Chapter Nineteen

4.2K 71 5
                                    

Hi, dedicated sa'yo! Salamat sa pagbabasa :)

Enjoy reading! Comments? <3

Chapter Nineteen: No Idea

[ J A Y D E N ]

"Happy Anniversary."

Naestatwa ako at nanlamig ang buong katawan. Nakalimutan ko.. nakalimutan kong anniversary namin ngayon. Hindi naman kami nagce-celebrate ng monthsary dahil gusto naming bilangin ay taon. Nawala sa isip ko ang petsa. Nakalimutan ko. Ang sama kong asawa.

Nabalik ako sa katinuan nang may sumampal sa akin. Napabaling ang ulo ko sa lakas ng sampal niya at ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko. Unti-unti akong lumingon at nakita ko si Lorayne na nakatingin ng masama sa akin habang umiiyak.

"Akala ko matino ka. Akala ko maaalagaan mo si Cess. Akala ko kaya mo siyang mahalin ng buong-buo. Akala ko hindi mo siya lolokohin." Humikbi siya. "Anong ginawa mo, Jayden? Bakit mo siya niloko? Diba.. diba nakita mo naman yung pinagdaanan niya nung huling naloko siya? Diba nandun ka? Alam mo kung gano siya kawasak nun, diba? DIBA!" Hinampas niya ang dibdib ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"Alam mo bang sising-sisi ako nun? Alam mo bang ang hirap ulit kunin ng tiwala niya matapos nung ginawa ko? Bakit mo ko ginaya? Bakit mo rin siya niloko?" Pumiyok siya at natahimik kaming tatlo. "Nandoon ka nung panahong wala siya lakas. Eh ngayon? Sinong nandyan para sa kanya? Wala na, Jayden. Naisip mo ba kung anong pwede niyang gawin dahil niloko mo siya? Dahil naloko siya ulit? Diba alam mo naman na na-trauma na siya sa nangyari at ayaw na niyang maulit yun kaya takot siyang magtiwala! Sa lahat ng tao, sa'yo pinakamalaki ang tiwala niya pero anong ginawa mo? SINAYANG MO LANG!" Humagulgol siya ng iyak at tumingin kay Kathy na nasa tabi ko at umiiyak rin.

"Ikaw, anong alam mo kay Princess? Anong ginawa sa'yo ni Princess para gawin mo 'to sa kanya? HA, KATHY?!" Sinabunutan niya ang sarili niya at sumigaw. "Alam kong wala akong karapatan sabihin 'to dahil ako mismo niloko siya pero sobra-sobra kong pinagsisihan yun! Pero, Kathy, 'wag kang magpakadesperada gaya ko! BAKIT KA BA TUMULAD SAKIN?! BAKIT SINAKTAN MO RIN SI PRINCESS?!" Sinubukan niyang sugudin si Kathy pero hinarangan ko siya at nilayo. Nanatili akong nakayakap sa kanya habang nanghihina niyang sinusuntok ang dibdib ko.

Walang laman ang utak ko kundi si Did. Kung saan siya nagpunta. Kung anong ginawa niya. Kung bakit siya nagpunta dito Kung bakit siya galit. Kung bakit siya nasasaktan. Naguguluhan ako.

"Bakit mo ko pinipigilan? Siguro totoo na may relasyon kayo ni Kathy, 'no? Alam ba niya na kasal ka na? Hindi siguro, 'no?" Galit na bulong niya sa akin. Kumawala siya sa yakap ko at dinuro si Kathy. "Kung akala mo relasyon ng mag-boyfriend ang sinira mo dito, nagkakamali ka! RELASYON NG MAG-ASAWA ANG SINIRA MO DITO! ALAM MO BANG MAY ASAWA NA ANG NILALANDI MO? ALAM MO BA?!"

Nakita kong lumipad ang palad ni Lorayne sa pisngi ni Kathy. Namumutla si Kathy at nanlalaki ang mata habang umiiling at hindi makapaniwala sa narinig. Hawak-hawak niya ang pisngi niya.

"WALA KANG GINAWA KUNDI UMIYAK NI WALA SA KALAHATI NG NARARAMDAMAN MONG SAKIT ANG NARARAMDAMAN NI PRINCESS SA GINAWA MO NGAYON! MAMATAY KA SANA!" Tinulak niya si Kathy at lumabas ng opisina. Binagsak niya ang pinto at napapikit ako.

"Ano bang ginawa mo, Kathy?" Bulong ko.

Wala akong alam sa nangyayari. Hindi ko alam ang ginawa ni Kathy. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magalit sa akin si Did. Hindi ko alam..

"Jayde-"

"Sagutin mo ko! Hindi ko alam kung bakit galit yung asawa ko sa akin! Wala akong kasalanan bukod sa nakalimutan ko na anniversary namin ngayon, kaya sabihin mo kung anong ginawa mo para magalit siya ng ganito!" Sinabunutan ko ang sarili ko at tinignan siya.

I Wanna Go BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon