Chapter 5

8.6K 205 7
                                    

                       

Pangalawang araw pa lamang ni Moonlight sa eskwelahan, medyo hindi pa talaga siya sanay sa buhay ng mga estudyante doon. Ibang-iba talaga, walang ka-thrill thrill.

"Rain?" Medyo malakas na wika ni Jezrel dito ng mapansin niyang hindi ito nakikinig sa kanila, naroon sila sa school bench. Hindi um-attend ang 1st subject professor nila dahil sa emergency daw.

Kapag narito sa school bench para lang silang na sa parke at kapag may nakikita si Rain na mga puno ay nararamdaman niyang malapit siya sa Vampires Community. Matataas ang mga puno doon, isa kasing kagubatan ang pumapagitan sa Unibersidad at ng Kastilyo ng mga Draven. May mga Vampires na nakatira malapit sa Kastilyo, meron naman na malapit sa university. Basta ang gitna niyon ay kagubatan na napaka-laki at ito ang nagsisilbing training ground ng mga estudyante at ang isa sa tanawin na paboritong tignan ang falls na naroon sa likod ng eskwelahan.

"Ulitin mo, ayusin mo kasi pagsasalita mo." Ani Rain na medyo naiinis sa paraan ni Jezrel para putulin ang malalim niyang pag-iisip, napapagitnaan siya ng dalawa.

"Sabi ko, hindi p'wedeng wala kang sasalihan na club. So, ano bang mga hobbies mo para naman mabigyan kita ng tips saang Club ka puwede." Si Jezrel.

"Mahilig akong –" nag-isip ng husto si Moonlight.

"Matulog." Matipid na dagdag niya.

Napangiwi naman ang dalawa, oo nalang kasi may club para sa masisipag matulog.

"NEWS PAPER! NEWS PAPER! NEWS PAPER!" Sigaw ng nerdy na si Alex na isa sa mga staff ng Newspaper sa School.

Inabutan sila nito ng tig-iisa, libre iyon para sa lahat ng estudyante. Weekly iyon dumarating.

Napatitig ng husto si Alex kay Moonlight, tumaas naman ang kilay ni Moonlight sa paraan ng pagtitig nito dahil nanganga pa ito.

"Umalis ka na nga!" Asik ni Dale dito, tila naman natauhan ito at umalis na, muli pa nitong tinignan ng pasimple si Moonlight sa malayo.

"NEWS PAPER! NEWS PAPER!" Muli ay sigaw nito na papunta naman sa field ng soccer team.

Binuklat nilang sabay sabay ang dyaryo.

Na-shock si Moonlight sa first page! Namilog ang mga mata niya. Ang laki ng larawan niya kasi iyon na nakatingin sa bintana at ang kalahati ay 'yong nasa fountain.

SPOTTED: GODDESS

Naramdan niyang siniko siya ni Jezrel, nakangiti ang dalawa. Alam kasi ng mga ito na ang unang page ay kay Andrew madalas. Iyon lang naman ang nakalagay pero nabigla talaga si Moonlight. Ang laki kasi niyon para bang napagtitripan siya.

May ilang mga estudyante na may hawak ng newspaper na napapahinto at tinitignan siya, sinusuklian naman niya ang mga ito ng irap.

"Sumali ka dito Rain, bagay 'to sa 'yo." Ani Jezrel na nasa ikalawang page na nakatingin.

Binuklat nya ang page kung nasaan nakatutok ang mata nito.

"Tutal wala ka pang club dito ka na lang sa drama club, pasang-pasa ka kasi sobrang ganda mo." Nakangiti at tila nangingislap pa ang mata ni Jezrel.

"Marunong ka ba kumanta?" Ani Dale.

"Ano ka ba? Sa ganda niya p'wedeng puwede siya ditto, 'yong pag-kanta puwede naman siyang magkaroon ng shadow singer eh." Ani Jezrel na talagang desidido na bagay si Moonlight sa Club na 'yon .

Pureblood Series 2: Moonlight's Darkside ( The Cursed Twin )Where stories live. Discover now