At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa," Pangangaral ng isang Misyonaryo sa mga tao sa isang liblib na pook. "At nangagkaanak ng mga babae. Na nakita ng mga anak ng Diyos, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailanman, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw. Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. (1)"
"Tatay," Bulong ng isang binatilyo sa kanyang amang abala sa pakikinig sa Misyonaryo, "Ano po 'yung mga anak ng Diyos?"
"Ang mga anak ng Diyos ay ang mga Anghel."
"Pwede po palang mag-asawa ng tao ang mga Anghel?"
"Ayon sa banal na kasulatan, nangyari ngang nagsipag-asawa ang mga Anghel, pero ikinagalit 'yon ng Diyos kaya sila pinarusahan."
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Eh nasaan na po sila? Buhay pa po ba sila?"
"Imortal ang mga Anghel kaya siyempre buhay pa sila, pero walang malinaw na sinabi ang banal na kasulatan kung nasaan na sila. Pero dahil sa kasalanan nila, paniguradong hindi na sila nakabalik pa sa langit. Marami ang nagsasabi na ibinaon sila ng mga kapwa Anghel sa madilim na balong walang hanggan, bilang pagsunod sa ipinag-uutos ng Diyos (2). Marami naman ang haka-hakang dinala sila sa impyerno kasama ni Lucifer at ng mga anghel nitong nag-ambisyong maupo sa trono ng Diyos. Pero marami rin naman ang naniniwala, na sa ibang lugar sila napadpad, dahil iba naman ang kasalanan nila sa ambisyosong si Lucifer."
"Ano pong pagkakaiba ng kasalanan nila?"
"Ang kasalanan ni Lucifer at ng kanyang mga anghel ay ang pag-a-ambisyong makuha ang trono ng Diyos at ang kapangyarihan sa buong kalangitan. Samantalang ang kasalanan ng mga Anghel na ito ay pagnanasa sa laman ng tao, na nagbunga ng mga imortal na supling na hindi pinahihintulutan ng Diyos."
"Eh nasaan na po ang mga imortal na supling na ito?"
"'Hindi ko rin alam, anak. At wala rin akong kilalang mortal na nakaaalam kung saan talaga sila naror'on."
***
Footnotes:
(1) Genesis 6:1-3, TAB
(2) Book of Enoch
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Walang Kawala
AdventureKatropa Series Book 4 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: December 201...