CHAPTER 14 : TRANSFEREE

3.8K 81 1
                                    

•Dana PoV•

*Kringggggggggg*

"Hmmmm, inaantok pa ako." 

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Monday na naman ngayon. Arggg nakakatamad pumasok. 

Iidlip sana ulit ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

*TOKTOKTOK*

"Dana! Gising na papasok ka pa!" - sigaw ni kuya Luke sa labas.

Inaantok pa talaga ako haist. Pinilit ko na lang tumayo. Tsk. Anong oras na kasi kaming natapos kagabi. Medyo hihigab higab pa ako ngayon.

Pagbaba ko sa kusina ay paantok-antok pa akom napapapikit na rin. 

"Hay!" hingab ni kuya Crayon. Mukhang inaantok rin. Sino ba naman 'di aantukin? Sa 2days ni Dad na kasama namin puro punta doon punta sa kung saan. Bonding daw. Hinatid pa namin si Dad sa Airport ng mga 2am mga 3am kami nakatulog. Si kuya Grey halata pa rin na inaantok, pero si kuya Luke buhay na buhay.

Pumasok na kami sa school. Yes, kasabay ko sila. Nerd pa rin naman ako.

Hinayaan ko na lang mga tingin nilang akala mo gusto na ako kainin. Tss.

Pumunta ako sa room. Sakto lang kasi dumating na si Sir. Dumating din sila Ulan at Leslie na magkasama? Magkaholding hands pa, napangisi na lang ako. Parang nakaraan lang 'di naman sila nag-uusap tapos biglang ganon? Nakangiti pa ang dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Class may about sa performance ninyo last friday sasabihin ko mga exempted na sa project. Mr. Smith, Mr. Park, Mr. Craus, Ms. Marvell, Ms.Garcia at Ms. Frost and the rest may plus grade kayo sa project." annonunce ni Sir. Kaniya kaniya naman sila tawa, pero ang nakakainis lang.

"Nerdy... Pwede palit tayo? Plsss tabi kami ni Leslie?" pacute na pagmamakaawa niya.

"Okay," hindi na ako umangal kaya pumayag na ako.

"Thank you." 

"By the way guys meron tayong bagong transferee, Mr. Pls come," tawag ni Sir sa bago, hindi ako tumingin doon bagkus nakayuko lang nagtitimpi ng inis dahil sa dalawang katabi na hindi naman dapat ganito nararamdaman ko.

"Hello. Everyone my name is Jerome Anderson, 18 years old," 

Agad napaangat ang tingin ko sa nagsalita..

Totoo ba 'tong nakikita ko? Bu—buhay siya? Pero paano nangyari 'yun. Biglang nagtama ang tingin naming dalawa. Pero agad ko rin naman iniwas.

"You may seat beside to Ms. Frost maglagay ka na lang ng isang upuan pa doon," utos ni Sir sa kanya.

"Nerdy, okay ka lang?" tanong ni ulan sa akin.

Bigla naman akong nagulat dahil bigla siyang nagsasalita. 

"Oo." 

Umupo naman sa tabi ko si Jerome, at nagsimula na magdiscuss si Sir. Sa ibang subj. 

Nagturo lang ang mga guro. Tuloy lang sa landian sila ulan at Leslie. Si Jerome na Transferee? Nagpakilala lang sa mga teacher namin dahil bago pa lang siya.

Pagmadismiss ay aalis na sana ako ng hawakan ako sa kamay ni Jerome. No not again.

Kaya pinilit kong umalis. Binilisan ko maglakad. Baka maabutan pa ako.

"Je... Bakit?" bulong ko.

No hindi siya ito. Kamukha niya lang ito. Magkaiba sila ng pangalan kaya malabo.

The Mysterious Nerd is a Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon