Siopao 4

510 26 3
                                    

Bakit may baby baby akong naririnig? Idol ba nya si Justin Bieber? Saka, wait! Wala akong ma-gets sa nangyayari ah. Diba pinapunta ako ni Xiu dito dahil may sasabihin syang importan--

"U-uh, she's Majesty Paerez. Kaibigan ko s'ya at dun s'ya nagtatrabaho sa restaurant na lagi kong pinupuntahan." pag-iintroduce ni Xiu sa'kin dun sa Kardy tapos tinignan naman ako ni Xiu, full of doubts. "Majesty, she's Kardy Melove Montero. S-s'ya 'yung gusto kong ipakilala sa'yo. Diba tinanong kita dati kung paano manligaw ng babae? Then you gave me tips and uh, ugh! She's my girlfriend. Sinagot nya ako ka---"

"O-oh, I-i see. H-hi K-kardy." Pagpuputol ko sa sasabihin pa sana nya. Shit, tama na please. Tama na. Tangina Xiu. Kanina lang iniisip ko na baka magco-confess ka na sa'kin pero ngayon may girlfriend ka na, pakyu.

Success ang pagpipigil ko ng luha ko dahil hindi s'ya tumutulo ngayong kaharap ko ang taong gustong gusto ko at ang girlfriend as in girlfriend nya.

"G-guys, una na p-pala ako ha? M-may emergency kasi sa bahay, tinawagan ako ni mommy." 

"G-ganun ba? Osig---"

"Bye Kardy. Bye M-minseok, I'm sorry." tinalikuran ko na sila at naglakad palayo ng lugar na 'yun. Kasabay ng pagtalikod ko sa taong laman ng puso ko ay ang pagbagsak ng mga luha kong nagkakarerahan mula sa mata kong tila nakalaya mula sa pagpipigil ko nito pati ng nararamdaman ko.

Tumakbo ako at umalis. Papunta saan? Hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto kong lumayo sa sakit na nararamdaman ko ngayon. P-pangalawang beses na nasaktan ako ng ganito. I mean, mas masakit pala 'to para sa'kin kasi na-realize kong... 'wala akong natutunan sa nakaraan ko. Na-realize kong ang tanga tanga ko. 

Saka, umasa kasi ako eh. Nag-assume, nag-expect, nag-feeling, nag-ilusyon, ano pa?! Sige, ipamukha n'yo sa'kin kung gaano ako katanga. Masakit, Xiu. Kala ko ikaw na eh.

 Akala ko yun na talaga eh. Aamin na sa’kin si Xiu dahil sa mga tingin nya at dahil sa pakikipag-close nya sa’kin pero--- tss. Ayoko na. Parang ayoko na rin nga ulit magmahal ng isang tao o hanap si Mr. Right kasi ayaw ko nang mabigo.

Dati naransan ko nang masaktan nung pinagpalit ng boyfriend ko ang dalawang taong pagmamahalan namin para sa isang babae na hindi naman nya talaga lubos na kilala at ipinakilala lang ng magulang nya. Ni hindi man lang nya ako pinaglaban, ibig sabihin hindi nya talaga ako totoong mahal.

Tapos ngayon eto, sinubukan ko na namang patibukin ang puso ko pero nabigo ito dahil sa tanginang paga-asume ko. Hay, dapat sa ulo ko inuuntog sa pader para nadadala eh.

Nandito na naman ako sa kung saan ako umiyak dati noong nakipaghiwalay ang ex ko. Sa likod na bahagi ng park kung saan tanaw ang buwan at araw at kung saan may iilang punong nagbibigay hangin sa puso kong nasakal na ng sakit.

Okay, ang drama. Ayoko ng ganito pero ang sarap kasi talagang iiyak nito lahat eh. Ang komportableng ilabas lahat pero may kasama pa ding sakit syempre sa t’wing naaalala kong hindi na pwede si Xiu.

“Majesty?” inialis ko ang palad kong basa mula sa mukha ko at tinignan kung ino ‘yung walanghiyang epal sa page-emote ko. Oh my ghad, bakit ‘to nandito? Bakit ngayon pa? Kairita ka naman destiny ni Majesty eh! Dodoblehin mo pa ba yung sakit na nararamdaman ko ngayon? Pass na muna ako please? Eotteoke?

“D-d-dexter?!” si Dexter, ang ex-boyfriend kong panot. Joke lang, hindi s’ya panot. Naiinis lang ako sa kanya pero hindi ako bitter, bahala na. Bubwisitin lang ako nito.

“M-majesty? Sinong gumawa nyan sa’yo?” parang ‘gulat’ na tanong nya.

“Paki mo?” pagtataray ko. Hindi naman talaga ako nagtataray ng ganito sa kanya at kahit kelan hindi sa kahit kanino pa. Pero dahil wrong timing s’ya, ade ayan, nasampolan ko.

“N-nagbago ka na…”

“Oo, salamat sa’yo.”

“Majesty, please ‘wag mo naman akong ganyanin oh. Mahal kita, alam kong mali ako dahil hindi kita pinaglaban. Pero please Majesty, hayaan mo akong mahalin ka ulit. Hindi nagbago ‘tong nararamdaman ko sa’yo.” pakyu ka Dexter. Kelan ka pa natuto maglitanya ng ganyan?!

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko tapos ay hinarap ko s’ya ng diretso at taas noo. Huh. Kahit kakatapos ko lang magdrama, alam kong maganda pa rin ako kaya may karapatan akong magtaas ng noo sa kanya noh. May lahi ata akong artista, tingin ko eh.

“Past is a good place to visit but not the better place to stay. Dexter, tanggapin mo please na sobrang nasaktan mo ako kaya makakaalis ka na sa harap ko. Ang panget mo na. Para kang napkin ko na gamit na! Basura na lang. At para lang malaman mo… wala akong pakialam sa nararamdaman mo.” Inirapan ko sya. Hindi pa rin sya umalis sa harapan ko kaya ako na lang ang umalis. Umuwi na ako at dun ko ipinagpatuloy ang pag-emote kong naudlot dahil sa bwisit kong ex na hindi panot.

--

Pinilit ko pa ring pumasok ng trabaho noong kasunod na araw. Magtatago na lang siguro ako kapag nakita ko si Xiu. Baka kasi hindi ko mapigilan at mapaiyak ako sa harap nya.

Nalinaw ko na rin sa puso at isip ko na mahal ko na yata sya. Hindi ko naman sya iiyakan ng ganito kung hindi diba?

“Hoy bru, anong nangyari sa date nyo ni XIU mo at bakit pugto ang mata mo, ha? Binasted ka ba?”walangya naman talaga Bomi oh. Kelangan ipagdiinan yung XIU? Kelangan ipagmalaking iniyakan ko si Xiu kaya pugto itong mga mata ko? Kelangang ipagsigawang nabasted ako samantalang alam nay un pero hindi tanggap ng puso ko? Pakyu talaga ‘tong bestfriend ko oh.

“’Wag mo na ngang banggitin ang pangalan nya, Bomi.” Seryoso kong sabi at mukhang dahil dun, naiintindihan na ni Bomi na brokenhearted ako. Since elem, kilalang kilala na ako nito eh. Hindi ko rin naman natiis na ikuwento sa kanya ang nangyari at na may girlfriend na si Xiu.

“Gago pala si sir Minseok noh?! Pa-fall s’ya ah! Reresbakan ko ‘yan Maj! Aabangan ko pagpasok na pagpasok niya ng restaurant!” demand pa ni Bomi pero syempre pipigilan ko sya. Hindi naman kasalanan ni Xiu ‘to eh. Ako ‘tong tangang umasa na gusto n’ya rin ako.

Buong araw hanggang sa matapos ang ship ko, hindi dumating si Minseok. Siguro… siguro kasama n’ya yung girlfriend nya. May date siguro sila o baka busy sya. Hindi na siguro s’ya interesado sa’kin dahil may girlfriend na s’ya.

Pero hindi lang noong araw na ‘yun. Ilang linggo. Ilang linggo na ang lumipas, hindi na bumalik si Xiu sa shop. Namimiss ko na yung Boy Baozi na ‘yun. Nasaan na kaya ‘yun ngayon? Masaya kaya s’ya sa tabi ni Kardy? Minsan iniisip ko nga ako na lang si Kardy eh. Sana kasing ganda nya ako at kasing charming. Baka sakaling matipuhan din ako ni Xiu. Pero hindi eh. Ako lang si Majesty na patapon. Nagagawa kong maging matapang paminsan minsan pero hindi rin kinakaya ng emosyon ko.

Ilang linggo nang hindi nagpapakita si Xiu pero hindi pa rin nawawala yung nararamdaman ko sa kanya.

Frozen Baozi (Xiumin FF)Where stories live. Discover now