Siopao 3

542 29 4
                                    

Nabigla ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung mage-expect ako dahil may posibilidad na ako yung liligawan nya (FilAm kasi ako--- Half Feelingera, Half Ambisyosa), o masasaktan ako kasi may liligawan na sya at posible ring hindi ako yun.

"U-uhm, ade, make her feel special. Ipakita mo sa kanya yung totoong Kim Minseok na super cute at karapat-dapat mahalin. Sing a song for her. And treat her like your momma." hehehe. If you remember, yan yung sa commercial ng PLDT myDSL. Yung how do I get a girfriend? Napa-giggle tuloy sya at sumang-ayon na lang.

"Tingin mo ba, magugustuhan ako nung liligawan ko?" 

"Oo naman Xiu! Ang cute cute mo kaya tapos ang bait mo pa. Parang iba ka sa mga lalaki dyan sa tabi-tabi. Sa totoo nga lang crush kit--- oops!" nawala ata ako sa sarili ko dahil sa mga nasabi ko. DID I JUST CONFESSED?! 

"Hahahaha! Crush mo ako Maj?!" natatawa nyang tanong. Namumula tuloy ako.

"Ayiee! Maj! Crush mo ako. Hihihih." sabi nya na kahit mukhang niloloko nya ako ay namumula yung super soft and fluffy cheeks nya. Hindi tuloy ako nakapagpigil at kahit na nahihiya pa ko ay pinisil ko ang pisngi nya.

Matapos naman ang asaran at kwentuhan ay iniuwi na nya ako. Hindi nga ako makatulog eh. Siguro dahil...

a. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung sino yung liligawan nya.

b. Kinikilig ako kasi kasama ko na naman sya.

c. All of the above, huhuhu.

Walanghiya ka naman Xiu. Bakit ba ang lakas ng tama ko sa'yo? Tapos ito pa't gawa ka ng ganwa ng paraan kuno para mas mahulog ako lalo sa'yo. Nakakainis. Nakakairita. Hindi ko alam kung dapat ko bang hayaan yung sarili ko na mahulog ulit sa isang lalaki. Gustuhin ko man kasing makaramdam muli ng kilig, natatakot na ako.

--

"Blooming ka teh?" bati sa'kin ni Bomi pagpasok na pagpasok ko ng restaurant. Aba't kahit late ako dahil sa puyat, papasok pa rin ako. :"> Tinawanan ko lang si Bomi pero patuloy pa rin s'ya sa pang-iintriga.

"May sasabihin nga pala ako sa'yo!!" parang nagha-hyperventilate na 'tong si Bomi dahil mukhang kilig na kilig s'ya sa itsura nya. Minsan hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan 'tong punyaterang gagang 'to. Para s'yang naiihing ewan. Sarap nyang isubsob sa steamer.

"Oh ano na naman ba?" tanong ko sa kanya.

"Eh k-kashe... s-si Domeng, natatandaan mo 'yun? Sh-shinagot ko na. Hehehe." kilig na kilig nyang sabi. Ah, sinagot lang pala nya yung manliligaw nyang ang baho ng pangalan. 

"Oh, de ikaw na may lovelife."

"Mayron ka rin naman, 'wag ka ngang pa-inosente dyan! May nangyari na sa inyo ni sir Minseok kagabi kaya ka blooming noh?" tangina nito, blooming pa ba ko eh puyat nga ako. Saka... anong nangyari?! Gustuhin ko man, wala noh! Gagi talaga 'to.

Unti-unti nang nagkakaroon ng customer ang restaurant kaya hindi na rin ako inintriga ni Bomi pero maya-maya pa'y dumating na si Xiu. Mugto ba yung mata nya? Bakit ganito 'to?

"Maj! Maj!" tawag nya pagpasok nya sa restaurant, lumingon naman ako at nginitian sya.

"Oh, Xiu, aga mo ata." sabi ko.

"Ah-eh. Hehe, pa-order ng misono, utang." Whut? Utang? Naghihirap ka na ngayon, Xiu?! "Haha. Joke lang. Pa-order ng misono, take out." Kinuha ko na yung order nya at ang medyo nakakapagtaka, hindi dalawang baozi ang inorder nito. Baka diet?

Matapos kong ibigay ang order nya at matapos nya itong bayaran, kinuha nya agad ito at akmang aalis na dahil nagmamadali ata. Pero parang may nakalimutan sya at lumingon pa ulit habang ako, nakasunod ng tingin sa kanya.

"Uhm, Maj, kita tayo mamaya sa central park, please. May ipapakilala ako sa'yo. Saka may sasabihin din ako, importante. 'Wag kang mawawala ah." hindi sya nakangiti dahil seryoso ang pagkakasabi nya nito sa'kin kaya medyo nag-iba din ang aura ko pero tumango na lang ako.

Ano bang nangyayari dun kay Xiu? Naapektuhan ako sa kinilos nya at hindi ko maiwasang mag-isip. Sino kayang ipapakilala nya sa'kin? Parents nya? Ay, grabe naman. Saka ano kayan importanteng sasabihin nya? Magco-confess na ba s'ya?

Sabi ko nga, FilAm ako. Hindi ko maiwasang mag-ilusyon sa mga bagay bagay minsan pero wala naman imposible diba? At libre lang din ang mangarap. Buong araw kong ipinagdadasal na sana, kung ano ang iniisip ko, yun ang mangyari. Gusto kong makamit ang happiliy ever after ko. Sawa na ako sa sakit. 

-

Pag-out ko, nakita ko ang text ni Xiu na 7PM daw kami magkita sa central park. 6PM palang out na ako kaya naisipan kong umuwi muna saglit ng bahay bago magpunta ng park tutal walking distance lang naman yun mula sa bahay namin. Nagpalit na agad ako ng damit. I swore to look at my best kahit na medyo kinakabahan ako.

Sinimulan ko nang maglakad papunta sa park. Nung malapit na ako, nakita ko si Xiu, nakatalikod at nakaupo sa isang bench.

"Xiu!" tawag ko sa kanya kaya naman napalingon s'ya. Kung kanina mukha lang syang seryoso, ngayon, nakangiti na sya. Hahaha. Ang cute cute ni Boy Baozi. Bakit ganun? T_T Juthko, my feels!

"Maj, salamat sa pagpunta." sabi nya.

"Oh, so ano yung sasabihin mong importante at saka sino yung ipapakilala mo?" pagkatanong ko n'yan, umiwas s'ya ng tingin tapos tumingin ulit sa'kin at ngumiti pero hindi ito yung usual na ngiti nya.

"Majes----" naputol ang sasabihin nya nang may babaeng may dalang soda in can at chips sa likod nya na biglang sumulpot.

"Kardy." sabi nya dun sa babae tapos tumingin sya rito bago ako tinignan muli. 

"Baby! Bumili ako ng foods para may makain tayo habang nag-iikot. Hahaha--- Oh, sino s'ya?" masayang sabi nung Kardy aw at--- wait. Baby?!

Frozen Baozi (Xiumin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon