Chapter 3: The Crazies

186 5 0
                                    

☠  ~Hate the fact that he's not the only one~ ☠  

Habang naglalakad ako pauwi ay kinakausap ko sarili ko...

"Alam ko na, alam ko na!"

Na-realize ko na kasi kung bakit parang familiar sa 'kin si Ashton. Bigla tuloy akong na-excite at bumalik sa Cupcake Shop. 

In the Shop.

♫ “I’m the girl, undercover, the one who’s always in disguise  (Always in disguise)…” 

~~

-–Silent singing ko habang tina-tap ang pen ko sa table. Hindi nga kasi ako marunong mag-play ng instrument, kaya yung beat na lang ng pen ang sinusundan ko...

“Gasti, ang hirap naman magsulat ng kanta dito….”

Tinawagan at inaantay ko kasi si Jia, ang aking pambansang best friend. Ikwekwento ko kasi sa kanya lahat ng nangyari sa’kin the past few days...

Kaso, ang tagal naman niya kaya naisipan ko munang magsulat ng kanta…

~~

♫ “Hiding behind, ‘fraid to show, who I am inside (who I am inside)” 

~~

Hmmm….

“Nasaan na kaya ‘yung babaeng ‘yon???”

“BWAAAAAH!”

“AAAAAAHHH!!!”

“HAHAHAHA!!!”

Anong nangyari???

May isang nilalang na gumulat sa’kin… (>o<)

Me: “Jia ano ba?! Ba’t ka nanggugulat?!?”

Jia: “Ahaha! Sorry Ali, namiss kasi kita eh! Hahaha!”

Sabi niya habang natatawatawa….

Yup, iyan ang baliw ‘kong Best Friend… Si Jiana Bartolome, Jia for short. Mayaman, mabait at maganda. Si Jia ay isang magandang halimbawa ng salitang ‘PERFECT’. Kaso, ang problema—

Me: “Baliw mo talaga!”

Jia: “Nakuha ko sa’yo eh! Ahahaha!”

Oo, baliw ‘yang 'Good Girl' na ‘yan. Paano ba naman kasi, nakilala niya ko eh! Dati tahimik lang siya lagi at wala masyadong kinakausap. Pero isang boring day sa school, nagtagpo ang landas namin. Dinaldal ko siya hanggang sa maging OPEN siya sa’kin. Yun nga lang, mas nalagpasan niya pa yung kabaliwan ko. At simula rin nung araw na ‘yon, hindi na kami mapaghiwalay. Kaya nga ayan oh, same College rin ang pinapasukan namin….

Jia: “Ba’t mo ba ko pinapunta dito? Ano bang ikwekwento mo na hindi mo pwedeng masabi sa Monday na pasukan???”

Hmmm… Ano? Sabihin ko na ba sa kanya agad yung tungkol kay Ryan? Baka kasi magalit ‘yan sa’kin eh! Crush niya pa naman ‘yon… Pero ayoko kasing may tinatagong sikreto kay Jia eh, weirdo pa naman ‘yan….

Me: “Teka Jia, order muna tayo….”

Jia: “Okidokie…”

~Jia Bartolome’s Point Of View~

“I wake up & my hair’s a mess. And I’m too lazy, to get, to get dress. Yeah! I love the way you love me ‘cuz you love me like that, I love the way you love me ‘cuz you love me like that”

~~

Love Me Like That By R5’s Rydel Lynch ang song na nag-pla-play ngayon sa favorite tambayan ni Ali.

Hating Perfect {DISCON}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon