Chapter 35 - Alfred's Insanity

23 0 0
                                    

Miss ko na siya. Miss na miss ko na yung babaeng yun na walang pakialam sakin, na palagi akong tinataboy. Namimiss ko siya at para akong timang kanina sa gate, nakasabay ko siya bigla at parang meron akong nakita sa mga mata niya, na para bang ...

Ah. Hindi! Hindi siya nasasaktan. Hindi siya lalapit sa akin o magsosorry, hahayaan niya lang naman akong lumayo at mawala. Kaya kanina, kahit gusto ko siyang kausapin at lapitan, at lingunin... hindi ko magawa. Kunwari may stiff neck ako at binilisan ko maglakad hanggang sa makita ko dun si Jane sa malapit sa building. Nakita kaya niya? Hays. Ayan nanaman ako eh. Umaasa. Kahit hindi ko alam kung may pag-asa pa ba.

Hindi nakumpleto ang araw ko.

Ilang araw pa kayang ganito?

Ilang araw pa kaya yung lilipas?

May pag-asa pa kaya kami?

Lalapit na ba ako? pero paramg tatabuyin niya nanaman ako. Palagi naman siyang ganun.

Pagkatapos ng klase hinintay ako nila Raven sa basketball court.

" Kamusta ang di makamove-on?" Natatawang bati ni Raven.

Tahimik lang akong umupo. Maaasar lang ako.

" Wala pa ba yung mga kalaban natin? " tanong ko para hindi na mapunta pa ulit kay Elisha yung issue.

" Wala pa, may klase pa daw yung iba eh. Tol ano na balak mo? Hindi mo ba sya kakausapin? "

Takteng Louie yan, isa pa eh, panira ng moment. Sa lahat ng kaibigan ko, si Louie ang maemote at seryoso sa pag-ibig, siya yung tipo ng kaibigan na kapag pag-ibig yung pag-uusapan maraming gustong i-advice. Pero wag naman ngayon, wala pa ko sa mood, gusto ko munang makalimot muna sa mga nangyari, medyo masakit pa eh. Mali pala,masakit pa din talaga.

" Tol, wag na muna natin siyang pag-usapan. Nauurat pa ko, gusto ko muna makalimot kahit papano. " sagot ko.

Tumawa naman si Patrick. Napapailing na lang.

" Loko." Sabi ko.

Maya-maya pa dumating na yung kalaban namin at nagsimula na yung laban. Napansin kong kanina pa din pala nanunuod sina Jane at yung dalawa, nagchicheer. At para akong sira-ulong nageexpect na sana, nanunuod din siya... na sana naisip din niyang kahit papano eh makita pa ko. Pero hanggang sa matapos na yung laro, walang Elishang dumating. Panalo nga kami, pero yung puso ko... daig pa ng na knock-out sa wrestling. Grabe. Ayoko na, sobrang sakit. Tinamaan talaga ko mg todo sa kanya. Nakakabaliw.

Umuwi na lang ako, hindi na ko sumama sa bahay nila Raven para maglaro ng billiard. Gusto kong idaan lahat sa tulog. Tang'na, nagkakaganito ako sa isang babae, nababaliw na para bang siya na lang yung nag-iisang babae sa mundo. Eh kung bumalik na lang ako sa dati, kung manligaw kaya ako ng iba at pansinin yung mga gustong lumapit sakin ? Kung kelan kasi ako nagseryoso , tsaka naman ako minamalas. Ang hirap mag-overthink.

Pinilit kong matulog, pero ayaw. Hindi talaga, pucha. Ayaw talaga, mukha niya yung nakikita ko, yung halik, yung nangyari kahapon, nung mga nakaraang araw. Ayoko na.

Nagbukas naman ako ng Facebook, mang-iistalk, wala din puro pang mga inlove posts yung nakikita ko, tapos si Raven medyo natawa lang ako, kasama si Karen na may captiong, " with the kulot na naging straight." Tapos may heart na symbol. Tae, nainggit nanaman ako. Inlove pa! Sige. Nababaliw na ko kaya yung profile nya naman yung dinalaw ko. May status siya, updated 2 hours ago. " I wanna go far away, and never come back anymore." Pakiramdam ko naman hindi tungkol sakin yung post niya, mag-aassume nanaman ako , masasaktan nanaman ako. At bakit niya naman gugustuhing lumayo, bigla akong nakaramdam ulit ng kirot sa puso. Kapag lumayo siya, nakakawasak ng mundo.

Taena Elisha, ang sakit na. Nababaliw nanaman ako, kaya ayan, gagawa nanaman ako ng kanta para sakanya... last na. Last na last na talaga, promise.

If The Feeling is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon