."

Tumingin ako sakanya "Teka,lulusong tayo diyan?"

"Bakit, ayaw mo?"

Napakamot ako sa ulo. Ito na nga ba sinasabi ko, mud ang dami kayang germs diyan, may worms and all sorts of insects.

Nine gave me a nudge on the shoulder "Wag ng maarte, naka bota kanaman eh"

"Eh, mud," Biglang sambit ko, nakita kong kumunot ang noo ni Nine na parang nagalit or nainis or something.

"Anong problema sa putik, hindi mo ba alam na ang putik ay isang ring importanteng bagay maliban sa oxygen?"

Binigyan ko siya ng questioning look dahil hindi ko yon narinig sa mga teachers ko, pero may point din siya Kaso ayoko paring lumusong.

"Eh madumi nga yan,"

Napakamot siya sa ulo "Hay nako, wag kang mag inarte dito. Putik lang yan, kita mo sila? sa putik nato sila kumukuha ng ikabubuhay at kung wala yan, walang kakainin ang mga taga maynila, o kaya magugutom ang sangkalibutan at eto pa" Tumingin siya sakin ng masinsin "Galing tayo sa putik kaya wag ma maarte."

Imperfectly Perfect SummerWhere stories live. Discover now