Chapter 12: Bahala na ✔

240 36 22
                                    

(ELEANOR'S POV)

Dalawang araw lang naman ang itinagal ni Nine sa Hospital dahil ayaw na niyang matanali dun kasi boring daw, kaya nagtalo pa kami ng siya ay paalis na sa hospital.       

"Eh, mas maganda dun Nine natitingnan ka ng doctor," sabi ko habang nililigpit ang mga gamit niya at mga gamit ko na naidala sa hospital.

"Ayoko dun, gusto ko sulitin ang summer mo" sabi niya habang nagpapalit ng T-shirt.

"Ang kulit mo talaga kahit kailan,oh yan magbihis kana!" ibinato ko sa kanya yung pantalon niya.

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako, di ko alam kung bakit bigla akong naiyak "Oy mahal wag kang magalit,pumapangit ka niyan e," Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko, at pinunasan niya gamit ang kanyang hintuturo ang mga luha na pumatak galing sa aking mga mata "I love you".

Sinutok ko siya sa dibdib "I hate you!" sabi ko, pero biro lang yun, mahal ko to eh.

"Ouch," nag pout siya.

Sinubukan kong kumalas sa pagkakayak niya pero hinigpitan niya pa niya ito lalo  "He!, ewan ko sayo para din naman sa kalusugan mo yun, ayaw pa."

Tinawanan lang niya ako, naku parang kailan lang e nakaratay siya sa hospital bed tapos ngayon nandito na naman siya at uma-aktong walang karamdaman, di ko tuloy maiwasang mag alala na baka sa isang araw ano nalang mangyari sa kanya. Dyos ko wag naman po biglaan di ko ata kakayananin.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila, hindi kami pinayagang lumayo ng Mama ni Nine, baka daw kun ano mangyari sakanya at walang tutulong sakin.

Pero itong si Nine, pilyo "Punta tayo sa bukid." hinahatak niya ako palayo sa bahay nila buti nalang busy si Manang Elsa, kaya hindi kami napansin.

"Hindi pwedi, papagalitan tayo ni Manang Elsa."

Kinamot niya ang kaniyang ulo "Boring dito, tara ako bahala sayo," 

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at wala akong nagawa kundi ang sumama sa bukid, manonood daw kami ng sunset.

Ibang bundok na ang aming pinuntahan since nandoon kami palagi sa isang bundok, dinala ko syempre iphone ko, para naman ma capture ang view at maipost ko sa Instagram pag balik ko ng Maynila, walang kasing internet dito.

Pagdating namin sa bukid ay saktong nagsisimula palang mag color-orange ang sky na may hint ng purple. Ang ganda, oo maraming beses na akong naka witness ng paglubog ng araw sa Manila bay kasama si Cassie at ang mga kaibigan namin, pero ito, ito na ang pinaka memorable na sunset ng buhay ko kasi kasama ko ang taong mahal ko.

Nakita ko siyang nakatingin lang sa araw na unti unting kinakain ng bundok.

Nakatingin lang siya dun, kaya naman naisipan kong kuhanan siya ng litrato, hindi niya ito namalayan at ng tumabi ako sa kanya bigla niya akong hinalikan.

"Sabi nila pag hinalikan mo daw ang isang babae sa gitna ng paglubog ng araw, magpapareho daw kayo ng mukha."

Napatigil ako, at napatingin sa kanya "Gusto mong magkamukha tayo?"

Ngumisi siya ng nakakabaliw "Oo, para hindi mo ako makalimutan"

"Nine naman e wag kang ganyan, hindi kapa mamatay."

Hindi niya ako sinagot nakakainis dahil iyong saya ko napalitan na ng lungkot, kaya naman naisipang kong kumuha kami ng litrato naming dalawa 

"Picture tayo, habang nandiyan pa ang araw" Isinet ko sa front cam ang phone ko pinuwesto ko sa harapan namin.

"1,2,3 say cheese" Napatigil ako ng bigla niya akong halikan sa pinsnge sakto naman ang timing niya dahil nacapture iyon ng camera.

Tiningnan niya ang picture."Bagay talaga tayo ang ganda ganda.mo, at syempre ang gwapo ko"

Imperfectly Perfect SummerWhere stories live. Discover now