CHAPTER 9 - She Has A Boyfriend

67 2 0
                                    

-Alfred -

I was a little bit trembling ng hinawakan ko ang mga kamay nya.

Totoo ba to?  Nahawakan ko for the first time ang mga kamay nya. Although it feels awkward to me eh tinignan ko ang mga mata nya, pero iniiwas nya ang mga tingin nya sakin... her hands rested on my shoulder habang nasa bewang nya naman ang mga kamay ko,  trying to not to touch it too tight dahil baka mailang sya lalo at mainis sakin.

Nararamdaman ko naman na parang biglang lumalamig ang mga kamay nya at mukhang kinabahan din sya. 

What does it mean? And he can't look straight into my eyes . May chance kayang ...Hmmm no of course, katulad ng lagi nyang sinasabi sakin e hindi nya ako gusto . She's feeling this way dahil natatakot siguro sya saken.Asa naman ako. 

" ... and every heart in the room will melt,  this is the feeling I never felt but,  it's oh oh all about us .... "

Silence.  Silence is rejection. Looking away from you is rejection. Not talking to you is rejection.

I just let this awkward silence invade us.

So ganito ba talaga mangyayari pag nagpapaka good boy ka,  hindi makita ng babaeng gusto mo ang intentions mo sa kanya.  Hays.  Ang sweet ng kanta, pero ang pait nya sakin. 

Maya-maya pa, natapos na ang musika pero sinundan agad ito ng isa pa.  Akala ko,  okay na eh, na papayag pa din sya,  pero she moved her hands away at nagpaalam na magpapahinga muna sya,  without even looking at me. 

Napagod na siguro,  samantalang ako,  kahit ilang kanta pa yan,  kahit mapagod ako , basta't sya yung isasayaw ko,  okay na okay lang. 

Karamihan sa mga nandito sa ball ay ang mga leaders mula sa iba't-ibang school. Mukhang masasaya sila nakikipagusap sa isa't-isa, nakaramdam tuloy ako ng konting inggit.  Ahhh bahala na,  kakausapin ko na lang din sya kahit mukhang wala sya sa mood. 

" Elisha... -  "

" Hi,  Elisha nandito ka pala?! I never expected it. " sabi ng lalaking lumapit sa lamesa namin.

Mukha naman syang nagulat , at nakita kong ngumiti sya at namula ang mga pisngi nya.  So,  ito pala,  ito ang heartbreak. Nagseselos ako, hindi ko na tuloy naituloy ang tanong ko. 

Mas mabilis pa sa alas syete na tumayo sya at nagpapa cute na hinarap ang lalaking yun. Hays.  Ako naman,  si nganga, parang di nag-eexist.

" Harry!  Nandito ka din pala. Hindi ko din to inexpect. " sabi nya habang matamis na nakangiti sa Harry daw na yun.

" Yeah, I'm glad you're here.  Can I dance with you? " tanong nya.

Tinignan ako nung Harry with a look na humihingi ng permission. Psh, eh kung ayoko.

" Sure. " and I smiled.  Smile even if it hurts.

Hindi naman ako pinansin ni Elisha, basta basta na lang syang sumama at hindi man lang ako pinakilala. Kahit bilang partner lang eh.  Hays.

It might be you.  Yun ang background music nila, mukha pa silang sweet at matagal ng magkakilala, unlike me, kinakausap nya yung Harry at tumatawa pa sila pareho na mukhang masaya.  Nakita kong tumingin sila sa direksyon ko.

Mukha akong tuta na iniwan ng mahal kong amo.

Hays. Badtrip. Pinaguusapan nila ako. Siguro sinabi nyang ako yung taong nagpupumilit sakanya. Siguro nga, yung Harry yung boyfriend nya eh.  Kung makapagtinginan kasi sila eh.  Sarap maglaslas alam nyo ba yun? O kaya uminom ng silver cleaner, o kaya tumalon sa bangin. De joke. Ang sarap kamong umuwi.

Ang hirap.  Ang hirap pala ng ganito. Di ako nasanay na nasasaktan dati, ako pa nga yung nakakasakit. Karma siguro to. Pero nagbago nanaman ako eh. Kaya kahit masakit na, kinakaya ko lang, hinihintay ko pa din sya.

Gusto kong sumuko dahil ang dami ng signs para sumuko ako. Ewan ko ba, ang hirap gawin eh, ngayon ko lang kasi naranasan ang ipaglaban ang nararamdaman ko sa isang babae.  Kaya ko naman pala, pero sya na din kasi ang nagsabing sumuko na ako. Ano bang dapat kong gawin?

Pusong bato naman kasi oh. Bat ang tigas ng puso mo Elisha. Ang sakit na makita kang masaya sa iba. Hays.

If The Feeling is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon