Epilogue

9.4K 158 32
                                    

Author's Note:

Hello, guys! Epilogue na. Pusanggala, alam niyo bang habang tinatype ko 'tong epilogue parang ayokong tapusin pero kailangan. Babay na. Kailangan ko na talagang bitawan si Princess at Jayden. Mamimiss ko talaga 'tong story na 'to. Mamimiss ko katarayan ni Princess at sagutan nila ni Stephanie. Pagiging sweet ni Jayden. LAHAT! Lalo na yung mga readers :(

Salamat sa inyo! Sobrang maraming salamat dahil binasa niyo 'tong story. Lalo na dun sa mga readers na book one pa lang nandigo. Thank you :)

So paalam na? Haha. Wag kayong mag-alala dahil may bago naman akong story sana suportahan niyo pa rin ako.

Mahal ko kayoooo! Thank you ng maraming marami <3 For a lifetime, Roses? :)

*

Epilogue

Lahat nang 'yon nangyari tatlong taon bago pinanganak si Ericka, ang panganay na anak namin ni Did. Si Did nagbigay ng pangalan sa kanya. Ganda, ano?

Ericka Angel H. Cruz. Sabi niya kaya daw iyon ang pinangalan niya dahil kay Ericka na bestfriend niya dati. Siya daw yung anghel namin noon na sinang-ayunan ko rin at ang baby namin is such an angel. That's why.

Ngayon five years old na si Ericka. Nakuha niya ang singkit kong mata pero ang ngiti ni Did ay kuhang-kuha niya. Masiyahin siyang bata at malambing. Mas malapit siya kay Did pero ako ang nagi-spoiled sa kanya.

Kahapon lang nag-limang taon si Ericka. Nakangiti lang ako habang pinapanood sila ni Did na nasa sofa. Hinahaplos ni Did ang buhok ni Ericka habang nanonood ng cartoons sa TV.

Noong dumating si Ericka mas lalo kaming sumaya. She lightened up our world. Hindi ko napigilan nun ang maiyak nang una ko siyang makita. Ang sarap sa pakiramdam na karga-karga mo yung anak mo. Yung sarili mong anak. Kapag pagod ako sa trabaho, kargahin at haplusin lang siya ay ayos na ko. Samahan mo pa ng halik ng asawa ko. Ang saya diba.

Pero kahit na nandyan na si Ericka, hindi pa rin ako pinapabayaan ni Did. Inaasikaso pa rin niya ko. Sa totoo lang naging mas maalaga siya sa akin at mas naging matured pa kung mag-isip. Syempre ganun rin ako.

Inalagaan at pinalaki namin ng maayos si Ericka. Para sa akin hindi kami nagkulang bilang mga magulang dahil ginagawa naman namin lahat para kay Ericka.

Napansin ni Did na nakatitig ako sa kanila at tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka nandyan?"

Nakangiti akong umiling. Ngumiti siya pabalik at tinapik ang space sa tabi niya. "Dito ka."

"Mommy, can I play upstairs with my new toys?"

"Yes, baby. Pwede." Ngiti ko sa kanya. Umupo ako sa tabi ni Did.

"Thanks po!" Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi. Tumakbo siya paakyat ng hagdan.

"Ingat sa pag-akyat, baka madapa ka."

"Opo, daddy!"

Pinanood ko siyang umakyat ng hagdan hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Lumingon ako kay Did na nakataas ang kilay sa akin. Tumawa ako.

"Bakit?"

"Bakit sakin English? Sa'yo tagalog at nangongopo pa?"

"Hindi ko kasalanan yun. Ikaw kumakausap sa anak mo ng English e. Tsaka baka mas love niya ako kaya siya nangongopo?" Asar ko.

"Ah, ganon?" She crossed her arms. I grinned. "Sino mas love mo samin?"

"Pwede both?" Tumawa ako at hinalikan siya sa noo. Tumawa rin siya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Alam mo takot din sa'yo yung anak mo."

I Wanna Go BackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora