Chapter Nine

3.7K 43 0
                                    

Minsan iniisip ko, bakit ba hindi ko binigyan ng happy ending si Prince? :( Enjoy reading! <3

 

Chapter Nine: Jealousy

Today is Saturday. Wala akong trabaho ngayon at si Kisa. Noong mga nakaraang araw wala kaming ibang ginawa kundi mag-trabaho. Tuwing umaga at gabi na lang kami nagkakasama. Minsan naman kapag wala siya trabaho, ako naman ang meron. Minsan meron siyang trabaho, ako wala. Kaya umaga at gabi na lang talaga.

Kagigising ko lang at tulog pa si Kisa. 7:00 pa lang ng umaga. Pumasok ako sa banyo para mag-sipilyo at maghilamos. Pagkatapos pumunta ako sa closet at nagbihis. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at tumakbo palabas ng bahay.

Isang oras lang.

[ J A Y D E N ]

Kinapa ko ang kabilang parte ng kama at wala akong nahawakan. Dinilat ko ang isang mata ko at agad napaupo nang hindi ko nakita si Did. Tinignan ko ang banyo pero bukas ang pinto, ibig sabihin walang tao. Tumayo ako at kinusot ang mata. Maga-alas otso na. Pumasok muna ako ng banyo para maligo.

Pagbaba ko, wala akong naririnig na ingay sa kusina. Pumunta ako sa kusina at walang tao. Asan na si Did? Humiga ako sa sofa at hinintay siyang dumating. Maya-maya narinig kong may nagbukas ng pinto. Hindi ako gumalaw hanggang sa nakita ko si Did na paakyat ng hagdan at nagpupunas ng pawis.

Napanganga at napaupo ako sa nakita ko. Naka-racerback siya na damit at naka-leggings na itim. Naka-rubber shoes siya at nakatali ng mataas ang mahaba niyang buhok. Pawis na pawis rin siya kaya siya nagpupunas ng pawis. Nakalunok ako ng hangin at biglang napaubo kaya bigla siyang napatingin sa akin. Agad siyang tumakbo pababa at tinabihan ako.

“Nandiyan ka pala.” Sabi niya habang nagpupunas pa rin ng pawis. Hinablot ko yung bimpong hawak niya at ako mismo nagpunas sa pawis niya. Nginitian niya lang ako.

“Saan ka ba galing? Hinahanap kita kanina eh. Akala ko iniwan mo na ko.”

“Sira.” Tumawa siya at pinalo ng mahina ang braso ko. “Nag-jogging lang ako. Bukas pupunta akong gym, magwo-work out ako. Sabi kasi ni Miss Rhonlet medyo tumataba daw ako eh.”

“Hiyang ka lang sakin kaya ganun.” Sabi ko sa kanya at ngumiti. “Sama ako bukas sa’yo, ah? Baka mawala yung mga abs ko, iwan mo ko.”

Humagalpak siya ng tawa. “Kahit bilbil na lang ‘yan, mahal pa rin kita.” Tinaas niya ang dalawa niyang kilay habang nakangiti ng malawak. Ngumuso ako sa kanya at tumawa na naman siya.

Maganda naman yun diba? Yung napapatawa ko siya parati? Kasi ibig sabihin masaya siya sa akin.

“Ang aga-aga, ang landi mo.”

“Ganun talaga kapag mahal mo asawa mo.” Sagot ko. Kinuha niya yung kamay ko at nilaro yung singsing na nakasauot sa akin. Tahimik lang siya, nakangiti habang pinagmamasdan yung daliri ko.

“Hindi ko na ‘yan tatanggalin.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Ayokong iniisip mo na hindi na kita mahal. Na ayaw ko sa’yo. Gusto ko parati mong iisipin na mahal kita at hindi ko magagawa yun sa’yo.” Ngumiti siya sa akin.

“Okay.” Sagot niya. “Gutom ka na? Magluluto lang ako.”

Tumayo siya pero hinila ko ang kamay niya at niyakap siya sa likod kaya napa-upo siya sa hita ko. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Ang landi mo.” Natatawa niyang sabi.

“Hmm.” Lumayo ako sa kanya at kinuha yung bimpo. Pinasok ko sa likod niya ang bimpo para punasan ang pawis niyang likod. Ngumisi ako.

I Wanna Go BackWhere stories live. Discover now