EPIC-LOGUE (Ang Epic na Epilogue)

601 48 11
                                    

Majesty Paerez’s Point of View

Last hour na nag ship ko bago ako mag-out. Wala nang customer pwera na lang dun sa isang lalaking papasok ng restaurant. Ako sana ang maga-assist dahil last hour ko naman na.

“Majesty!” tawag sa’kin nung manager namin mula dun sa office.

“Uy Bomi, ikaw na muna bahala d’yan ah.” Ewan ko ba kung bakit nginingitian ako nitong si Bomi na parang alien pero no choice naman s’ya kaya tumango na lang s’ya. Hay, kapag nga naman in love oh. Sila pa rin kasi ni Domeng eh. Ikaw lang sapat na sobra sobra pa walang titibag ang peg nitong dalawang ‘to. Hatid sundo ng trabaho, tawagan tuwing vacant. Nakakainggit na ah!

Dali-dali na akong pumunta ng office. Pinaliwanag lang sa’kin ni Ms. Manager ‘yung magiging mga promo ng restaurant at sa’kin pinapaayos ‘yung mga signage na gagamitin dahil naka-leave ‘yung maintenance. Wala naman ‘yung problema sa’kin dahil kaya ko naman.

Paglabas ko ng office, bumalik na ko sa counter. Yung lalaki pa ring pumasok kanina ‘yung customer. Hindi ko naman nakita dahil nakatagilid s’ya. Kinakain n’ya ‘yung specialty naming… baozi. B-baozi? Teka, bakit parang si Xiu ‘to? P-pero imposible naman kasi hindi naman ‘yun pumupunta dito ng ganitong oras. Saka… matagal nang hindi pumupunta si Xiu. At hindi na in ako umaasang pupunta pa s’ya. Kaya naman hindi ko na lang pinansin.

Matapos kumain nung lalaki, lumabas na s’ya. Tumungo ako sa table n’ya para linisin iyon. Hindi ako janitor pero isa na lang naman ‘to kaya nagkusa na akong linisin… JOKE. Wala na rin kasi ‘yung janitor, umuwi na kanina. Etong si Bomi, pinalinis sa’kin. Bwiset talaga ‘to.

Itatapon ko na sana yung mga plastic at papel pero napansin ko ‘yung tissue. ‘Yung tissue… May nakasulat dito.

Tinapon ko na yung mga kalat at kinuha ang nag-iisang tissue na may sulat.

Kung wrong timing man ako,

wala na akong pakialam. Basta gusto kong aminin

sa’yo na mahal kita, matagal na. Ang cheesy

sigurong pakinggan pero…

love at first sight? Hahaha.

 Seryoso ako. I love you Majesty Paerez.

PS. Meet me at the ice cream parlor, now.

Lumingon ako kay Bomi. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Go. Hihihihi.” Sabi ni Bomi habang sumesenyas na sundan ko na s’ya.

Nawala na ata ako sa mga senses ko kasi bigla na lang ako tumakbo papalabas ng restaurant at nagpunta ng ice cream parlor. Mahirap paniwalaan pero kailangan ko nang malinawan. Bakit? Kasi rhyming ‘yun oh! Hahaha!

Hingal na hingal kong binuksan ang glass door ng ice cream parlor. Nakita ko si Xiu, nginitian n’ya ako.

Lumapit ako sa table kung nasaan s’ya at inilapag doon sa table na ‘yun ‘yung tissue na sinulatan nya. Positive, si Xiu nga ‘yung nandun sa restaurant kanina.

“Hoy Mister, ang tissue po, pinamumunas, hindi ginagawang papel. Tsk. Ano ba ‘tong trip mo?” noong tinignan ko s'ya, ngumingisi lang s'ya. Hay, abnormal na talaga 'tong taong mahal ko. T_____T

"Lika." sabi nya tapos hinatak nya ako palabas ng ice cream parlor. Isinakay nya ako sa motor nya at dinala ako sa park. Hala? Wawasakin na naman ba nya ang heart ko? Huhuhu.

Frozen Baozi (Xiumin FF)Where stories live. Discover now