Chapter 18

11.4K 475 118
                                    

Papunta ako sa University habang sakay sakay ng bisikleta ko. Hindi na naman ako naihatid ni Gio dahil may kailangan daw itong ayusing mahalagang bagay. Hindi ito ang unang beses na nagpaalam siya na hindi niya ako masasamahan.

Nitong mga nakalipas na araw, palagi siyang umaalis. Hindi din naman niya sinabi sa akin kung ano yon at hindi din naman ako nagtatatanong. Ayaw kong mangulit. Gusto ko, siya mismo ang magsabi though I am bothered by his actions. May mga pagkakataon kasing bigla nalang siyang aalis kapag may tumawag sa kanya sa phone.

Matapos ang ilang minutong pagpepedal, narating ko ang university. Malapit na ding magsimula ang klase ko. Nang maipadlock ko ang bisikleta ko ay lakad takbo kong tinungo ang building namin.

Hindi pa man ako nakakarating ay natanaw ko ang building ng Business Education Department.

Tulad nitong mga nagdaang araw, bumigat uli ang pakiramdam ko.

Matapos ang gabing iyon, balita sa buong university ang hindi pagsipot ng reyna sa mga klasi nito. Kahit sa facebook na madalas naman daw niyang gamitin walang update. Kung noon ay araw araw itong nagpo post, ngayon, wala kahit isa. Ganoon din ang twitter account nito.

Feeling ko, ang nangyari noong gabi na iyon ang dahilan ng biglaan paglalaho ni Amanda.

Nagiwas ako ng tingin sa building at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating ko ang building namin ay dali dali ako umakyat sa floor ng room namin.

May naririnig akong kung anong ingay sa loob ng silid aralan namin. Napapakunot nalang ang noo ko lalo na't nakasara ang pinto na usually ay bukas naman.

Nang buksan ko ang pinto, nagulat ako nang biglang may humila sakin papunta sa gitna.

Inilibot ko ang tingin sa buong silid. Ang daming bulaklak. Napatingin din ako sa taong kumakanta. Hindi ako mahilig sa music kaya hindi ako pamilyar sa kanta. Maganda sa pandinig.

May isa sa mga classmate ko na humila sa akin paupo. Nagtatakang tumingin lamang ako dito habang isang ngiti lang ang isinukli niya sakin.

Ano bang nangyayari?

...Now that the weight has lifted

Love has surely shifted my way

Marry me

Today and every day

Marry me

If I ever get the nerve to say

Hello in this cafe

Say you will

Mm-hmm

Say you will

Mm-hmm...

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot mula sa likod ng mga kaklasi ko si Gio. May hawak siyang isang bungkos ng red tulips. Sinabayan niya sa pagkanta yung isa pang lalaki. Bale, parang naging back up singer nalang si kuya kasi, mas dinig ko ang boses ni Gio.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa nakikita ko. Feeling ko, pansamantalang nagsara ang mga tenga ko. Wala akong marinig kundi ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

Para saan ang lahat ng ito?

...And marry me

Today and everyday

Marry me

If I ever get the nerve to say hello in this cafe

Say you will

HarayaWhere stories live. Discover now