Siopao 5

519 26 3
                                    

Kim Minseok’s Point of View

Ilang linggo na rin ang lumipas simula noong sinabi ko kay Majesty na girlfriend ko si Kardy. Hindi ako nagsisinungaling nung mga oras na ‘yun, girlfriend ko talaga si Kardy. Pero ‘yung puso ko… ‘yung puso ko ang nagsisinungaling nung mga oras na ‘yun.

Masakit para sa’kin kasi nakikita ko sa mga mata ni Majesty na nasasaktan s’ya. Alam kong gusto n’ya ako, sinabi sa’kin ng best friend nyang matagal ko na rin kakilala sa Pakyungsoo na si Bomi.

Unang kita ko pa lang kay Majesty, gusto ko na ‘sya. Dinikta ito ng puso ko sa pamamagitan ng malakas nitong pagtibok pagpasok ko pa lang ng restaurant. Baguhan si Majesty noon at hindi ko maiwasang hindi s’ya tignan. Ang cheesy man pakinggan pero… na-love at first sight ako sa kanya (AN: Totoong nainiwala si Xiumin sa love at first sight kaya nga excited na akong makita n’ya ako. HAHAHA!). Saka natuwa kasi ako sa kanya nung una naming pagkikita kaya naman pasikreto akong nagpapatulong kay Bomi para makuha ang puso ni Majesty.

Naalala ko pa nun…

"Hi Majesty! Ako nga pala si Minseok. Kim Minseok"

"Good morning po Mr.Kim."  

"Ang ganda naman ng smile mo Majesty. Hahaha. Pa-order ako." 

"Ng smile ko po?"

Nung una, hindi pa naman kasi ‘to love. Gusto ko pa lang sya kaya nga madalas syang inaakit ng cheeks ko. Kasi naman! Hindi pa kaya ako nagkaka-girlfriend kahit na marami-rami ring nagkakagusto sa’kin gaya nitong si Kardy. Hindi naman pwedeng single ako forever noh, kelangan ko din lumovelife. Di bale nang forever single yung eyelids ko, wag lang ako.

Tapos nung gabing pa-out na sya at unang beses na nagpunta kami ng ice cream parlor, yun yung mga oras na gusto kong mapag-isa. Nakita ko kasi si Kardy nung araw na ‘yun na depressed. Nalaman kong biktima sya ng rape. Naawa ako sa kanya. Matagal ko na s’yang kaibigan simula pa noong high school at alam kong fan girl ko rin sya noon pa. Kaya nag-iisip ako ng paraan para matulungan ko s’ya. Hanggang sa nakita ako ni  Majesty sa labas ng restaurant at hinatak ko sya. Pinagaan nya ang pakiramdam ko nun.

Nito lang ay nalaman ko na ang grupo pala na nang-rape kay Kardy ay pinangungunahan ng ex boyfriend ni Majesty na si Dexter. Nalaman ko rin sa mga kaibigan kong nakakakilala kay Dexter na nasaktan din masyado si Dexter dahil sa break-up nila ni Majesty kasi hindi naman nya ito ginusto. Kaya nagbisyo si Dexter. Wala s’yang magawa para ipaglaban si Majesty kasi magulang naman nya ang masasaktan nya kung sasama sya dito.

Ramdam ko kung gano na kadesperado si Dexter kaya naman siguro nya nagagawa ang magpabaya pati na rin mangdamay ng iba gaya nga ng ginawa nya kay Kardy. Ang nakakagago lang, ay yung pinuntahan nya talaga ako ng bahay namin para bantaan ako.

Flashback

Kakauwi ko lang galing ng ice cream parlor kasama si Majesty. Tinanong ko na sya kung paano manligaw ng babae. Simpleng da-moves. Hindi naman siguro tanga si Maj para hindi malaman ang gusto kong ipahiwatig. Oo, gusto ko s’ya.

Isasara ko pa lang sana ang pinto ng condo ko pero may pumigil dito.

“Kim Minseok…” sabi nung lalaking nasa tapat ng unit ko. Grabe naman, ganun ba ako kagwapo at pati lalaki, stalker ko na? Saka bakit wala syang dalang foods?

“Sino ka, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya at binuksan ko na ng tuluyan ang pinto para makita ko s’ya.

“Dexter. Ako si Dexter.” Tangina! Ito ba yung Dexter na nang-rape kay Kardy?!

“Pakialam ko? Hoy gago, wala akong pakialam kahit si Aquino ka pa. Ano bang problema mo sa buhay at bakit mo nagawa yun kay Kardy?”

“’Wag mo kong minumura, hindi mo ako pinapalamon. At hindi ko kilala ‘yang Kardy na sinasabi mo. Nandito ako para sabihin ko sa’yong tigilan mo si Majesty. Ex boyfriend nya ako. Lumayo ka sa kanya or else…”

“Pakyu ka naman pre, ex ka na pala eh ano pang kinakana mo dy---“ hindi na naituloy ay sasabihin ko kasi umepal sya. Bastusan ah?

“Itutulad ko s’ya sa mga babaeng nabiktima ko kapag hindi mo sya tinigilan. Hindi ako nagbibiro Mr.Kim.” matapos nyang sabihin yan ay umalis na s’ya.

Nakakainis naman ‘tong epal na ‘to! Ano bang problema n’ya? Iniwanan nya na lang ng ganun ganun si Maj tapos maaapektuhan sya kapag may ibang nanligaw kay Maj? Hindi ko na masyadong naaaya si Maj lumabas dahil nga sinusundan kami nung hudas barabas n’yang ex boy friend. Kaya lagi na lang akong nagpupunta ng restaurant para makita s’ya.

Hindi ko lalayuan si Majesty. Pero hindi rin sya pwedeng madamay sa kagaguhan ni Dexter. Wag naman ‘yung taong mahal ko. Wag naman si Majesty. Poprotektahan ko s’ya ‘wag lang may mangyaring masama sa kanya.

End of flashback

Kaso hindi pa doon natatapos ang katarantaduhan ni Dexter the Explorer. Noong araw na dapat aamin na ako kay Maj, halos gumuho ang mundo ko at malunod ang lupa ng luha ko. Hindi ako iyaking tao pero pagdating kay Maj, parang nag-iba na ata ako.

Paano ba naman kasi, bago pa ako makapasok ng restaurant nila ay bigla akong hinatak ni Dexter. Pinagbantaan n’ya ako na papatayin si Kardy at gagawin ang gusto nya kay Majesty kapag itinuloy ko ang mga plano ko.

Maipagtatanggol ko nga si Majesty anytime pero si Kardy… hindi ko s’ya magagawang bantayan. Hindi naman kakayanin ng konsensya ko kung may mapahamak ng dahil sa’kin. Hindi ko rin s’ya magawang i-report sa mga pulis dahil hindi naman ako duwag at madami pa s’yang kasamahan. Maaaring makulong nga si Dexter pero makaka-atake naman s’ya gamit yung mga kasama n’yang mukhang mga drug pushers ata.

Kaya imbis na umamin ako kay Majesty, kinausap ko muna si Kardy kung pwede s’yang magpanggap na girlfriend ko. Para na rin sa ikabubuti ng lahat. Imbis na aminin ko kay Majesty ang totoong nararamdaman ko sa kanya, winasak ko ang puso n’ya.

Nung gabi din na yun, hinayaan ako ni Kardy na sundan si Majesty. Gustong gusto ko s’yang lapitan nung nakita ko s’yang umiiyak pero naunahan ako. Naunahan ako ni Dexter.

“Majesty, please ‘wag mo naman akong ganyanin oh. Mahal kita, alam kong mali ako dahil hindi kita pinaglaban. Pero please Majesty, hayaan mo akong mahalin ka ulit. Hindi nagbago ‘tong nararamdaman ko sa’yo.” rinig kong sabi ni Dexter. Gusto kong sigawan si Majesty na lumayo s’ya sa lalaking ‘yun a t ‘wag s’yang magpadala. Hindi n’ya alam kung ano nang pwedeng gawin sa kanya ni Dexter.

Kaya naman nagulat ako nung tumayo s’ya, pinunasan ang luha sa mga mata at hinarap si Dexter.

“Past is a good place to visit but not the better place to stay. Dexter, tanggapin mo please na sobrang nasaktan mo ako kaya makakaalis ka na sa harap ko. Ang panget mo na. Para kang napkin ko na gamit na! Basura na lang. At para lang malaman mo… wala akong pakialam sa nararamdaman mo.” Umalis na s’ya matapos n’yang sabihin ‘yan. Sinundan ko si Majesty hanggang sa makauwi s’ya para masiguro kong ligtas s’ya at hindi s’ya sinundan ni Dexter.

Napag-isipan ko ngayon na sa ilang araw kong hindi pagpunta sa restaurant ay na-miss ko ng sobra si Majesty. Binabantayan ko kasi si Kardy. May trauma pa s’ya sa mga nangyari at hindi ko s’ya pwedeng pabayaan.

Nung mga oras na hindi ko nakita si Kardy o hindi ko nagawang ipaglaban, naisip kong mas tanga pa ako kay Majesty. Hindi ko s’ya nagawang ipaglaban. Hindi ko man lang naisip na mas kailangan n’ya ako ngayon.

Dapat ko s’yang balikan. Gusto kong maranasang mahalin ka Majesty Paerez. Ayokong tumulad sa ex boyfriend mong iniwan ka dahil sa takot.

Buo na ang desisyon ko. Aamin na ako Majesty. Hinding hindi kita sasayangin.

Frozen Baozi (Xiumin FF)Where stories live. Discover now