Siopao 1

769 36 11
                                    

Ako si Majesty Paerez. Isa akong typical working girl hindi dahil dukha kami kundi dahil gusto kong maghanap ng libangan. Kung magse-stay naman kasi ako sa bahay, babangungutin lang ako sa mga alaala namin ng ex kong iniwan ako ng basta basta. Nakakaiyak kasi, ikaw kaya!

Nagtatrabaho ako sa Pakyungsoo's Bakery and Restaurant. Balak ko lang sanang gawin itong part-time at manatili lang ng isang buwan pero napasarap ata ako dahil halos tatlong buwan na ako dito. 

Bakit? Kasi nandito ang bestfriend kong si Bomi. Katrabaho ko s'ya.

Pero hindi lang yun ang dahilan.

Flashback

Matapos dumaldal ng manager ng Pakyungsoo ang mga dapat kong gawin dito sa shop, agad naman akong kinuwentuhan nitong si Bomi ng kung anu-anong kwento nya dito sa shop kasi dito na s'ya dati nagtatrabaho. 

"Ay Maj, may ipapakilala nga pala ako sa'yo!" chika ni Bomi na tila naghi-hysterical na at mukhang excite na excite pa.

"Sino na naman?" cold kong tanong dahil wala nga ako sa mood. You know, I'm brokenhearted.

"Ah basta! Nako, ang cute cute nun kahit medyo chubby Majesty! Pero pisngi lang naman. Suki namin s'ya dito. Lagi s'ya dito bumibili ng specialty nating baozi!"

"Ah... okay." 

"Oh my gosh girl!! Andyan na s'ya!" pabulong na sabi ni Bomi pero halatang kinikilig sya. Napatingin naman ako sa glass door namin kung saan nandoon si Manong Guard na masayang nagwe-welcome ng mga customer.

May pumasok na isang customer na bumati pabalik kay Manong Guard at mukhang ito na nga yung sinasabi ni Bomi. Isang singkit na cute na lalaki. Kumpara sa ibang lalaki, siguro maliit sya pero para sa'kin, matangkad s'ya kasi maliit din ako. At hindi din kataka-takang gwapo sya kahit mukha syang daga.

"Tangina ka Bomi! Eto na ba yun?!" bulong ko sa bestfriend kong nagbi-busy-busy-han para maitago ang kilig.

"Oo, shet naman Maj, hindi mo ba gusto? Ang cute cute nya kaya oh. Ano bang mga type mo? Yung gaya nung putangna mong ex boyfriend? Majesty naman, wala ka bang taste? Tingnan mo sya oh. Malinis tignan saka gwa---" 

"Gwapo Bomi! Gwapo nga!" na-amaze ako sa nakita ko. Hindi ko naman alam na may ganyan pala ka-cute na tao na nage-exist sa mundo.

"Bwiset ka Majesty. Ang dami dami kong sinabi, nagwapuhan ka din naman pala. -___-" Ang arte naman nito. Pasalamat nga sya kahit papano may bet ako sa mga nireto n---

"Hi Miss, Good Morning po! Bago ka dito?" natigil ako sa paglilitanya ko nang mapansin kong nandito na pala ang anghel na'to sa harap ko. Feeling ko nanigas ako sa kinatatayuan ko at kinakabahan talaga akong magsalita pero buti na lang at sinalo ako ni Bomi.

"Ah oo sir Minseok. Si Majesty nga pala." sabi ni Bomi. Inilahad naman ni 'Minseok' daw yung kamay nya kaya inabot ko ito at nakipag-shake hands nuong bumalik ako sa katinuan ko. 

"Hi Majesty! Ako nga pala si Minseok. Kim Minseok" masiglang bati nya.

"Good morning po Mr.Kim."  bati ko sa kanya at sinubukan ko s'yang ngitian.

"Ang ganda naman ng smile mo Majesty. Hahaha. Pa-order ako." 

"Ng smile ko po?" out of this world kong tanong dahil yun ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya pero tumawa sya. Hay. Gwapo nga, abnormal naman.

"Hindi, I mean, pa-order ng baozi please, dalawa. Dine in. Hahaha." sabi nya tapos ngumiti sya at nagbayad na. Hay lutang ka Majesty, bobo mo. Nakakahiya tuloy kaya hindi ko na ulit sya kinausap. Aish.

 --

Minsan iniisip ko, kung si Minseok kaya ang magiging boyfriend ko, sasaktan din kaya nya ako? Pero hindi naman siguro. Itsura palang kasi nya, parang ideal boyfriend na nang bawat babae. Ang amo ng mukha at ang bait pa. Ni minsan, tuwing nagpupunta sya dito sa restaurant, hindi sya nagdala ng babae o wala akong nakitang may hawak syang kahit isang stick man lang ng sigarilyo.

Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nitong si Minseok. 

Hindi naman na ako nakakakita ng pag-asa. Wala akong alam sa kanya bukod sa pangalan nya. Hanggang crush ko na lang sya na nakikita k sa t'wing papasok ng shop para bumili ng baozi.

Frozen Baozi (Xiumin FF)Where stories live. Discover now