Chapter Twelve

3.3K 55 1
                                    

Chapter Twelve: Bestfriend

“Ano bang naisipan mo at sinama mo ako?”

“Natural, wala akong kasama.” Pabalang kong sagot at umirap.

“Duh. Kailan mo ko sinama kapag nagpapaganda ka? As far as I know, ayaw mo akong isama kasi nai-stress ka sa akin–“

“Oo! Stress na nga ako, dadagdagan mo pa. Tumahimik ka na nga lang. Ikaw na nga ililibre ko, ang arte mo pa.”

“I wanna leave you here.” Sagot niya.

“Subukan mo lang.”

“Ang init ng ulo mo! Asan ba yung asawa mo?” Hinawi niya ang buhok niya at tinignan ako.  

Umirap ako. “Asan na yung boyfriend mo? Si Gle?”

“He’s not my boyfriend.” Sagot niya. “At tsaka ako unang nagtanong, Wreakcess. Nasan si Jayden?”

“Ewan. Lumayas.” Sagot ko at tinitigan ang kuko kong kulay itim.

Nandito kami sa parlor at nagpapalinis ng kuko. Wala naman akong magawa kaya inaya ko si Bitchnie. Pumayag naman siya kahit ayaw niya. Libre ko na nga eh, aangal pa?

“Lumayas? Bakit? Pinalayas mo? Did you two fight?” Sunud-sunod niyang tanong.

“Chismosa ka.”

“Ah! Now I know.” Bulong niya. “Kaya ka nagre-relax ngayon dahil stress ka, at kaya ka stress kasi nag-away kayo ni Jayden, at kaya mo ako sinama kasi wala kang mapaglabasan ng loob. I’m so bright!” Pumalakpak siya at tumawa. “Go, what happened?”

Tinitigan ko lang siya ng matagal hanggang sa umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas. “Actually, I don’t know. Hindi niya ako pinapansin, magi-isang linggo na.”

“Whoa.” Tumawa siya. “Di ko ma-imagine. Parang isang araw lang na hindi ka makita nun, namimiss ka kaagad. And now you’re telling me that he’s not talking to you for almost one week? Unbelievable.”

“Well, I’m not forcing you to believe.”

“Baka may babae?” Tinignan ko siya ng masama. “What? Malay mo, ganyan naman yung mga lalaki kapag nanlalamig ibig sabihin may iba.”

Hindi ko alam. Bigla nalang niya akong hindi pinansin isang araw. Kinakausap ko siya pero hindi niya ako sinasagot. Para lang akong kumakausap ng hangin. Kapag naman matutulog, nakatalikod siya sa akin. Hindi na kami natutulog nang magkayakap. Basta hindi siya nagsasalita, hindi niya ako kinakausap. Ewan, wala akong alam. Hindi ko na alam ang nangyayari.

Kapag umaalis siya hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya pupunta. Hindi na rin niya ako tinatawagan o tinetext. Ako gumagawa ng conversation namin kapag magkasama kami sa bahay pero hindi naman niya ako sinasagot. Hanggang sa napikon na ako dahil dalawang araw na niya akong hindi kinikibo, hindi ko na rin siya pinansin dahil parang wala naman akong kausap. Nagtuloy-tuloy yun hanggang ngayong araw. Pinilit ko naman siyang kausapin o tanungin kung anong problema pero ayaw niya talaga akong kibuin. Sinong hindi maiinis?

Kanina hindi ko na kinaya, sinigawan ko na siya nung paalis na naman siya ng bahay nang hindi ako kinakausap.

“Kisa, ano ba. Para namang wala akong kausap dito!” Sigaw ko sa kanya mula sa sofa.

Naglalakad na siya palabas ng pinto nang sumigaw ako.

“Ano bang problema mo? Ilang araw mo na akong hindi kinikibo, ah? Kinakausap naman kita, tinatanong ko naman kung anong problema pero ni tango o iling o kahit anong tunog o salita mula sayo wala man lang akong narinig.” Tumawa ako ng sarcastic. “Hindi naman ako manghuhula para malaman kung anong meron sa’yo at kung bakit ka nagkakaganyan. Kaya nga nagtatanong ako para maayos tapos ayaw mo naman magsalita. Anong ibig sabihin nun? Na ayaw mong maayos? Ayaw mo na, ganun?”

I Wanna Go BackWhere stories live. Discover now