Chapter 6: The Killer Clown

151 2 0
  • Dedicated to Enrica Ongchua
                                    

***Dedicated to xpick_your_poison Hiyieeee!!! Mizz na kita! Ingat ka lagi! Paramdam ka naman...

                        ___________________________________

☠  ~Hate it when people disturb my sleep~ ☠  

~Ali Cruz's POV~

DE VALLE MANSION.

BLAG!

Sinarado ko na yung pinto at humiga sa kama...

Si Ms. Vic & Ashton nasa isang meeting ngayon. Nagpaalam ako kay Ms. Vic kung pwedeng hindi muna ako sumama, sumasakit kasi puson ko... At since hindi ko naman kaya gumalaw-galaw masyado, naisipan 'kong matulog na lang...

Kaso....

"Gasti, hindi naman ako makatulog..."

Haaaay... Ano bang pwedeng gawin??? Na-bo-bored na 'ko eh!

Wala naman akong libro... Or magazine....

Ayoko namang manuod ng TV.... Tinatamad rin akong buksan ang laptop.....

Hmmm..... Tumingin ako sa labas.... Medyo madilim ang panahon, malakas ang ulan eh! Hmmm....

"Makapagsulat na nga lang ng kanta..."

Maganda naman ang panahon ngayon... Para sa'kin kasi, mas madaling magsulat ng kanta pag-umuulan. Para akong nag-se-senti....

Kinuha ko na yung songbook ko at dumampot rin ako ng lapis... Nag-isip muna ako tapos nagsimula na 'kong magsulat...

~~

♫ "Take my hand, took a chance, I began to realize..." 

~~

Sinabayan ko ng kanta... Siguro naman walang makakarinig sa'kin noh! Ayoko pa namang may nakakarinig sa mga kanta ko. Nahihiya ako eh!

~~

♫ "Feeling strong, Going on, Now I'm ready to shine, shine, shine!" 

~~

Alam niyo mas maganda siguro 'to kung may guitar ako... Kaso hindi rin naman ako marunong eh!

***Many Hours later***

Zzzzzzzz...... Ay sa wakas, nakatulog na rin ako... Sumakit na mata ko eh!

Wala na rin akong balak bumangon para sa dinner... Bawi na lang sa breakfast.... Zzzzzz......

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Teka, ano 'yon???

Parang may magnanakaw na nagpupumilit buksan ang pinto ko....

O baka naman yung ulan lang.....

Oo nga, siguro 'yung ulan lang...

Tumigil ang paggalaw ng pinto...

Back to sleep na nga lang ulit.... Zzzzzzzz......

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Nagsimula nanaman 'to...

Haaay, masasapak ko na yung ulan na 'yan ha! Sinisira ang tulog ko... (>_<)

Binuksan ko saglit ang mga mata ko... Hmmm....

Saglit na tumigil nanaman ang pinto...

Pero napaisip ako, mahina na ang ulan sa labas. Nakasarado rin ang mga bintana. Paano naman hinahangin ng ulan ang pinto... 

Hating Perfect {DISCON}Where stories live. Discover now