Chapter 10

13K 480 7
                                    

EMRYSE FABIAN

THURSDAY

Tumawag kagabi si ninong Gonzalo. Gusto niya akong pumunta sa kanilang hacienda sa may Quezon Province. Matagal na din kasi simula noong huli akong bumisita.

Si ninong nga pala yung taong tumulong sa akin na makapunta dito sa Pilipinas ng hindi alam ng mga magulang ko. Kung paano, yan ang hindi ko alam.
Madami nang nagawa para sa akin si ninong kaya naman napakalaki ng utang na loob ko sa kanya.



Alas Tres palang ng madaling araw ay umalis na ako ng bahay papuntang Hacienda Alfonso. May katagalan ang byahe, naeenjoy ko naman ang view.



Ilang beses narin naman akong nakapunta doon kaya alam ko na kung anu-ano ang mga sasakyan ko.
Maliwanag na nang makarating ako sa Hacienda.

Pagbaba ko sa tricycle ay Pinagmasdan ko ang malaking kahoy na may nakasulat na ‘Hacienda Alfonso’. Mula dito ay tanaw natanaw ko ang malawak na lupain ni Don Gonzalo Alfonso na siyang pinaka malaking property sa buong lugar.


Well, what do you expect? The Alfonsos are the wealthiest people in this place. They also dominate in politics here because most people trusts their capability to rule.




Nakangiting linapitan ko ang matandang trabahador na si Mang Julio nang Makita ko ito sa di kalayuan.




“Aba, Emryse! Ikaw pala ‘yan.” Ngiting bati nito sa akin. Dito na siya nagtatrabaho mula pa nang unang beses akong makapunta dito. That was like, Ahm, 5 years ago? Mabait at masipag si Mang Julio kaya siguro nagtagal.



“Ano’t napadalaw ka?”



“Dadalawin ko ho sana si Ninong.” Nakangiting sagot ko dito.



“Nasa Casa Rojo siya. Halika at sasamahan na kita.”



“Salamat po.” Nagsimula kaming maglakad patungo sa tricycle na dala nito. Sa lawak kasi nitong lupain ay kinakailangan ng kahit anong uri ng transportasyon para malibot ito. And Casa Rojo is a bit far from where we were moments ago. Kung maglalakad, aabutin siguro ng bente minutos bago ka makarating.



Mas na enjoy ko ang tanawin dahil sa uri ng tricycle na sinasakyan naming. Nasa harap ang motor at sa likod naman yung sasakyan ng pasahero. Yung parang tulad nung sa Thailand yata ‘yon.




Matapos ang limang minuto ay nasa harap na kami ng Casa Rojo.



“Maraming Salamat ho.”



“Walang ano man, hija. Oh, siya. Mauna na ako’t may kailangan pa akong bilhin sa bayan.”


“Sige ho. Salamat po ulit.” Y’on lang at umalis din ito sakay ng tricycle. 




Nakangiting pumasok ako sa loob ng bahay. Nilapitan ko ang isa sa mga kasambahay at tinanong kung nasaan si Ninong.




“Nasa kanyang silid po. Maupo muna po kayo’t tatawagin ko lamang siya saglit.” Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at ilang sandali lamang ay bumaba na si ninong kasunod ang tagapagsilbi.


“Em, hija.” Tawag pansin sa akin ni ninong Gonzalo.




“Mabuti naman at nakarating ka.” Ngiting turan nito. Matikas parin ito at guwapo. Parang hindi tumanda. Kapag ako nakapag asawa, gusto ko ay iyong katulad niya. Pogi eh!hahaha.




Kidding aside, Don Gonzalo Alfonso is a very responsible man. He’s kind and family oriented. He really knows what to prioritize; family. When time comes, I want my man to be someone like him. Well, he is like him. I guess.




HarayaWhere stories live. Discover now