CHAPTER 6 : KUYA

4.1K 89 1
                                    


•Dana PoV• 

"Miss. Frost? Miss, Lunch break na po."

"Hmmmmm," nagising na lang ako dahil sa may kumakalabit sa akin.

Nasa clinic nga pala ako. Umupo na ako at inayos ang gamit kong nabasa tsk. Bibili na naman ako ng bagong gamit. 

"Nurse, pwede na ba ako umuwi?" tanong ko rito.

"Oo naman, wait gagawan kita ng letter, pero okay lang ba sa'yo umuwi ng mag-isa?" habang busy sa pagsusulat.

Bigla naman bumukas ang pinto ng clinic.

"Hello? Meron bang Diana dito?" sabi ng taong kararating lang.

"Yes, Mr. And you are?" balik naman nitong tanong sa tao, kay kuya Luke.

"Nothing," sagot nito at tumingin sa gawi ko sabay kindat pa.

"Ako na maghahatid sa kaniya Nurse," sabi pa ni Kuya Luke at hinila ako hindi na hinintay ang sulat nung nurse.

"Sige, kaladkarin mo pa ako," nakabusangot kong sabi dito.

"Heh! Tumahimik ka Bunso, ako na sasama sa'yo pauwi mag-uusap tayo." naiinis naman niyang sagot sa akin.

Habang napunta kami sa parking lot nasalubong na naman ulit namin si Beatrice, himala walang kasamang alipores.

"Hello baby, bakit kasama mo 'yang nerd na 'yan?" sabay tulak sa akin kaya naman napalayo ako kay kuya.

Alam ko nagpipigil lang si Kuya Luke kaya naman kahit tinulak ako palayo sa kaniya ay lumapit ulit ako, at ako naman ang humila sa kaniya palayo sa babae na 'yun.

Narinig ko pang sinabihan akong malanding nerd nung Bitch na 'yun.

Sumakay na kami ni Kuya Luke sa Kotse hahatid niya lang naman ako sa bahay at lulutuan then babalik na rin siya sa university.

"Lil. Sis hindi kami natutuwa sa mga ginagawa nila sa'yo, iniingatan ka namin tapos sasaktan ka lang nila tss," nanggigil niyang sabi.

"Hayaan mo na kuya," walang buhay kong sagot.

Hindi niya na ako sinagot. Tahimik lang kami nakarating sa bahay.

After 5mins nakauwi na kami. Malapit lang naman.

Pumunta sa kusina agad si Kuya Luke at pinagluto ako, hindi niya pa rin akong iniimik, anong magagawa ko? Tampo na naman 'yun mamaya wala na rin yan. 

Pagkatapos ni kuya Luke lutuan ng Carbonara ay nagpaalam na siyang babalik sa university. 

Habang nasa bahay ako ay hinahanda ko na ang gagamitin kong instrument para mamaya...

•Luke PoV•

Nakabalik na agad ako sa University pagkahatid ko kay Dana, naiinis pa rin ako dahil sa kagustuhan niyang wag namin siyang kilalanin bilang kapatid.

*cringggggg* 

Grey Callingggg..

[Luke, nasaan ka na?]

"Here naglalakad papuntang room, why?" 

[Dumiretso ka na lang dito sa office nandito si ninong—]

Hindi ko na siya pinatapos magsalita, pinatay ko na ang tawag. Dumating na pala si ninong wowoot yung bagong kotseng hinihingi ko ehem.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng office, nakita ko na agad sila kuya Grey at Crayon nakaupo habang nakikipagkwentuhan.

"Sup! Ninong!" bati ko sa kaniya na may malawak na ngiti. 

"Oh, Luke andyan ka na pala maupo ka, ang lalaki niyo na ah," tingin sa aming tatlo.

"Pogi pa nong," gatong pa ni Crayon. Sabay pogi sign pa.

"Bakla mo tol!" natatawa kong sabi.

Ayun asaran at kamustahan lang kami nila ninong malapit kasi kami sa kaniya. Simula bata kami kilala na namin siya. At kilala na rin namin siya.

"Teka, asaan si Ems?" tanong bigla ni ninong.

"Nasa bahay na po, masama pakiramdam e," sagot ko. Napakamot na lang ako sa sagot ko.

"Ah okay bukas pala gusto ko sana kayo makita para ibigay yung mga pasalubong ko sainyo," nakangiting sabi ni ninong na ikinatuwa naming tatlo. 

Mga dalawang oras din bago kami umalis sa office ni Ninong, at kung nagtataka kayo, siya ang may-ari ng university na ito kaya libre na kaming tatlo.
Harrison University.

Mamaya na lang siguro namin pag-uusap ang nangyari kay Dana. 

Nang tignan namin ang oras 3pm na, dismissal na rin kaya nagkaniya kaniya muna kami ng gala...

The Mysterious Nerd is a Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon