Chapter 11: Cupcake Happiness

152 4 0
                                    

~I Hate it when People eat my Cupcakes~☠ 

 ~Ali Cruz’s P.O.V.~

 ♫ “Finding Out. Dark side. Only shows when I’m feeling mad...” 

 ~~

 Dumiretso agad ako sa mansion ng mga De Valle pagka-uwi ko galing school...

 Since wala naman ako masyadong gagawin dahil maaga kami pinauwi, naligo muna ako saglit...

 ~~

 ♫ “All my life, I’ve been good. Now I just want to be bad...”  

~~

Kakalabas ko lang sa shower, habang kinakanta ang latest composition ko...

 ~~

 “Broke away. Found a way. Now I say, I wanna change!” 

 ~~

 Aist! Kaasar naman. 

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina sa clinic....

Tsk. Bwisit talaga yung Ashton na ‘yon... (>.<)

~~

♫ “Flying Free. This is Me. Now I’m finally, ready, I’m ready, I’m rea—“ 

 ~~

 “Marunong ka palang kumanta....”

“Ay halimaw!”

“Hehehe! Hindi naman ako mukhang halimaw ah!”

Anong nangyari????

Pagkabukas ko kasi ng pintuan ng CR sa kwarto ko, biglang bumulaga sa’kin si Ms. Vic... Nagulat tuloy ako.

Buti na lang, nakasuot na ko ng tuwalya sa katawan...

Me: “Ms. Vic, anong ginagawa niyo dito?”

Vic: “Ah, napadaan kasi ako sa kwarto mo tapos narinig ‘kong kumakanta ka... Kaya eto, nakinig muna ako... Is that your own song, Ali???”

Me: “Uhmmm... Opo...”

Medyo nahihiya pa ’ko...

Wala kasi masyadong may alam na nagsusulat akong kanta. Ni si Jia nga eh, hindi rin...

Vic: “Alam mo, magaling ka! Pwede ka na maging singer/song-writer katulad ko...”

Me: “Talaga ho?!”

Weh? Seryoso? Di nga?

Vic: “Syempre naman... I know that if you just believe in yourself, malayo ang mararating mo...”

Saan naman nangaling yun???

Me: “Wow, thank you po!”

Masyado naman akong na-flattered. First time ko lang kasi makarinig ng ganyan eh!

At biro mo, pwede pa raw ako maging katulad niya... Idol ko pa naman siya...

--------------

Lumabas na si Ms. Vic. Pero maya-maya, pinasok niya ulit ulo niya....

Vic: “Teka nga Ali, ba’t andito ka ngayon??? Diba may klase ka pa???”

Ay, oo nga pala! Hindi pa niya alam na nahimatay ako kanina... Hmmm.....

Me: “Half-day po kasi kami ngayon...”

Sinungaling na bata.

Hindi ko na lang sasabihin sa kanya tungkol doon. Ayoko kasing may nag-aalala pa sa’kin eh! Feeling ko, ang weak ko.

Hating Perfect {DISCON}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon