Chapter Six

3.7K 64 5
                                    

Author's Note:

Hi, angelalabsyu. Dedicated sayo 'tong chapter na 'to. Nag-comment ka at na-appreciate ko yun <3 Salamat sa pagbabasa :D

BTW, Enjoy reading <3 Comment kayo please? ;)

Chapter Six: Wife

[ P R I N C E S S ]

Halos ibato ko na yung cellphone ko sa nabasa ko. Hindi na nga kami sabay kakain, hindi niya pa ako susunduin?! ARGH! Nakakainis! Bakit ganito? Hindi niya ba ako namimiss gaya ng pagka-miss ko sa kanya? Binasa ko ulit yung text niya.

Kisa: Hindi kita masusundo ngayon. Busy ako.

That's it? Wala man lang, 'I love you' or 'Ingat ka diyan' ? Naiinis ako! Nagagalit ako! Naiiyak ako! Bwisit. Dali-dali akong nag-type ng reply sa kanya.

Ako: Okay. Uuwi ako mag-isa. Pero tangina, Jayden. Fvck you.

Agad kong pinatay ang cellphone ko at nilagay sa dala kong bag. Bahala siya, uuwi talaga ako mag-isa. Pagtapos ng lunch na 'to, alam ko wala na akong gagawin. Makakauwi na ako. Kung susunduin kasi ako ni Kisa balak ko pang mag-stay dito para mahintay siya. PERO KASI, hindi niya ako masusundo. Kaya uuwi na lang ako agad.

"Miss Rhonlet." Tawag ko sa kanya.

"Yes, Ms. Hernandez?"

Lumunok ako dahil sa tawag niya sa akin.

"Ahm. Pwede nang umuwi? May gagawin pa kasi ako."

"Oh sure. Basta bukas maaga ka dito ah? 7:00 AM. Sharp yun. May shoot ka na kasi agad."

Ngumiti ako at tumango. "Okay. Thank you. See you tomorrow."

Tumingin ako kay Gleacer. "Gle, samahan mo ko sa labas."

Tumango sya sa akin at tumayo. Sumukbit ako sa braso niya at naglakad kami palabas.

"Hatid mo ko," sabi ko sa kanya.

"Ha? Bakit? Diba mamaya ka pa uuwi kasi susunduin ka ni Jayden?"

Sumimangot ako at hindi siya sinagot. Napatingin kami ni Gleacer nang may tumawag sa akin. "Princess!"

Huminto siya sa tapat namin ni Gleacer at naglahad ng kamay. "Akin na yung kamay mo."

Kumunot ang noo namin ni Gleacer. "Anong kalokohan na naman 'yan, Clyde?" sabi ni Gleacer.

"Dali na kasi. Gawin mo na lang."

Pinatong ko yung kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Nagulat ako nang dahan-dahan niyang sinuot sa akin yung singsing.. yung wedding ring ko. Hindi ako naka-react hanggang sa matapos niyang isuot sa akin. Nakatitig lang ako sa singsing na nasa kamay ko. Huminga ako ng malalim. Alam mo yung pakiramdam na nabunutan ka ng tinik sa dibdib? Ang gaan sa pakiramdam.

"T-thank you." Bulong ko.

"Welcome." Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa siya.

"Siraulo ka, Clyde. Nasa'yo lang pala!" Sigaw ni Gleacer.

Tinaas ni Clyde ang dalawa niyang kamay at naglakad sa loob.

Tumingin ako kay Gleacer. "Gle, dali na. Hatid mo na ko. Wala akong sasakyan eh."

"Eh bakit ka nga aalis? E diba susunduin ka nga ni Jayden?"

Sumimangot ako at umirap. "Obvious ba, Gle? Common sense mo nasaan? Hinigop rin ba ng mga babaeng nakahalikan mo?"

"Grabe ka naman," sabi niya at tumawa. "Tara na nga. Pasalamat ka mahal kita."

Ngumiti ako. "Salamat."

I Wanna Go BackWhere stories live. Discover now