CHAPTER 4 : THE GANG'S

4.7K 107 0
                                    

Dana PoV•

Kakauwi ko lang sa bahay matapos akong iwan ng mokong na Rain na 'yun. Umuwi na ako wala rin naman akong dadaanan.

Naabutan ko sa sala si Kuya Grey at Kuya Crayon, mukhang may importanteng pinag-uusapan hindi nila napansin na nakapasok na ako. Hmmm wala si Kuya Luke saan ka niya nagpunta na naman 'yon.
 

'Malamang sa mga babae niya ' sabi ng utak ko. Sabagay sa kanilang tatlo si kuya Luke lang ang pinaka babaero, Yes pinaka, ewan ko ba sa mga babae niya pumapayag naman pagsabay-sabayin.

Hindi rin maipagkakailangmalakas ang hatak nila sa babae pero kahit na gano'n magkakaiba pa rin talaga sila. At pagdating sa akin? Napaka over protected. I don't know why maybe dahil hawig ko si Mom. At litle sis nila ako.

Okay back to the reality..
Dahil hindi naman ako napansin nila kuya, lalagpasan ko na sana sila kaso narinig ko ang pinag-uusapan nila about sa Empress? 

"Bro, si Luke wala na naman busy sa gang 'yun" - Kuya crayon habang naglalaro pa sa psp niya.

"Yeah, busy daw ang gang nila sa paghahanap sa Empress ba 'yon? Wala naman daw kasi nakakakilala doon kung ano ba tunay nitong pagkatao hmmm" - Kuya Grey habang naglalaro rin. 

"Wait ano bang gang? BWG 'yun diba?" habang busy pa rin sa kalalaro.

"Yes then yung empress ng U.G ang hinahanap nila," 

Hindi ko na tinapos pakinggan kung ano pa man ang pinag-uusapan nila. 

Umakyat na ako ng kwarto at nilock ang kwarto. Nilabas ko ang laptop ko at naupo sa kama, hinanap ang site ng underground.

"Rank 1 : Black Wall Gang? Hmmm kila kuya Luke ito, Rank 2 : Fearless Gang the former U.G? Tsk ang mga traydor pala. Rank 3 : Phoenix Gang? Bago lang ito. Then my New Gang Rank 4 : A.G ( Anonymous Gang) nasa 4 pa lang kasi hindi pa naman kami halos lahat nalaban. Dahil tumigil na rin naman ako dalawang taon na ang nakalipas. Actually never ako nakipagkita sa kagang ko ngayon kasi ayoko na, sana. Tinawagan ko si Sapphire former mem. Ko sa U.G

Calling Sapphire...

[Hello Queen? ]

" Alamin mo kung anong klaseng gang ang BWG, then tell to Emerald and Diamond pakibantayan ng maayos Fearless gang," utos ko sa kaniya

[Copy, Queen btw kailan ka ba ulit magpapakita sa amin? Hello 2 years na rin naman ang naka—]

*toot toot toot*

Hindi ko na tinapos ang sinabi niya napakadaldal.

Pagkatapos ko alamin ang lahat about sa gang na yan nahiga ako sa kama ko pagkatapos ko iligpit ang gamit ko. Ngunit nahagip ng mata ko ang picture naming dalawa. Hindi ko namalayan may luha na pa lang pumapatak sa mata ko.

"Kailan ba ulit kita makikita?" mahinang bulong ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko.

*tok tok tok* 

"Dana! Bumaba ka na sa kusina kakain na ng hapunan," sigaw sa labas.

"Hmmmm," nakaidlip pala hindi ko namalayan. Anong oras na ba? Nang tignan ko 6:25pm na pala? Napatagal ako.

Tumayo na ako at pumunta ng Cr para maghilamos pagkatapos bumaba na ako.

"Hey lil. Sis. Ang tagal mo naman daig mo pa matanda ah, gutom na ko." pagrereklamo ni kuya Luke pero tinarayan ko lang siya.

"Aba! Aba! Luke tignan mo oh? Tinarayan ka ni Bunso Hahaha! Taob," pang-aasar ni kuya Crayon kay kuya Luke. 

"G*g*, pangit mo pa rin," at nagtawanan na silang dalawa pwera sa amin ni kuya Grey.

Daig pa nila bata Hays. Tinignan ko si kuya Grey napakaseryosong nakaupo.

"Umupo ka na bunso." nagulat naman ng kaunti lang bigla ba naman nagsalita. Kaya umupo na ako, nagdasal at sinumulan na namin kumain ng tahimik.

Habang nakain kami ramdam ko may namumuong tensyon kaya naman tinapos ko na agad ang pagkain ko, tatayo na sana ako ng muling magsalita si Kuya Grey.

"Walang aalis." sambit niya sabay sumubo muli.

Edi ano pa nga bang magagawa ko? Pagganyan ka seryosoyan yari na. 

Natapos ang lahat kumain walang nagbalak umimik. Hanggang sa...

"Luke? Anong balita ng gang niyo?" tanong ni kuya Grey.

"Ahm wala naman? Gano'n pa rin hinahanap ni first si Empress," simpleng sagot ni kuya Luke kaya naman lalo akong nacurious bakit ako ipapahanap ng leader nila? I always may poker face para hindi halata. At ayokong makitaan nila ang mata ko ng kahit na anong emosyon.

"Ikaw Crayon, Anong sabi ni Dad?" kay kuya Crayon na siya nakatingin hmmm.

"Bukod sa okay naman daw ang business next next week? Uuwi siya para kamustahin tayo, miss niya na raw tayo pogi ko kasi pffft." parang wala lang na sagot ni Kuya Crayon.

Geezz ba't uuwi si Dad? 

"Hmmm, okay. And you Dana, bakit mo kasama ang lalaki na 'yon? At sino 'yon? Boyfriend mo ba?" sunod-sunod na tanong ni kuya sa akin like what the heck? Ba't naisip niya yon! Yung dalawa kong kuya halatang nagpipigil na ng tawa grrrrr. 

"Ano ba naman 'yan kuya! Wala akong connection sa mokong na 'yun," inis ko na sagot. 

"Chill hot mo masyado Ez ka lang pffft. Masyado kang defensive e, And bago ko makalimutan wear proper dress
, tayong apat ang susundo kay Dad ayoko ng ganyang nerd nerd mong suot," paliwanag ni kuya Grey, aangal pa sana ako kaso.

"Opps, No more question and I don't accept no for the answer, understood?" habol niya.

Edi okay, tumayo na ako at iniwan sila pero narinig ko pa ang pahabol ni kuya Luke.

"Bunso! Iwasan mo 'yung lalaki ah! Ayokong maglalapit ka do'n." 

At tuluyan na akong umakyat ng kwarto as if naman may pake ako sa Rain na yun -,-

The Mysterious Nerd is a Gangster(Completed)Where stories live. Discover now