P.S. I Almost Died When I Saw You At My Class

1.5K 40 4
                                    


June 04, 2001

Nasa bulletin board ako ng bago kong school kasama ang marami pang estudyante. Hinahanap ko ang pangalan ko sa lahat ng section.

Hindi ko makita.

Pumasa kaya ako?

Paulit-ulit ko nang pinasadahan ng tingin ang section two kung saan ako galing noong nasa Elementary ako, hanggang section eight pero wala ang pangalan ko doon.

"Gabe! Nasa pilot ka!" sabi ng kaklase ko nong grade six, si Lizzie/Elizabeth na kasama kong nag-exam at nag-enroll nong bakasyon dito.

Tinignan ko lang siya, gulat na gulat bago ko pinuntahan ang tinuturo niya.

19. Francisco, Gabrielle Anne E.

Napangiti pa ako bago nagtatakbo papunta sa pilot section ng Freshmen nong malaman kong hindi ko kaklase si Lizzie, kasi ako Narra, siya Molave.

Noong pumasok ako sa classroom, hindi ko alam kung anong mga estudyante ang dadatnan ko kaya bago pa ako makapasok ng classroom nang hinihingal dahil nasa second floor at madali akong hingalin, huminga na muna ako ng napakaraming beses bago yumuko at pumasok.

Naupo ako sa bandang gitna pero sinabi ng katabi ko na doon ako sa unahan maupo, kaya sumunod ako agad. Hindi ko alam kung bakit. Pagkaupo ko sa tabi ng isang babae, nagpakilala agad iyon at sinabing siya si Mariz. Ngumiti ako at nagpakilalang Gabe.

Nagpapakilala na noon at dahil nasa dulo ako sa unang hilera at nasa may malapit sa pinto, ako ang inuna.

Tumayo ako at nagpakilala:

"I'm Gabrielle Anne Francisco, 13." tipid kong pakilala at agad na naupo. Nag-angat ng tingin ang teacher sa harap.

"That's it Ms. Francisco? You're in a pilot section, I expect you, all of you, to give all you have, hindi yung usual na nga wala pang sense. So, Ms. Francisco, again."

Ayun. Pilot nga pala, iba ang patakaran. Tinitingala, dapat maayos ka, matalino.
Nakahinga ako nang maluwag nong makatapos na ako.

May nagsalita sa likuran ko, malayo sa akin, sa bandang dulo, magpapakilala...

Nagulat ako nang marinig ko iyong iisang boses na pumatay sa puso ko isang taon na ang nakalilipas, or, 10 months ago, siguro.

Pero imposibleng siya iyan. Isa pa, hindi naman nakasalamin si Lex eh. . .

Umayos na agad ako ng upo at doon na tumingin sa harap.

". . . I like drawing and painting. I usually do it when I'm bored. Ah, I'm into music, ballad specifically, I do sing. I started wearing eyeglasses because I exposed myself into computer games in such an early young age. Alexander John R. Belen, 14. Call me Lex by the way, I hate long names."

Siya nga. . .

In a simple word, classmates. As in, classmates kaming dalawa.

All the love,

-Gabe

P.S. I'm dying to see him again tomorrow.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon