Welcome To Neverland (Part 2)
"May bagong report na naman ng batang nawawala ang dumating."
"Pangalawa na yan sa araw na to ah."
"Oo nga e. Nga pala narito yong mga inipong report ng mga bagong batang nawawala." Ani ng isang pulis sabay lapag ng dala niyang mga folder sa ibabaw ng lamesa. Ganoon din ang ginawa niya sa isa niya pang hawak na nasa kabilang parte naman.
"At ito naman iyong files ng mga dating nawawala na bumalik nang malamig na bangkay."
"Kakaiba tong kaso na to. Pare-pareho silang huling nakita sa mga kwarto nila. Ilang taong hinanap ngunit matatagpuan lang palang naroroon subalit wala ng buhay."
"May ideya ka ba sa kung ano ito?"
"Wala e pero maghintay na lang muna tayo sa mga madidiskubre pa nilang mga ebidensya."
Tumunog ang cellphone ni Tobbie kaya napabaling kaming lahat sa kanya at tiyempo naman nong nawala na ang footage ng dalawang pulis na nag-uusap tungkol sa panibagong kaso namin. Tobbie hacked the CCTV cameras and infiltrated the security system of the police station nearby so that we could get information about the case.
"Sa Hantley Village po? O sige po. Salamat talaga Tito Ken." Ibinaba na niya ang cellphone niya saka hinarap kaming lahat.
"New case. The same village. Bata pa nang mawala, malaki na nang bumalik."
"Sa tingin niyo ba may kakaiba doon sa village na yon?" Tanong ni Taki.
"Yan ang aalamin natin pagkatapos ng klase natin mamaya." Tugon ni Wren saka isinukbit na ang sling ng kanyang backpack sa kanyang balikat.
Tumango ang iba pa naming mga kasamahan at nag-ayos narin. Professor reminded us to be back at the club room right after our classes because we will still discuss about our plans.
Isa-isa na silang nagsilabasan ng club room. Isinukbit ko narin ang mga sling ng backpack ko sa aking magkabilang balikat. Ako na lang ang naiwan sa loob at balak ko sanang magpaalam muna kay Professor kaso ay may kinakausap pa siya sa cellphone niya. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan na lamang na tinungo ang pinto at lumabas doon.
Kahit di pa ako nakakalayo sa club room ay natigil ako sa paglalakad nang maabutan ko si Clay na nakatayo sa harapan ko habang bitbit ang libro ko. His pace went slow as he waited for me to totally get near him.
"Naiwan mo sa canteen kanina. You were in a rush kaya hindi na kita nahabol."
Inabot niya sa akin ang libro at naalala ko bigla na sa kamamadali kong magpunta sa club room ay naiwanan ko ito. Tinanggap ko iyon saka nag-angat ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mystic Club: The Paranormal Detectives
Mystery / ThrillerWhen everyone thought that they figured out all the puzzling mysteries that surround them and that everything has its own scientific explanation, Colbie Corryl Quizon came to prove them wrong. Bizarre and horrifying events will give everyone an enig...