MARIZ

568 20 0
                                    


MARIZ

I went straight to the restaurant matapos kong sabihin kay Lex ang tungkol sa last page ng journal ni Gabe. Hawak-hawak ko iyon papuntang resto.

"Good Morning, Ma'am Mariz." ngiti ng welcomer sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at sa mga nagdadaan pang crew namin na bumabati rin sa akin.

Nagdire-diretso na ako papuntang office ni Lex nang may malaking ngiti, sobrang tagal ko ring hinintay ang happy ending nila.

Nakangiti akong nakatayo sa harap ng office niya, nag-i-eavesdrop, ini-imagine kung ano ang posibleng ginagawa na nila sa loob. Pero tahimik. Wala akong marinig na kahit ano.

Napangiti ako bigla.

Umalis na sila, I guess.

May dumaang crew na nakatingin sa akin, nang tignan ko siya pabalik habang nakadikit pa rin ang kanang tainga ko sa pinto ni Lex, ngumiti lang siya na parang napahiya.

So I smiled back. "Umalis na si Lex at yung journalist?" tanong ko sa crew.

"Ay, Ma'am. Nakita ko hong umalis yung journalist kasama yung mga katrabaho niya, hindi ho kasama si Sir Lex." I blinked my eyes for how many times bago kumunot ang noo ko.
I can't understand.

"Sure ka? E nasaan si Lex?"

"Nandiyan ho yata sa loob, hindi ko naman po napansing umalis si Sir."

Tumango lang ako ng tipid at saka na siya umalis.

Wala akong maintindihan.

I knocked.

Walang sumagot sa loob kaya binuksan ko ang pinto. God, it's not locked.

Nakita ko si Lex sa table niya, nakatakip ang dalawang kamay sa mukha habang ang dalawang siko ay nakapatong sa mesa niya.

Kung titignan ang hitsura niya, mukha siyang miserableng problemado.

"Lex?" panimula ko kasi halata namang nalaman na niyang may pumasok sa office niya.

Tinanggal niya ang dalawang kamay sa mukha at tumingin sa akin.

"Kumusta?" I asked smiling.

"Mariz, not now. Can you just leave me?"

Kumunot ang noo ko. Hindi man lang ba niya sasabihin sa akin ang nangyari?

"Ano bang nagyari?" tanong ko.
Hindi siya sumagot.

"Just get out, okay? I don't need any one. Just leave!"

Nagdilim ang paningin ko sa kaniya at naihagis ko sa mesa niya ang journal ni Gabe.

"Alam mo kung anong mali sayo?" I asked him. Halos tumibok na ang sentido ko sa lakas ng boses ko. Naha-highblood ako sa kaniya.

Tinignan lang niya ako. Lalo akong nakaramdam ng inis.

"Napaka makasarili mo! Kaya kung anong nangyari sayo ngayon, good for you! I'm your friend! Ang tagal na nating magkasama and you still can't say what you feel, kahit sa akin man lang? Ang torpe mo! Walang mangyayari sayo kung ganiyan ka, Alexander!"

I walked out, pero bago ko pa maabutan ang pinto, I heard him whisper.

"Ang sakit kasi e, iniwan niya ako. . ."

My heart went wild and almost run out of my rib cage, I could have died. . . hindi ko pa rin maintindihan.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon