P.S. I Almost Died When I First Saw Her Walking Under The Rain

616 22 0
                                    

December 14, 2004

Gabe,

Birthday ko. Wednesday.

I should be happy, pero hindi, kasi hindi ako nagkachance na makita ka para mabati mo ako dahil wala tayong pasok.

Yun nga yong akala ko. I never expected to see you on my birthday as a gift.

Galing pa ako sa bukid kanina kasi nagpractice kami para sa performance sa Christmas Party.
Umuulan, nandoon ako sa tindahan kasi sobrang lakas ng ulan at halos hamog na lang ang nakikita.

Humina ng konti, then may nakita akong figure. Nagulat ako nang malamang ikaw yon.
I stared at you.

Basang-basa ka, but you don't look nervous or afraid. In fact, may dala ka pa ngang payong, pero di mo ginamit. Nagpapaulan ka.

Napangiti ako kasi ang ganda mong tignan habang hinahawi-hawi mo yung mga bumabagsak mong bangs na himaharang sa mga mata mo, and I can't help it anymore. That's why I called you.

I asked you something like, "Gabe! Bakit ka nagpapaulan?"

Tumakbo ka pa nga papalapit sa akin para lang ipaulit sa akin yung sinabi ko kasi di mo naintindihan, pero di ka nagpatila kasama doon sa tindahan.

"Wala, sayang eh, kung di ie-enjoy." nakangiting sagot mo na parang walang malakas na ulang sumasalubong sa'yo.

Na parang sobrang laya mo at tanggap mo ang lahat.

Na sana pati ang pagmamahal ko sa'yo tanggapin mo. . .

At first, inisip ko baliw ka na talaga kasi ang weird mo pero naisip ko rin agad na siguro nga iyon ang nagustuhan ko sa'yo, ang pagiging kakaiba mo sa kanila. Tama si Sir Cruise kung exotic ang name mo, mas exotic ka. Although hindi ko alam kung ano ang exotic sa Gabrielle Anne?

Kakaiba ka talaga pa rin talaga, pero hindi yung pangit na kakaiba.

I like it about you.

Nanginig ka na tapos niyakap mo na ang sarili mo. I stared you, nanginginig na ang labi mo. I almost want to pull you into me, yakapin ka para di ka na lamigin pero hindi ko kayang gawin. Kung anong ikinaaliwalas ng mukha mo, siyang ikinakatakot ng loob ko.

Natatakot ako na magalit ka, na baka ayaw mo sa akin. Na baka di ako ang type mo at ayaw kong masira ang friendship natin dahil lang doon...

-Lex

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon