Chapter 1

14.7K 253 8
                                    

 

CHAPTER 1

"HAPPY 17TH ANNIVERSARRY MOMMY DADDY!" Masayang bati ko sa mga magulang ko.

By the way I'm Rain Moonlight Draven, 18 years old. Prinsesa ng Vampire Community, nag-iisang anak ng The Last pureblood Vampire na si Drifher Draven, siyempre ngayon hindi na siya last dalawa na kami.

I'm studying at Draven's Vampire Univeristy, na sa loob ito ng sarili naming mundo hiwalay sa mga tao. Ang daddy ko ang Hari sa mundong ito at siyempre bilang isang hari nakatira kami sa isang kastilyo at ako ang pinakamaganda sa buong Vampires community. I'm not joking. Obviously, kami rin ang may-ari ng University "DRAVEN".

My Granny Priscilla tells me na maihahalintulad ako kay Aphrodite, but I believe I'm more beautiful than her. I don't know if Aphrodite really exist or she's a fictional character, whatever I just believe that I'm the most.

Nag-aaral kami katulad ng mga normal na tao, kasama sa curriculum namin ang pagtuturo ng tamang pagkontrol ng mga kakayahan namin bilang bampira, sa graduation day namin malalaman kung anong level ng Vampire kami nabibilang.

Simula ng magpakasal si daddy at mommy, nagkaroon ng Law na bawal pumatay ng tao kapag sinisipsipan ng dugo. Mapaparusahan ang lalabag, ipapakain sa mga Lycantrophe (Werewolf) o kaya ay bibitayin. Ganoon katindi ang batas, walang dapat lumabag dahil ang utos ng hari ay hindi dapat mabali.

Walang bagay na hindi ko makukuha kung gugustuhin ko, walang makakaapi sa 'kin dahil babasagin ko ang mukha nila! Sabi nila maldita ako at may mga nagsasabi din na dahil pureblood ako kaya ganito ako umakto, inggit lang sila kasi hindi sila pureblood!

I'm here in our castle with my human grandparents, when it comes to them I try my best to look like an angel where in fact I'm their daredevil granddaughter.

Spoiled brat! pero MA-GAN-DA ako!

Selfish! pero MA-GAN-DA ako!

Medyo matangkad ako mana kay Daddy! 5'7 in height,

Perfect Curve,

Perfect emerald eyes,

Perfect shape of nose,

Perfect red lips,

Pinkish skin,

Brown long wavy hair,

Definitely, I'm perfect!

**

After some chikahan sa kanila at konting pa-sosyal nagtungo na ako sa likuran ng kastilyo sa hardin, may tugtugan na sa loob kaya naman talagang nagkakasayahan na ang lahat.

Im waiting for someone...

My one and only Vlad, the love of my Life.

Nangingibabaw ang kagwapuhan niya sa lahat kaya nga mas tumitindi ang pag-ibig ko sa kanya. Hindi lang iyon, pagdating sa lakas magaling talaga siya. Nangunguna siya sa palakasan at matalino din. Hindi pa man kami nakapagtatapos sinasabi na ni Tito Frey na mapapabilang si Vlad sa Level B na maaring mag lead sa isang hukbo ng Vampire Knight someday, maraming humahanga sa kanya bukod sa 'kin, maraming gustong kumuha ng atensyon nya kaya naman nagagalit ako sa mga Vampires na gusto siya, mga echusera mukha naman mga froglets!

I'm confident na magiging kami.

Sure na sure ako na ako lang naman ang pinakamaganda at mas deserving sa kanya, I'm the Pureblood Princess sino ba naman ang tatanggi doon? Siyempre ang magiging asawa ko ang magiging Hari kung hindi magkakaroon ng anak na lalaki si Daddy.

Pureblood Series 2: Moonlight's Darkside ( The Cursed Twin )Where stories live. Discover now