Prologue

616 4 2
                                    

“Real Beauty goes beyond & beneath the surface...”

“Beauty is not on the outside, true beauty lies within...”

Mahirap paniwalaan na sa panahon natin ngayon totoo pa rin ang mga sayings na ‘yan. Nagmimistulang mga kasinungalingann lang ‘yan...  Iba na kasi ang mga tao ngayon eh! Mapanghusga. At yung panlabas na anyo muna ang tinitignan...

“Ang kagandahan mo ay parang hangin. Feel na feel mo, pero hindi namain nakikita...”

Pero sabagay, ang initially na kailangan naman para maatract ang isang tao is Looks diba?! Pero I guess nasa tao rin ‘yon. Meron pa rin naman kasing natitirang tao na hindi ganun, endangered nga lang sila... Pero sabi nga nila diba,

“Beauty is in the eye of the beholder...”

Pero hindi lang naman sa Beauty ang issue ko... Kahit papaano, kahit 5%lang, may cuteness pa rin ako noh! Pero yun nga, hindi lang sa beauty ang issue ko. Marami pang iba, PRAMIS! Pero ang pinakamalala, ay ang sa mismong salitang ‘PERFECT’...

“Everyone wants to be Perfect, but no one really is...”

Lahat tayo gusto ang  PERFECT. Perfect life. Perfect story. Perfect Someone... Pero kahit anong gawin natin, nahihirapan pa rin tayong maging ganito... That’s why I really hate Perfect! Sobrang hirap kasi niyan para sa mga taong katulad ko. As in, sobra talaga ang PRESSURE... Mas gugustuhin mo pang tumalon na lang sa building or magpakain sa mga leon... Tsk, tsk, tsk.

Siguro ngayon iniisip niyo na kung sino ako noh?! Kilala niyo naman ako. Or, pwede ring hindi. Depende sa’yo. Magulo ako eh! I’m very complicated...

Bugs Bunny. Immature. Crazy. Weirdo. Malandi. Ambisyosa. Freak. Panget.

Ang nega noh?! Paiba-iba ‘yan. It’s ashame na hanggang ngayon, ganyan pa rin ang mga label ko... Ni-hindi ko man lang alam at mapakita ang totoong ako at kung sino ba talaga ang gusto ko maging... At dahil nga ‘yan sa PERFECT, it’s what everyone expects you to be. Pero hindi talaga eh! Ayoko talaga!

Pero kahit papaano, may isang bagay pa rin ang Perfect sa’kin...

PERFECTLY IMPERFECT.

Sa sobrang dami ng mali sa’kin, ako na siguro ang PERFECT example ng PERFECTLY IMPERFECT. Like I said, I’m complicated... Parang bipolar lang...

And I just really hate this. I want a Change. But I know it’s not that easy. Well what do I expect, it’s Life... REAL LIFE.

And kung iniisip mo na mali ako? This story is not for you...

Kung Perfect ka at hindi mo gets ang sinasabi ko, huwag mo nang basahin ‘to... Pero kung gusto mo rin naman, bahala ka...

Basta Ako, I am just Hating Perfect....

--AUTHOR'S NOTE--

HELLO READERS!!! Pag-pasensiyahan niyo na po na hindi masyado okay yung Prologue. 1st original story ko kasi... Anyways, sana po magustuhan niyo. Nilagyan ko po talaga siya ng maraming  surprises bawat chapter to keep you hooked... Sana po mag-vote kayo & i-share niyo rin po after reading... Thank you in Advance!!! Byieee!!!

XOXO,
(Your weird new Owtore) AllyAztera

Hating Perfect {DISCON}Where stories live. Discover now