KABANATA 19

35.6K 672 35
                                    

Jason's P.O.V.

"Mummm..."

Isang malaking surpresa, ang pagdating ng biyenan ko. Karga-karga nito ang aming panganay na si Jasper. Ang laki na Jasper. Palibhasa'y dalawang taon na namin itong hindi nakakasama. Doon muna kasi ito nanirahan sa biyenan ko, alang-alang sa kaligtasan nito. Pinagtatangkaan kasi ni Lucio ang buhay nito dahil sa pangambang matupad ang prospesiyang, si Jasper mismo ang papatay sa kanya.

"Oh my baby..." giliw na giliw na salubong ni Helga sa aming anak, at sa kanyang nakangiting ina, ang biyenan kong si Marietta. "Miss na miss na kita." Maluluha-luha nitong binuhat ang panganay namin.

"Mummy..."nakakatuwang sambit ulit ni Jasper.

Tuwang-tuwa si Helga. Ang sarap daw kasing pakinggan at malaman, na kahit na nasa malayo siya, kilala pa rin s'ya nito bilang kanyang ina.

"How about Daddy? Do you know Daddy?" itinuturo ako ni Helga.

Hindi ito nagsalita. Pero nakapagtatakang nakatitig ito sa akin na tila isang matanda. Meron sa kanyang mga titig na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko matukoy ito, pero kinikilabutan ako. Mukhang napansin din naman ni Helga at Mama Marietta ang paraan ng pagtitig sa akin ni Jasper. Tagos ito sa kaluluwa ko kung kaya ako na rin ang sumuko at umiwas ng tingin.

"What's the matter, Jasper?" tanong ni Helga sa bata, "why are you looking at your Daddy that way?"

Sa halip na sumagot, may itinuro ito sa bandang likuran ko. Noon ko lang napagtantong, hindi pala ako ang tinititigan nito.

"W-what anak? W-what do you see behind me?" tanong ko. 

"Dubuhh..." sabi nito. Sabay turo ulit sa bandang likuran ko.

"Ano po ang ibig sabihin no'n?" Tanong ko sa biyenan ko, na ngayon ko lang napansing, medyo namumutla.

"Dubuh means Devil." Sagot ng biyenan ko. Bakas ang pangamba kanyang mga mata.

What? Pero bakit itinuturo niya ang likuran ko. Nasa likuran ko ba ang Diyablo? Ano?!

"Daddah Dubuh Mee-mee." ani Jasper, sabay abot nito ng kamay n'ya sa upang magpabuhat sa akin. Agad ko naman itong kinuha kay Helga.

"What does that mean?" tanong ko ulit sa biyenan kong nagsilbi nang translator ni Jasper.

"Daddy, there's the Devil, take me." Sagot ng biyenan ko.

"P-po ano po ang ibig niyang sabihin doon?" kinikilabutan na ako.

"Hindi ko sigurado." Sabi ng biyenan ko, lumilingon-lingon at tumitingin din ito sa itaas. "Pero malamang na may nakita s'ya kanina sa likuran mo."

What?

"A-ano pong ibig n'yong sabihin?" dumikit ako ng kaunti kay Helga. Nakahinga ako nang mas maluwag nang hinawakan nito ang braso ko.

"Bakit ba dito kayo lumipat?" tanong sa 'min ni Mama Marietta. "Hindi ba kayo kumportable sa condo ko? Meron pa naman akong isang bakanteng bahay dito sa Maynila. Doon na lang kayo."

"Bakit po ba Mama?" tanong Helga, "ano po ba ang nararamdaman ninyo sa bahay na 'to?"

Hindi ito sumagot. Tila may hinahanap ito sa paligid.

"Wala po ba kayong nakikita, tulad ni Jasper?" tanong ko.

"Wala, pero may nararamdaman ako." Anito. "Galit na galit ito sa pag-uwi ni Jasper dito."

"Kanina ko pa napapansin," pag-singit ni Helga, "bago pa dumating sina Mama at Jasper. Parang may mga aninong umiikot-ikot na dito sa bahay. May isa pa nga na nakita kong papunta sa laundry area sa basement kanina, sinundan ko, pero ikaw lang naman ang nakita ko do'n. Nakatayo ka sa may washing machine."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

What? Hindi naman ako nagpunta sa basement ngayon ah.

"Love, will it scare you if I say. I've never been to the basement today?"

Instant ang pamumutla ni Helga.

"H'wag na kayong magdalawang-isip." Ani Mama Marietta, "hindi rin talaga maganda ang pakiramdam ko sa bahay na 'to." Hinahawakan nito ang kanyang leeg, na tila nasasakal ito. "Masyado itong malakas!" Nagsimula nang umubo si Mama. "Sumama na kayo sa 'kin, mag-madali kayo!" Muli itong umubo. "Akin na si Jasper." Kinuha muna nito si Jasper sa akin bago ito lumabas ng bahay.

Agad kaming sumugod ni Helga sa aming kuwarto. Nagdali-dali kami sa pag-eempake. Napansin kong inuubo na rin si Helga. Hinahawakan nito ang kanyang leeg na tila may sumasakal din sa kan'ya. 

Papalabas na kami ng kuwarto nang...

"Love," anya. "'Yung cellphone..." Umubo ulit ito, "'yung cellphone ko, pakiabot. Baka d'yan tumawag sina Luke."

Kinuha ko naman agad ang cellphone n'ya, saka ako nagmadaling lumabas ng bahay na kasama s'ya.

"Bakit parang, kayo lang po ang nakakaramdam?" tanong ko. Nasa loob na kami ng van ng biyenan ko. May driver itong matandang lalaki.

"Hindi ko alam." Sagot ng biyenan ko. "Pero isa lang ang nasisiguro ko. Galit siya kay Jasper, marahil ay dahil hindi tumatalab kay Jasper ang kanyang pag-atake. Sa amin kasi ni Helga'y dumadaplis pa rin kahit paano ang masamang enerhiyang nagmumula sa demonyo."

"Sa'n n'yo po kami dadalahin, Mama?" tanong ni Mama.

"Doon na muna kayo sa 'Paraeiah' hanggang sa makapanganak ka, Helga. Sa dami ng tik-tik na nakita kong nasa bubungan ng apartment n'yo kanina, hindi ako matatahimik, hangga't hindi ko nasisigurong ligtas kayong mag-anak."

Mga Tik-tik? May mga Tik-tik sa aming bubungan kanina?

***

"Kamusta na kaya sina Luke?" tanong ko kay Helga, kinabukasan.

Nakatanaw kami ngayon sa mapayapang karagatan; sa malapalasyong tahanan sa isla ng biyenan ko.

"Hindi ko nga alam eh. Wala naman kasing signal dito. Napakalayo natin sa kabihasnan."

Napabuntong-hininga ako. Nag-aalala.

"Masyado nang matagal ang pagkawala ni Mitch." Biglang sabi ni Helga. Nakatingin ito sa karagatan. "Masama na ang kutob ko."

"Masama ang kutob? Na ano? Sa palagay mo, sinasaktan na kaya ito ni Lucio?"

"Hindi 'yun."

"Eh ano?"

"Masama ang kutob ko, na isa ito sa mga plano ni Lucio para masilo n'ya si Jasper, balang araw."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tiningnan n'ya ako ng mata sa mata.

"I love Mitch to death," anya, "pero kailangan kong maging maingat para sa kapakanan ni Jasper."

Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin; napakunot-noo ako. "Pakipaliwanag mo naman Helga. Hindi kita maintindihan."

"Parating sinasabi sa akin ni Mitch. Na kapag babae ang kanyang naging anak, irereto raw n'ya ito kay Jasper."

"So?"

"I love Mitch to death, she's my bestfriend, pero dahil sa hindi natin siguradong nangyayari sa kanila ni Lucio ngayon, gusto kong tulungan mo akong makasigurong, hindi ang magiging anak n'ya, ang makakaparehas ni Jasper balang araw."

"Ha? Pero bakit?"

"Anong bakit? Papaano kung malaglag s'ya sa bitag ni Lucio? Pa'no kung may nangyayari na sa kanila ngayon? Paano kung magbunga 'yon, at gamitin ni Lucio ang bungang 'yon upang masigurong, ito ang makakasilo kay Jasper sa pagdating ng panahon?"

Gano'n na kalayo nakarating ang alalahanin ni Helga, bagama't may punto naman ito. Paano nga kaya?

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto kong ipasa sa 'yo ang pagpili ng ipapareha kay Jasper sa takdang panahon. 'Yun lang ang pwede kong safe excuse para tanggihan ang gustong mangyari ni Mitch, kung sakaling babae man ang kanyang magiging anak. Mabuti na ang nag-iingat. Ayokong mapahamak ang ating anak."

Tumango ako at niyakap ko ang asawa ko. "Ako na ang bahala ro'n, Love." Bulong ko. "'Wag kang mag-aalala."

[ITUTULOY]

Walang KawalaWhere stories live. Discover now