Chapter 1: Cupcake Face

269 4 0
                                    

 ~Hate it when food doesn't go in my mouth~   

Haaay Buhay! Eto nanaman ako...Inoobserbahan ang mukha ko sa salamin....

“Hmmm....”

Tiningnan ko ng mabuti ang sarili ko.

“Height—“

Nilagay ko ang isa ‘kong kamay sa ibabaw ng ulo ko.

“Wala. Pandak pa rin.”

Tinitigan ko naman ang bawat parte ng mukha ko...

“Noo... Malapad at may konting tigyawat.

Kilay.... Makapal. Pwede ng hideout ng mga dwende.

Buhok. Frizzy pa rin at may konting Dandruff...

*sniff sniff*

Pero mabango...

Ilong. Hindi pa rin matangos. At may konting blackheads pa.

Ngipin....”

Hanggang ngayon, nangangarap pa rin ako na baka isang araw pagkagising ko, biglang magkaroon ng pagbabago sa buhay ko...

“Waaah! Malaki pa rin ipin ko... Ba’t ba kasi hindi namin afford ang mag-pa-brace???”

Hanggang ngayon, hindi pa rin dumadating ang araw na ‘yon...

And I’m just really Hating this...

“Ang Panget ko pa tuloy... Sayang, alam ko namang may chance pa akong gumanda eh! Tsk.”

At pag dumating ang araw na ‘yon... Magugulat na lang sila na iba na itong babaeng lagi nilang hinuhusgahan...

“Haaay, makaligo na nga lang...”

At dumiretso na ko sa banyo.

-----------------

Ngapala, nakalimutan ‘kong magpakilala...

Ako si Angelique Cruz at isa akong Dyosa na bumababa galing sa langit para maranasan umibig sa isang normal na tao...

Hehe! Joke lang! Sa tingin ko alam niyo naman na walang Dyosa na ganito ang mukha diba?! (=_=)

Pero kahit hindi man ako Dyosa, hindi rin naman ako aswang noh! Isa lang akong caterpillar na nag-aantay maging paro-paro.

Sabi nga naman nila, hindi naman masama mangarap. And sabagay, hanggang pangarap lang naman talaga ako eh, kaya sagad-sagarin ko na... hehehe (*u*)

Anyways, meron akong dalawang side... The Crazy & the Dark side...

Papalit palit ‘yan... Bukod kasi sa weirdo na ‘ko, bipolar rin ako... Parang polaroid lang. Hehe! #LOL

Ayan, ang nakikita niyo ngayon ay ang Super Kuletz Crazy side ko...

Minsan lang rin naman kasi lumalabas ang Dark Side ko eh! On certain times & people lang... Hindi naman kasi ako ganun ka bad, sobrang slight lang. Madali kaya akong ma-guilty! Pero sabi nga nila diba,

“My personality is different from my attitude. My personality is who I am. And my attitude depends on you...”

O de ba, taray noh! Gumaganyan ang loka... Hehe! :D

Hindi ko na ‘yan kailangan i-explain. Gets niyo na ‘yan. Matalino naman kayo. Wala namang ginawa si God na taong bobo, diba?! Tanga, pwede pa! Hihi! #Patama *Peace Sign*

Pero back to me....

Sa dark side ko naman... Ang ANGELique ko, nagiging Ang-HELL-lique. Pero either side, huwag na huwag niyo rin akong tatawagin by my real name. Baka masapak ko kayo! I really HATE that. Ayoko kasi talaga, parang pang maarte. Besisdes, I’m not an Angel. Kaya Ali na lang, for short. A-L-I, ALI!

Hating Perfect {DISCON}Where stories live. Discover now