"Hitsura nito." tambad sakin ni Karen na naabutan kong naggugupit ng bangs sa harap ng salamin. Napansin ko ding nagpastraight na siya ng buhok .
" Ow em gee .... you're so ugly ." sabi ko sakanya habang tinitignan ako sa salamin .
" Well thanks." napangiti siya. Alam niya kasing opposite ang pagpupuri ko sakanya.
" Paano yan? gusto ko din ng bangs." sabi ko.
Tumawa siya.
" Nope, bagay sayo ang kulot!" sagot niya.
" Weh? di nga?" untag ko habang hinahawakan ang bagong straight niyang buhok .
" Oo nga.Magpabeauty ka pa para lalo kang mapansin ni Fafa Alfred."
Napasimangot ako sa sinabi niya.
" Oh bakit?!" takang tanong niya .
" Wala .Nevermind.Bakit ka pala nagpapaganda pa ah?" pagbabago ko.
" Eh, yung crush ko eh ... inaasar akong kulot salot , hayup yun , ewan ko lang kung asarin niya pa ko bukas ." naiinis na natatawang sagot niya.
Napatawa ako ng malakas .
" Nageffort ka talaga!?"
" Aba oo! Tignan ko lang talaga kung di pa siya magkagusto sakin." napaevil smile siya sa salamin.
Naging kamukha niya si Antonette Taus ngayon , parehas sila ng features ng mukha,bangs lang ang pinagkaiba. Bilib ako sa pinsan ko dahil kahit ano yatang ayos niya eh maganda pa din talaga siya. Sigurado akong magiging kapansin-pansin siya .
" Eh ikaw? Bakit nakabusangot yang mukha mo pagpasok pa lang at mukha kang haggard ?" Humarap siya sakin.Tapos na siya sa full bangs niya .
" Bagay sayo . Omg ! " bulalas ko.
" Hindi mo sinasagot ang tanong ko teh.Ano ngang problema mo bukod sa di ka nakatulog sa kaiisip kagabi?! " pagpupumilit niya.
Kahit kelan talaga di ako makakalusot dito eh.
" Ang problema ko eh nakakainis ka , parang nagkatotoo yung mga sinabi mo." sagot ko .
" Huh!? My gosh! Di nga? " gulat niyang tanong .
Pinaupo niya ako sa sofa at seryosong tinignan ako.
" Gusto mo na din siya?!" nakangiti siya.
Huminga ako ng malalim.
" Parang ...siguro? yata... oo?" nagugulumihanan kong sagot.
" Oh , eh anong problema mo? gusto ka niya , gusto mo na siya ...e di wala ka ng problema." untag ni Karen.
" Pero may kasama siyang iba kanina.Ang saya pa nga nila eh ." malungkot kong sagot.
At yun na , tawa na ng tawa ang bruha .
" Nung una, inis na inis ka kapag lumalapit siya, ngayon naman selos na selos ka! Babae nga naman oh!" tawa ng tawa si Karen.
" Karen naman eh! anong gagawin ko!?" naiinis kong tanong.
" Malay mo, pinagseselos ka lang ."
" Hindi eh ... tapos dapat kami yung magkasama sa seminar, bigla na lang nagbago , sabi iba na daw , yung Jane na, yung may gusto sakanya." pagsusumbong ko sa pinsan ko .
Tawa lang siya ng tawa .
" Eh di umamin ka na hanggat di pa huli ang lahat!" sagot ni Karen.
" Eh paano kung huli na?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/14577388-288-k731038.jpg)
BINABASA MO ANG
If The Feeling is Gone
RomanceA/N : Binago ko po ang title :3 Isang twist ng lovestory ang magaganap sa isang suplada, mataray at simpleng babaeng si Elisha , at ng retired play boy at rich kid na si Fafa Alfred. LOL She hates him. He's so into her . She finds him annoying. H...