Chapter 5

15.2K 558 53
                                    

A few months after

"Emryse!" Saglit akong napatigil sa mabilis na paglalakad ko nang marinig kong may tumatawag sa akin.

Madali na lumingon ako sa kanan para lang makita si Truth Marie; one of my friends. Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya ang pinaka-close ko bukod kay Carille.

Siguro dahil lagi kaming magkasama at magkapitbahay lang kami. Yung iba naman naming mga kaibigan ay hindi namin nakakasama talaga ng ganoon kadalas. Apat lang naman kami pero hindi kami malimit magbonding dahil magkakaiba kami ng schedule.


Nakangiti ito sa akin at bahagyang yumuko motioning me to come near her. Napabuntong hininga ako saka lumingon muna sa paligid. Vicinity's clear!

"Hey." Bati ko "What do you need?" mas binaba ko ang suot kong baseball cap at inayos ang hood ng suot kong jacket. Tinaasan naman ako nito ng kilay.


"Seriously? you look stupid." Harsh talaga, eh! Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Napakamot nalang siya sa kanyang sentido nang makita ang outfit ko today.

Alanganin namang nginitian ko siya nang makita ko ang pagkunot ng noo niya. Believe me, I also find myself very weird at the moment.


"Alam mo naman sigurong nasa loob ka ng Mall, 'diba?"

"Ahm...Yes?" Sagot ko. Nagpalingon lingon ako para masigurong wala siya dito. Hindi ko na ma-enjoy kahit ang Mall.

"Ba't ganyan hitsura mo? Honestly, mukha kang shoplifter na ine-expose ang sarili bago pa man makapagnakaw." Natatawang usal niya.

Alam ko. Duh, Kanina pa kaya ako pinagtitinginan. 

Napasimangot nalang ako. Sasagot pa sana ako nang may narinig na naman akong sumigaw, oo sumigaw talaga, sa pangalan ko. This is a Mall for Pete's sake.

"Ryse!" oh God, not this time! Napatingin ako sa katabi ko nang makarinig ako ng impit na pagtawa.

"Now, I know." Iniwan ko siya na tuloy parin sa mahinang paghagikgik. I quickly ran towards the exit not minding the people around me. Nakakahiya!



Tumakbo ba naman sa loob ng Mall, jusko. Bago pa man ako tuluyang makalabas ay lumihis ako ng daan.

Nang mapansin kong wala nang nakasunod sa akin at mukha namang nailigaw ko na siya, kalmadong naglakad na ako palabas. Salamat nalang talaga dahil maraming tao ngayon sa Mall.

May Mall show yatang nagaganap sa loob. I am smiling like an idiot as I made my way to the Parking lot. Natakasan ko ulit siya! Pakanta kanta pa ako habang papaupo sa may gilid para magpahinga. Pag upo ko ay siya ring pag upo ng isang pang tao sa tabi ko

“Anong—A-amanda?!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng ‘to sa tabi ko. Hindi makapaniwalang nagpatingin tingin ako sa paligid tapos sakanya. Pa’nong nandito agad siya?

Ang bilis naman yata niya. Unbelievable!


“It’s Mandy, babe.” Nakasimangot na nakamasid ito sa ‘kin pagkuwa’y ngumiti naman. Baliw yata ‘to.


“Anyway, I made these for you.” Namumulang iniaabot nito sa akin ang isang box. Sinipat ko ang laman nito since transparent naman yung cover ng box. Cupcakes? 


“Err...no, thanks” Napaatras ako nang ilapit niya ang sarili sa akin.


“You can have them, My loves. Come, take these. I exerted so much effort making these cupcakes.”


HarayaWhere stories live. Discover now