Chapter 28 - It Really Hurts

43 3 0
                                    

Naloloka na yata ako. Baliw na nga ako.Shet , saan ko nakuha yung lakas ng loob para gawin yung mga ginawa ko kanina?

Una, nagkunwari akong nalunod sa pool sa tulong ni Patrick na nakita akong nag-eemote. Pangalawa, hinalikan ko siya kanina.

×××

" Hoy Elisha, okay ka lang? laki ng problema natin ah." tanong niya.

"Oh Patrick bat nandito ka ? nasan yung mga kaibigan mo?"

"Kung tinatanong mo si Alfred, nandun sila sa terrace tumutugtog , sila yung naririnig mong sumisenti sa taas.Teka, ikaw na lang mag-isa dito ah... nagmumuni-muni ka noh?" natatawa naman siya sakin.

Mukhang mabait si Patrick pati yung Louie na kaibigan nila , sa anim mukhang ang pinaka maloko ay yung tatlo,  si Gerard, Reynold at Raven.

"Nagpapawala lang ng ... ng sama ng loob." sagot ko . Mukha namang handa siyang makinig sa mga sasabihin ko eh.

"Oh, let me guess ... you're jealous ? " tatawa-tawa siya.

" Alam ko namang ... wala akong karapatang magselos noh . Tsaka isa pa , alam kong ... ayaw na niya sakin, pati kayong magkakaibigan ."

Umupo siya sa gilid ng pool.

"Yan ba ang iniisip mo? Alam mo marami kang hindi alam." sagot niya.

Nagtaka naman ako bigla .

"huh?"

Napailing siya.

"Una , boto ako para sayo ... pangalawa, madami ka ngang hindi alam. " natawa siya.

"Teka ano nga ba yun? anong sinasabi mo?!" naguluhan ako.

"Gusto mo icheck natin kung mahalaga ka pa talaga sakanya?" nakangisi siya at tumayo bigla.

"Anong ichecheck?" tanong ko.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko B1?"

Tinignan niya ako at ang pool , suddenly , parang may nagsnap bigla sa utak ko , at bigla akong natawa ... yung panaginip ko? magkukunwari akong nalunod?Pinagmasdan ko ang pool at si Patrick na nakangisi.

"Mukhang naiisip ko din , B2" sagot ko.

"Then, do it." sabi niya.

Langyang kalokohan na panaginip yun , ngayon ay isinasagawa ko na tuloy.Lingid sa kaalaman nila ay marunong akong lumangoy ng hanggang 9 feet kahit maliit ako, yung sinabi ni Inay na di ako marunong ay nung 10 years old pa lang ako.Mabilis akong nagfloat papunta sa 8 feet at pinikit ko ang mata ko habang si Patrick naman ay parang timang na tumakbo ng mabilis sa terrace .

At ayun na , dun na nag-umpisa ang kabaliwan ko.Galit na galit siya sakin dahil nalaman niyang nagkukunwari lang ako, pero lihim akong napapangiti dahil nararamdaman kong sobrang nag-aalala siya. 

HAY BAKU . Napakalamig ng labi mo kanina ,  halatang kinakabahan ka nung sinasagip mo ko .

Hindi maalis sa utak ko nung nagkalakas ako ng loob na halikan siya ng panakaw.Bat  ba kasi siya nagrequest ng ganun? Diba cheating na yun? At nandoon pa si Jane kanina at sila AnnMarie,  nakamasid samin pati ang  mga kaibigan niya na nageeavesdrop na sa cottage. Tsismosong mga lalaki.

Pero bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob , hindi ko alam kung saan galing... dahil siguro sa hot spring na tubig sa pool .Tae.Di ko mawari ang naramdaman ko pagkatapos ko gawin yun kaya tumakbo ako agad at sinabing mahal ko siya.

Nababaliw na ba ako?May girlfriend na siya... isang maganda at wala akong panglaban ... si Jane.Ngayon tuloy ay iniisip ko kung sasampalin niya na ba ako dahil hinalikan ko ang boyfriend niya na kanina lang ay kahalikan niya....Ouch.

If The Feeling is GoneWhere stories live. Discover now