Chapter 4

8.6K 207 7
                                    

      

New Friends/ New love?

Pag-pasok ni Moonlight sa W.P.U naka-uniform na siya, naka-lugay ang mahahaba niyang buhok na isinasayaw ng hangin, maraming napapa-tingin sa kanya pero may hinahanap ang mata niya.

Pero nabigo siyang matagpuan iyon.

"Hi miss! I'm Renan." Nilahad ng nagpakilalang Renan ang kamay nito sa kanya na sa katapat sila ng fountain kung saan inaasahan niyang makikita ang lalaking gusto niyang maging kanya, alangan naman kasi pumili siya ng di papantay sa level ni Vlad.

Tinignan niya ang palad nito, diretso sa mukha at inirapan ito.

Nilagpasan niya ito, narinig niyang kinan-tyawan ito ng mga kasama nitong mga lalaki na hindi siya nag-abalang bilangin.

Muli ay iniangat niya ang papel na sinasabing map daw ng school para madali niyang mahanap ang mga rooms nya, ibinigay iyon sa kanya ng Tita Pandora niya kanina, mula daw iyon sa administration.

Malaki ang eskwelahan, malinis at talagang pang-mayaman.

Na sa 12th Floor ang eskwelahan na 'yon. Base sa Map, may elevator sa ground floor. May pailan-ilang naglalakas loob na magpakilala sa kanya pero hindi niya pinansin, wala siyang pakialam sa mga ito. Pag-kadating niya sa loob ng building ay nakita nga niya ang elevator na sinasabi sa mapa. May naka-sabay siyang dalawang babae pag-pasok ng elevator,

"Hi! I'm Jerzel. Ang ganda mo naman." Tila hangang-hanga ito sa kanya.

Mataray niya 'tong tinitigan pati ang kasama nito na nakangiti ng alanganin sa nakitang reaksyon sa mukha niya.

"Biology din kami at second year kaya mukhang pareho lang tayo ng papasukan."

Alanganin ang ngiting wika ng kasama nung Jerzel. May course tag kasi sila kaya agad nalaman ng mga ito.

"I'm Rain."

Nginitian ito ni Moonlight. Nangiti naman ang dalawang babae, akala nila susungitan sila nito kahanga-hanga kasi ang ganda nito kaya naman nakaka-proud sigurong maging kaibigan 'to.

"Ako si Dale." Wika ng kasama nitong babae.

Si Jerzel, maiksi ang buhok, maputi kamukha ni Audrey sa "100 year Legacy".

Si Dale naman ay mahaba ang straight na straight na buhok nito na tila ang lambot-lambot. Maganda ito at maputi hindi magpapahuli ang height nito sa kanya. Nasa 5'5 kasi ang mga ito.

Nakarating na sila sa 3rd Floor.

"Ang ganda nga talaga niya." Bulong ni Jerzel kay Dale na parehong na sa likuran ng palinga-lingang si Rain at tinitignan ang mga room #.

Napahinto siya sa ikalimang room.

"Dito ka din? Sabi sa 'yo magkaka-klase tayo." Tuwang-tuwang wika ni Dale na hinawakan siya sa braso.

Napa-angat ang kilay niya kaya agad itong bumitiw. Inayos niya ang nalukot na Uniform.

Pag-pasok nila sa Room agad nagtinginan ang kanina lamang ay napaka-ingay na room dahil wala pang Professor.

Napako lahat ang atensyon sa kanya. Humanap siya ng upuan na malapit sa bintana. Nakakita naman siya, upuan na ikalawa sa dulo. Napansin niya na dalawa lang ang lalaki sa grupo na yon at puro babae.

"Miss may naka-upo na kasi diyan." Maarteng wika ng babae sa likuran niya ng makaupo siya, ang mga tao naman ay nanatiling nakatitig sa kanya. Lumingon siya sa likuran at tinitigan ito.

Pureblood Series 2: Moonlight's Darkside ( The Cursed Twin )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora