Chapter 2: Ugly Meets Beast

220 2 0
                                    

 ~Hate it when fairytales turn into a very twisted reality~ ☠  

Eto na. Ready na ko..... Ang ingay sa labas..... Sinisigaw nila pangalan ko.

"Ali, Ali, Ali!!!" Ang lakas talaga...

"Ladies & Gentlemen, Please welcome onstage--" Sabi nung announcer.

"The One & Only.... Ali Cruz!!!"

Naglalakad na ko papunta sa stage. Nakikita ko na yung mga fans ko. Lumakas yung sigaw nila...

"KYAAAAAHHHH!!! WE LOVE YOU ALI!!!!"

Lahat sila nakangiti at tuwang-tuwa. Ang sarap ng pakiramdam.

Hawak ko na yung Mic. Ready na ko. Ibubuka ko na bibig ko....

Kaso biglang silang tumigil....

"BOOOOOO!!!!"

Anong nangyayari???

"BOOOOOO!!!!"

Bigla silang nawala... Nanahimik ang buong paligid...

Ngayon, nalulunod naman ako...

“WAAAAAHHH!!! TULONG!”

Palalim ng palalim ako...

Hindi ako makahinga. Hindi ko na kaya.

Jusko! Katapusan ko na ’to???

Sa huli, wala na ‘kong magawa... Tuluyan na ‘kong hinihila pababa ng pababa...

Pinikit ko na lang ang mga mata ko... At---

Namatay na ko....

"WAAAAAAAHHHHH!!!!" Nagising ako bigla.

Binangungot lang pala ako...

Yung aso ko biglang napaatras at tinahulan ako. Siya pala yung dumidila sa mukha ko kaya pala basang-basa 'to.

"Wacky, ano ba?!?--" Ganda ng pangalan ng aso ko noh!

"Alam mo bang dahil sayo nalunod ako?!?" Sigaw ko sa kanya, habang palabas siya ng kwarto.

"Grabeh 'tong aso na 'to, nilunod na nga ako, hindi pa ko pinansin!" Bulong ko sa sarili ko.

Bumangon na lang ako at pumunta sa may sala....

Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng kwarto, narinig ko na agad ang sigawan ng kapatid at mga pinsan ko habang naglalaro.

Takte! Ang Ingay!

"Ano ba 'yan umagang-umaga, ang iingay nyo."

Hindi naman halatang masama gising ko noh?

“Tara na nga, dun tayo sa labas...” Sabi nung nakababata ‘kong kapatid.

Haaay! Ka-BV! Ayoko pa naman na maingay agad pagkagising ko. I Hate that!

Umupo na lang ako sa lamesa para kumain kahit hindi ako mahilig mag-breakfast...

"Haaay--" Lumabas si Papa mula sa banyo.

Anong ginagawa niya dito ngayon? May pasok siya ngayon ah! Hindi ba siya papasok or maghahanap man lang ng magandang trabaho???

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko ngayon. Pero hindi na lang ako magtatanong. Para iwas conversation. Ayoko talaga eh!

 "Haaay, Andami nanaman nating babayaran... " Sabay lapit ni Papa sa mga bills na naka-magnet sa Ref. namin.

Haaaay, ayan nanaman siya. Nagpaparinig.

Hindi pa kasi ako nakakahanap ng part time Job! Pero at least ako, naghahanap talaga ng trabaho kahit busing-busy ako. Working student nga diba?!

Hating Perfect {DISCON}Where stories live. Discover now