Chapter 13

11.4K 453 24
                                    

"Riri, mi alma." halos takbuhin ko ang pagitan naming dalawa. Thank God, he's already here. He brought Gio back to us.



"Gigi." Humahagulgol ng iyak na niyakap ko siya. Panandalian siyang hindi naka huma kapagkuwa'y yumakap din naman pabalik. We hugged each other very tight as if compensating for the times we spent separately.



"Ri, stop crying please." marahan niyang hinimas ang likod ko. "I'm here now. I'm not going anywhere." His words were like magic spells that made me stop. Humihikbing nagpa tango tango ako sa balikat niya. Isiniksik ko yung mukha ko sa may leeg niya like I also did before. Hipalos niya ng paulit ulit ang ulo ko. Oh, how I missed him. Everything about him. Us.



"Hindi pa rin talaga nagbabago yang pormahan mo no?" natatawang puna niya sa ayos ko. Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Kinurot ko naman siya sa braso na ikana ngiwi niya.



"A-aw. Totoo naman. Haha" himampas ko siya sa may dibdib. Putek, hindi pa rin talaga nagbabago. Hobby parin niya akong asarin.


Napatingin naman ako sa suot ko. The usual. Maluwag na pants, oversized shirt at lumang rubber shoes. Pangit ba? Hindi naman, eh.



"Nakakainis ka, Gi!" nagmamaktol na sabi ko. Grabe sya! Ang tagal naming nagkahiwalay tapos ganito pa siya. Inaasar niya ako! Naku, kung hindi ko lang siya namiss, kanina pa siya tinamaan sakin.



Tinawanan niya lang ako. Napataas naman ako ng kilay. "Mama Cecille oh!" reklamo ko kay mama. Humarap ako sa kanya. I pouted when I saw her trying to suppress a laugh. She's also laughing at my expense!


"Mama naman!" Napapadyak nalang ako. "Pinagtatawanan niyo lang ako dito!"








Monday. Nagmamadali akong pumasok sa banyo dala ang tuwalya at mga damit kong pangbihis. Nahuli ako ng gising dahil ginabi na ako kina Gio. We are making up for the lost times. Nagkwentuhan kami nang matagal at siyempre, naglambingan. Hihi. Landi ko!


Ayaw na nga sana akong pauwiin ni Mama Cecille at Gio kaso lang, may pasok ako. Ayaw ko namang lumiban sa klasi. Hindi na nga ako matalino, a-absent pa ako.




Pumayag naman sila kaya ayun, hinatid ako ni Gi. Nang makababa kami sa kotse at nagkapaalamanan, hinalikan niya ako sa pisngi. It felt like the first time. Kinikilig ako!



Napapakagat labi ako kapag naiisip ko siya. Ow Em! Para akong tanga na pangiti ngiti habang naglalakad patungo sa room namin. Pinagtitinginan na nga din ako ng mga kapwa ko estudyante but I did not care. Basta ako, masaya ako. I feel so happy.


I frowned when I saw everyone looking at me as I entered our classroom. Problema nitong mga to?



Naglakad na ako papunta sa upuan ko pero nakasunod pa din sila ng tingin sa akin. Napapikit ako ng mariin nung makita ko ang dahilan ng pagtitig ng lahat sa akin.


A cheesecake. Alam na alam ko kung kanino galing to. Mukhang balik sa dating gawi siya, ah. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano bang gagawin ko sayo, Amanda? Kailangan ko siyang makausap.



Binuksan ko yung box na naglalaman ng cheesecake. Nanuot sa ilong ko yung amoy. Hmm. Ang sarap naman. Napapikit ako. Napalunok ako ng dalawang beses. Sinulyapan ko yung suot kong wrist watch tapos sa cheesecake balik sa wrist watch. It read 7:36 a.m.



I still have time.


Binuksan ko ng tuluyan yung kahon. Napangiti ako nang mapansin kong may pang slice na nakalagay sa kahon pati na din tinidor. Sweet.


Nilantakan ko ng mabilis yung cheesecake. Hindi na ako nag abala pang magoffer sa mga kaklasi ko since mukhang busy naman silang nagbubulungan. Ano pa nga ba?






Nang maubos ko ang dalawang slice, itinabi ko muna yun sa bakanteng upuan sa kanan ko. Mukhang liliban na naman sa klase yung katabi ko. Humarap na ako only to frown again. Nakatingin pa rin sila sakin.




"U-uh, bakit?" hindi sila sumagot. Sakto namang pumasok na yung professor namin sa Literature.


Tapos na dapat ako sa Lit. kaso, pang alas sais naman kaya kinailangan ko siyang i drop dahil conflict sa oras ng trabaho ko.




"Good Morning, sir."

"Good morning. I will just discuss to you about your final requirement. In partial fulfilment of this course, I want you to have play and I want you to perform an original story." natigil sa pagsasalita si sir nang may magtaas ng kamay sa bandang kaliwa.

"Yes?"

"Eh, sir. Twenty one lang po kami sa klasing to. Is it possible?" napatango nalang ako. I agree, kulang kami kung yung nga ang gagawin. Malamang na sa mga actors and actresses palang, maubos na kami.

"Of course, hindi lang naman kayo ang required magperform ng isang play. Makakasama niyo ang mga Business Ad students. So ang gagawin, may isa sa inyo ang dapat magcommunicate kay Melissa Sosa. I assigned her to be their class representative for this activity.


Melissa Sosa? Parang pamilyar ang pangalan niya. Sila ba yung nagtitinda ng sosa sa may kanto? Haha.

I laughed at my own joke.

"The presentation will be on March 23. Yun lang. Good day, everyone." then he left us. Naguusap usap na yung iba sa kung ano ang gagawin habang ang iba naman ay lumalabas na.

Makikibalita na lang ako sa gagawin.

Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko. Sa Canteen nalang ako ni Manang Fe. Alas ocho y media palang kasi at alas onse pa ang sunod na klasi ko.

Naisipan kong tanungin si Trinity. Yung katabi ko.

" Ah, Trinity?" I asked hesitantly. Medyo mataray kasi to. Kita nyo? Hindi pa nga ako nakakabwelo, nakataas na agad yung kaliwang kilay niya na hashtag kilaygoals talaga. Juskoo!

"What?!" napangiwi ako. Sana pala si Jovie nalang ang nilapitan ko. Huhu. Sungit nito.

"P-pwedeng magtanong?" I inquired. Hindi pwedeng hindi ko ituloy. Mayayari ako lalo.

"You're already asking, idiot!"

"E-eh? Related ba yung Melissa Sosa kay Ama---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang magsalita siya.

"They're cousins-slash-bestfriends." tsaka ako nito inirapan.

"Ahaha. S-sige. Salamat."

Aalis na sana ako nang biglang patigilin niya ako.

"Wait...You." nakuha niya ang atensiyon ng iba dahil malakas ang pagkakasabi niya.

"Huh? What about m-me?" masama ang kutob ko dito.


"The Queens into you, diba?"

"E-eh?"


"Ikaw na makipagcommunicate sa kanila. Right, guys?"

"Oo nga."


"E-eh?!" patay!

HarayaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt