KABANATA 31

29.2K 612 21
                                    

Mitch's P.O.V.

Mas malala pa sa pagkakakulong ko sa kanyang kastilyo. 'Yun ang napala ko sa hindi pagtupad sa kanya sa mga pangako ko. Sinusundan n'ya ako saan man ako magtungo, sa paninigurong wala akong hihingian ng saklolo.

Hindi ko raw pwedeng ipaalam ang aming pinag-usapan kahit kanino, lalong-lalo na sa aking matalik na kaibigang si Helga. 'Yun daw ay kung ayaw kong idamay n'ya ang mga magulang ko, pati na rin ang iba ko pang mga kaibigan.

Anim na buwan na ang batang dinadala ko, nang magtungo ako sa Pransya sa pag-aakalang mailalayo ko ang anak ko kay Lucio. Pero ang paglayo kong ito'y nauwi rin lamang sa wala dahil magpahanggang doo'y wala akong kawala sa kanya.

"Hindi ka pa ba nadadala?" anya. Nadatnan ko itong nakaupo sa salas ko. Kagagaling ko lang sa trabaho.

"Pa'no ka nakapasok?!" bulalas ko. "Nakakandado ang—" bigla kong naalala na ito si Lucio. Isang makapangyarihang nilalang. Isang eksperto sa salamangka at kung ano-anong itim na kaalaman.

"Lalo mo lang dinadagdagan ang mga parusang ipapataw ko sa 'yo." Tumayo ito, lumakad papalapit sa akin, hanggang sa huminto ito mga isang dipa ang layo mula sa kinatatayuan ko. "Alam mo ba ang kapalit nito?" ang tinutukoy niyang 'nito' ay ang pangigibang bansa ako. Hindi ako nagsalita. "Susunod ka na ngayon sa lahat-lahat ng sasabihin ko."

Pagkasabi niya noo'y biglang nag-ring ang telephono. Lalapit sana ako sa side table kung nasasaan ito pero inunahan niya ako sa pagsagot noon.

"Bonjour?" anya. Na ang ibig sabihin ay 'hello?' sa wikang Pranses. "Qui est-ce?" Na ang ibig sabihin ay 'Sino ito?' "Luke?" anito, habang nakataas ang isang kilay na sumulyap sa akin.

Darn it. Mukhang si Luke ang nasa kabilang linya. Ito lang kasi at si Helga ang nakakaalam na naririto ako sa Pransya.

"Qui suis-je? " anito kay Luke, na ang ibig sabihin sa tagalog ay 'Sino ako?' Nakangising sumulyap ang Demonyo sa akin. "Je suis son fiancé." Nakakagulat na sinabi nito kay Luke, dahil ang ibig sabihin noon ay, 'Ako ang kanyang nobyo.' Sa salitang Pranses.

Bago pa ito makapagsalitang muli'y inagaw ko na ang telepono. Nakakainis na tatawa-tawa pa siya sa naging reaksyon ko.

"Luke?"

"Is your new boyfriend, French?" tila natatawang tanong niya sa kabilang linya. "Mabuti na lang marunong akong mag-French, kung hindi, baka hindi kami nagkaintindihan."

Natutukso akong magsumbong kay Luke, pero sinenyasan ako ni Lucio na alam niya ang binabalak ko. Iginalaw-galaw niya ang kanyang hintuturo, bilang pagbabantang mas lalong hihigpit ang hindi nakikitang preso na unti-unti n'yang pinagkukulungan sa akin.

"Ok lang 'yan Mitch." Sabi ni Luke sa kabilang linya. "I want you to be happy. Alangan naman na si Benj lang ang parating happy."

Si Benj? Happy? Without me? Really?

"K-kamusta na ba siya?" nag-aalinlangan kong tanong.

"Ano pa? Eh di sinulot na naman n'ya 'yung huling niligawan ko." Nakapagtatakang tumatawa pa ito. "Kaya hayun, ibinigay ko na lang ulit para wala nang gulo."

"Ang sabihin mo. Masyado kang mabait d'yan sa spoiled brat na kaibigan mo." Panenermon ko, "pero malupit naman sa taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa 'yo."

Walang KawalaWhere stories live. Discover now