Chapter 22: Prince and Princess ✔

207 30 15
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

[Sa isang palasyo na pono ng mga tao ay dumating ang bagong hirang na princessa at prinsipe kasama ang hari at reyna at isa pang princesa may mga kasama silang mga magigiting na sundalo na siyang nag proprotekta sa kaninala.]

Dumating sina Nine at Ele kasama ang kani-kanilang mga magulang sa Engchanted Kingdom, parang may mga fireworks ang mga mata ni Nine ng makita niya ang mala palasyong amusement park, dali dali silang pumasok doon.

"Ano ba ito, bakit maraming palasyo ang maynila?" tanong ni Nine kay Ele habang hinihitay nila ang kanilang passes sa lahat ng rides.

"Hindi to palasyo Nine isa itong amusement park, parang peryang sobrang laki, you know" sinabayan pa ito ni Ele ng maliliit na tawa.

"E mukha naman pambata lang ito"

Inirapan lang siya ni Ele kasi naman walang ganito sa probinsya, alam niyang probinsya din ang kinatitirikan ng enchanted kingdom pero naging isa itong progresibong probinsya dahil na din sa mga taong dumadayo dito.

"Ele, Nine , Cassandra suit your self to all the rides ok? dun lang kami sa isang restaurant booth, call us if you need help" paalala ni Lex  kina Ele.

"Yes daddy" hinalikan ni Ele si Lex sa pisnge

"Opo Tito" sabi ni Cassandra at tumango lang si Nine.

"Bantayan mo ang mga girls ko" sabi ng Mommy ni Ele kay Nine.

"Syempre naman po mahal ko ang isa diyan eh" At hinalikan ni Nine si Ele sa noo na nakapag pangiti dito.

Una nilang sinubukan ay ang isang rides na tinatawag na Up Up in Away it was a very dangerous boat ride na binabalibag ka from left to right.

[Sumakay sila sa isang barkong patungo sa isang paraiso, isang barkong may mga kasamang mga banyaga ]

"Grabe talaga tong ride na to nakakahulog ng puso" sabi ni Ele.

"Nahulog naman ang puso ko sayo ah" sambit ni Nine, magkahawak kamay silang bumaba sa ride na yon at tinungo ang kanilang susunod na destination.

 "Kayo nalang ang sumakay diyan pang lovers lang yan e" pang rereklamo ni Cassandra. Tumingin naman si Ele sa kanya "Punta nalang ako ng arcade baka sakaling may makita akong pweding makasama diyan" Cassandra is such a playgirl wala siyang ginawa kundi ang paasahin lang ang mga boys na dumadating sa buhay niya.

Pumunta sila sa isang paraiso upang idaos ang ika-labingpitong kaarawan ng princessa, sumakay sila sa isang lobo, dahil ito ang ninanais ng prinsipe ang makarating sa kalangitan kasama ang kanyang mahal na princessa.

Buti nalang ay hindi marami ang pumipila mga 12 lang na pairs yong iba nga hindi na pares kasi magisa lang, sumakay sila sa fairyswheel noong una ay natakot si Nine kasi nakita na daw niya ito sa isang palabas at na stuck ang mga pasahero sa taas hanggang sa maputol ang mga kable at nahulog ang lahat ng mga pasahero.

"Ano kaba hindi yan, sa palabas lang yon kasi gusto nilang takotin ang mga tao" sabi ni Ele habang inilalahad ang kanilang mga ticket sa taong nangangasiwa ng ticket booth.

Magkatabi silang naupo sa loob ng isang pabilog na maliit na kwarto, unti unti itong umangat at pagdating nila ng pagdating sa taas ay nakita nila ang mga maliliit na parang mga bituin na kumkislap, mga ilaw ito na nangngagaling sa baba.

"Ang ganda talaga dito sa taas noh buti nalang e gabi tayo sumakay dito"  sabi ni Ele habang nakatanaw sa horizon.

Nakatingin din si Nine sa horizon na parang nag iisip ng malalim ipinikit niya ang mga mata ngunit sinuway siya ni Eleanor "Oi wag kang matulog best part kaya ang mapunta dito sa taas" Natawa naman si Nine "Best part sakin ay ang makilala ka dahil nalaman ko na ang buhay pala ay hindi lang umiikot sa isang malaparaisong lugar kundi umiikot din ito sa taong alam mong hinding hindi ka iiwan".

Imperfectly Perfect SummerWhere stories live. Discover now