Chapter 3

8.7K 213 9
                                    


                                         

First sight

"Kamusta na si Vlad Tita?" Hindi napigilang tanong ni Moonlight kay Pandora habang sabay silang naliligo, hindi naman sila nagkakahiyaan dahil pareho silang babae at close na close. Nagsa-shower si Pandora habang ito ay nakababad sa bath thub.

"Wala siya ngayon, nasa pagsusulit sila."

Ang pagsusulit na tinutukoy nito ay ang pakikipaglaban ng mga ito sa magagaling na Vampire at sa mga iyon nakasalalay ang magiging marka ng mga ito.

Hindi na naman mapigilan ni MoonLight ang malungkot kaya nilublob nya ang sarili sa tubig ng bath thub.

Itong batang 'to mas inuna pang kamustahin ang lalaki kesa sa mga magulang niya na napapraning na sa kastilyo. Sa isip-isip ni Pandora.

"Bilisan mo na diyan, aalis pa tayo" Si Pandora.

**

WHITE PEARL UNIVERSITY

Napakalaki ng gate, tila may pagkakahawig ito sa pintuan pagpasok sa komunidad ng mga Vampire. Bukas na bukas iyon kaya tanaw na tanaw ang isang Sirena na may hawak hawak na banga na nagsisilbing fountain na malaki sa gitnang bahagi ng Unibersidad.

Napapahinto ang mga nakakakita kay Rain, siyempre starstruck ang ganda ba naman niya sabi nga niya isa siyang Diyosa.

Sa simpleng fitted plain red strapless dress na suot niya na below the knee lalo pang nag stand-out ang mapuputi at makikinis niyang kutis. Wala siyang pinahid sa kanyang mukha na anuman dahil natural ng maputi ang kulay niya at mapupulang labi. Hinayaan lang niya ang buhok na nakalugay. Kahit ang ganda ni Pandora ay di napapansin kung ito ang kasama dahil napapako na agad ang atensyon kay Rain.

"Maganda dito ha." Wika ni Rain habang naglalakad sila, hindi nya alintana ang mga tao sa paligid niya na nakatitig sa kanya dahil pinagsasawa pa niya ang paningin sa pagtitig sa magandang eskwelahan.

Hanggang sa mapahinto ang tingin niya sa isang lalaki na nag te-take ng picture sa rebulto ng Sirena. Nakatagilid ito pero tila nakaramdam siya ng mabilis na pagtibok ng puso niya, naramdaman yata nito ang tingin niya kaya napalingon ito sa direksyon niya at ngumiti ito.

Ngiting nakakamatay.

Lumabas ang malalim na dimples nito.

Ang gwapo nya. Si Moonlight sa sarili ng makita ang isang lalaking bumihag agad sa malandi niyang puso. Nahila na ko ni Tita pandora kaya nasira ang magical moment ko, mukhang magiging maganda ang buhay tao ko sa lalaking 'yon.

Hindi ako sumama sa loob ng office, hinayaan ko si Tita. Palinga-linga ako sa third floor baka sakaling makita ko ulit ang lalaking may killer smile, pero hindi ko na siya makita.

Hindi lahat sa eskwelahan na 'yon ay tao may mga ilan din Vampires at nararamdaman niya 'yon, kayang kaya niyang matukoy ang isang Vampire pero malabong matukoy siya ng mga ito bilang Vampire. Nakaramdam siya ng pagkainip kay Pandora kaya tumungo siya sa loob ng office.

**

"Hindi na talaga puwede, magkakaroon lang siya ng mga failing grades kung papasok pa siya dahil late na talaga siya." Wika ng lalaking nasa edad 50 na nakaupo ng sa mesa nito at tumatayong Dean ng eskwelahan.

"Okay lang, marami kaming pambayad kahit isang daang beses siyang bumagsak, basta papasukin niyo siya ditto." Naiiritang wika ni Pandora sa Dean.

Pureblood Series 2: Moonlight's Darkside ( The Cursed Twin )Where stories live. Discover now