CHAPTER 3 - Unexpected Partner

72 2 0
                                    

Dumating nga si Sir Ramon,  30 minutes syang late sa dapat eh 2 hours naming klase.  Puro recitations, Labor standards , mga Republic Acts etc. Para kaming binalatan ng buhay kanina, kawawa yung ibang mga natawag na hindi nakapagbasa , pinalabas sila at pinatayo sa corridor ng nakataas ang kamay, parusa daw sa katamarang magbasa at intindihin ang batas. Like Ughhh? Ginawang pang high school ang parusa?Seryoso? Sabi pa nya,minsan daw nagtataka sya kung bakit kailangang munang maparusahan ng mga estudyante bago matuto at maging responsable. Actually, he's a good professor,nakakatakot lang talaga sya pag magtuturo at sa mga pinapagawa nya na di nasusunod. Buti na lang nakapagreview ako kagabi,   kaya hindi ako nasasapul sa mga sermon nya. 

Maya-maya pa eh nagulat ako ng tinawag nya ko. 

" Miss Elisha Monte" 

" Y-yes sir. " sagot ko na medyo kinakabahan. 

" Please accompany Mr. Alfred Josef of BSBA Management 3-1 D next Monday at the Convention Hall. " 

Napa nganga ako. Langya naman. Bakit ako pa? Ang dami namang ibang class president na pwedeng sumama sa lalaking yun eh. WHYYYY ME? This day is really worst.  Ayoko syang makasama,maiirita at masisira lang ang araw ko. 

Kailangan kong gumawa ng dahilan. Meanwhile, tahimik namang tumatawa ang mga jungle monkeys. Grrr.  Tuwang-tuwa sila sa reaksyon ko. Kung wala si sir, malamang sa alamang kanina pa sila naghihiyawan sa kilig.  Tsk.

"S-sir, I think I am not available on Monday. " pagdadahilan ko.  

" Why then Miss Elisha? Is there any valid reason?  this is all required of you since you're the president and the representative of this section. " sabi ni sir na pinanglalakihan ako ng butas ng ilong,  since di nya naman mapalaki ang mata nya dahil nasobrahan sa singkit. 

" Because sir, I-I have,  some thing important to do here in s-school. " Di talaga ako magaling sa white lies.  Patay ako nito. 

" Oh? I see,  so you consider my request a not-so-important thing? " pinanglakihan nya ulit ako ng ilong. 

Napakagat ako ng labi. Baka ibagsak nya ko ng dahil lang sa pag-iwas makasama Si Baku. No choice.  Kahit alam kong ikasisira ng araw ko ang makasama sya, I have to do it. 

" I'm sorry sir, okay I'll accompany him." 

Tinaasan nya ko ng manipis nyang kilay. 

" Good. Then after this, talk to him  and tell him you'll be his partner for Monday. I was not able to talk to him a while ago because I'm late. Is that clear?" Masungit na utos ni Sir Ramon. 

Badtrip. Di pa pala nya nasabi,  so ako pa tuloy yung mag-aaproach. Nakakainis. Gusto kong mag quit sa presidency ko. Huhuhuhu. 

" Yes sir. " sagot ko na lang. 

Paglabas ni Sir,ang saya nanaman ng mga jungle monkeys. Hays.  Palagi na lang akong nabubully. 

" Destiny talaga kayo ni Alfred noh, Elisha? Lagi kayo nagkakasama. Awww. Kilig. " pang-aasar ni Shawn. 

" Hoy ikaw tigilan mo ko destiny na yan ah! " sita ko sakanya. 

" Deny ka pa eh, bakit ba ayaw mo dun Ms. Pres eh madami namang nagkakagusto dun. For sure marami na naiinggit sayong girls." Sabat ni Jimboy baboy.

" The more you hate, the more you love. " 

" Tulak ng bibig,  kabig ng dibdib. " 

" First sign of love, DENIAL."

" Nandyan na yung para sayo pakakawalan mo pa ba? " 

" Gold na gagawin mo pa bang kalawang?" 

" Ang pag-ibig, si Alfred lang yan. " 

" YOU ALL SHUT UP!" sigaw ko.

Nagtawanan silang lahat. Nabu-bully na talaga ako. Kung anu- ano na yung mga binabato nilang quotations sakin na  walang kasense-sense . Mukha ba kong may gusto dun? ni hindi nga ako nagba-blush pag nandyan sya. Pa-epal kasi talaga. WAAAAAH.This is the worst day of my life. 

Lumabas na lang muna ako ng room. Hahanapin ko pa yung mokong na yun at baka pag nalaman ni Mang Ramon,  este Sir Ramon na di ko kinausap yun eh singhutin na ko ng malaki nyang ilong. Grrr. 

Swerte ka ngayon Baku,  ngayon lang to. Tsk. Next time, I promise di na ko mabubully dahil sayo, at gagawa ako ng way para layuan mo na ako. Gagawin ko ang lahat, mapalayo lang sayo! 

BWAHAHAHAHA.

Kainis .

If The Feeling is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon