Stage 44 - Tagaytay

562 11 0
                                    

Brent Zero Palma
~*~

"Damn it Kuya! ano bang kasalanan ko at pinataposn mo ako rito sa Tagaytay? Tsh!" nakabusangot tanong habang nakatingin sa mga bintana ng kotse ko. Medyo mabagal kasi ang usad ng mga sasakyan sa pababa.

"Bakit? nagustuhan mo naman diba? Hahah enjoy every moment bruh" pang aasar nya. kaya naman binaba ko na agad ang telepono ko. Bwisit na yan! ang ganda sana ng lugar eh. Kaso.. Nevermind!

Tanghali palang Pero ang ganda na ng mga tanawin dito. Sobrang lamig sa labas, paano ba naman September na ngayon.

Ang ganda ng mga fogs na bumababa galing sa bundok. Hays! ang sarap mabuhay.

pero mas gusto ko muna sa bahay ngayon, sa office marami pa akong dapat asikasuhin na mga papers, Ganun din naman sa school. ako dapat ang nag aasikaso ng mga event eh. Sana nakatulong man lang ako dun. Pero ate shee texted me na kunting kembot nalang ay matatapos na ang mga booths, and also the whole program.. Pero para daw di ako mainis sa sarili ko dahil wala akong nagawa, ako ang mag babantay sa Married booths. Hays! At ako ang ginawa nilang mag kakasal sa mga couples! diba? How ironic. Haha

"Ano ba?! kanina pa umaandar ang sasakyan oh!" napabalikwas naman ako at tinignan ng masama ang babaeng nasa harap ng salamin ko.

Jusko! ang ganda nya, Promise!! napalunok ako at napadpad ang mga mata ko sa labi nya. at bumaba sa may kanyang balikat dahil naka off shoulder syang damit.

Ang puti na! lumunok ba ito ng gluta?! Abay tinalo pa si Vicky Belo ah!

"Bastos!" wika nya at pilit na pinaghahampas ako.

"A..ano ba!Bwisit!" nilabas ko ang mga kamay nya at pinanliitan ng mata.

"Manyakis ka! Bwisit!" wika nya at kamuntikan pa akong suntukin sa mukha, buti nalang at nakailag agad ako. Bwisit ah! gumagawa  sya ng scandal ng kasungitan. sayang ang ganda pa naman nya sana.

"Pwede ba? anong manyakis? mukha mo! sa gwapo kong to pagkakamalan  mo Bwisit talaga!" wika ko at sinumulan na ulit mag pa start ng engine.

"Bwisit! nagiging cause of delay ka! alam mo ba yun!--"

"Hindi!" mariin kong wika at nag wink sa kanya.

"Ano ba yan, talagang sa daanan pa naglandian"
"Di ba nila alam na nagiging cause of delay sila?! Hay naku!"

mga bulong ng motorista kaya pinatakbo ko na ang sasakyan ko. Sumakay naman na yung babaeng yun sa kotse nya.

sana pala, ginamit ko nalang ang motor ni Zup. Para astig!

Agad akong natungo sa isang mumurahing hotel lamang, di kasi ako prepared eh. wala akong dalang pera. Ni ultimo pang gas ng kotse ko wala! sana sumakto yung gas ko hanggang pag uwi.

binigay na sakin nung ali ang susi ng kwarto ko, agad akong sumalampak sa kama at humiga. Ang sarap ng hangin.
Sobrang sarap! ewan kung OA lang ba talaga ako.

di ko alam kung mga ilang oras akong nakahiga sa kama, at napah desisyonan kong mag lakad lakad muna, tutal may nakita akong tindahan ng Ramen sa may bandang dulo.

nag suot ako ng Beanie, isang hoodie at nag gloves na din ako. grabe kasi feeling ko pag labas ko parang nasa Japan ako. Ganun kalamig.

Ganun ba talaga pag September month?. Lols, di ko rin kasi alam eh.

dumeretso na ako sa loob at u-morder na ako, 5 minutes after ay sinerve na ito.

I'm Still In love With HimWhere stories live. Discover now