CHAPTER 24 : MESSAGE

2.6K 61 0
                                    

Dana PoV• 

3days na nakasapit mula 'yung date namin ni Ulan. Hindi pa rin naman ako umaamin na same na 'yung feelings ko noon sa kaniya.

Nasa Park ako ngayon, kung saan kami nagkita ni Ulan para pakinggang ang kanta.

Nglalakad lakad lang naman ako. Saturday ngayon, wala akong ginagawa kaya pumunta ako rito para makapagrelax. 3days na rin walang paramdam ang nagtetext sa akin. Alam kong naghahanda na ang mga 'yon sa laban na gusto nila. Tuwang-tuwa siguro sila kung mapapatay ako nangiti ako ng pilit. Kung nandito lang sana si Jerald hindi mangyayari ito, kung hindi lang sana nagtraydor 'yong mga tinuring kong mga kaibigan. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.

"Lalim ng iniisip mo?"

Tinignan ko naman sino ang nagsalita. Si Ethan pala. Ano kayang ginagawa niya dito? 

"Congrats nga pala sainyo ni First," bati niya sa akin. Sinabayan niya lang ako maglakad-lakad hanggang sa maisipan ko munang maupo sa isang bench.

"Nga pala, nag-aalala ako sainyo ni First. Tungkol sa gustong pumatay sa'yo, hindi man lang kita makitaan ng takot sa mga mata mo, walang emosyon sana maging maayos na ang lahat. Alam ko, nararamdaman ko mahal mo si First," sabi niya at tumayo na. Aalis na sana siya, pero nagsalita ulit siya.

"Handa akong tulungan kayo, para sa ikakabuti ninyo."

At tuluyan na siyang umalis. Umuwi na rin ako kasi wala na akong gagawin.

Naabutan ko sila kuya Grey, Crayon at Luke sa sala. Masayang nag-uusap/nagkukwentuhan. 

"Bunso, nandyan ka na pala, tara dito!" Aya sa akin ni kuya Crayon. Lumapit naman ako sa kanila. Ang swerte ko kasi mayroon akong mga kuyang tulad nila.

Nagkisali na rin ang sa kwentuhan nila. Balak nilang gumala pero hindi na ako sumama. Pagkaalis nila ay umakyat na ako ng k'warto ko. Nakita ko 'yung phone. May isang message na hindi pa nababasa.

From : 095679*****

Kung gusto mong makilala kung sino ako at matapos na ito. Tomorrow, Sunday 6pm Underground Hall. 

-Je.

Ito na ata ang oras kailangan ko ng maghanda. Tatapusin ko na ang dapat kung tapusin. 

Calling Sapphire...

Sinagot niya agad ang tawag.

"Sunday 6pm Underground"

[Copy—]

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya pinatay ko na agad ang tawag. Matatapos na rin ito. Malalaman ko na rin sino ang nasalikod ng pagpapanggap. 

Rain PoV•

Nakatanggap ako ng text kanina pa, ewan ko pero nag-aalala ako.

From : 095679*****

Sunday, 6pm Underground kung gusto mong abutan buhay ang pinakamamahal mong si Empress.

- Je.

'yan ang nabasa ko sa text. Hindi ko hahayaan masaktan nila si Empress. Tinawagab ko sila Luke.

Calling Luke...

Ang tagal niya naman sagutin. Tss kahit kailan tong lalaki na to.

[Ow bakit ba dude?] halatang nasa galaan ang isang ito.

"Maghanda ka bukas na ang hinihintay natin, Underground. 6pm," sabi ko dito at pinatay na ang tawag.

Hayaan mo ko Empress ang lumaban para sa'yo.

Luke PoV• 

Matapos ibaba ng bastos na First ang tawag na 'yun ay ipinaalam ko kay Crayon. Alam kong lalaban siya para sa bunso namin. Nandito kasi kami sa mall nag hahunting ng chixx, ako lang pala. Napagdesisyonan na namin umuwi. Hindi namin pinaalam kay Kuya Grey ayoko naman kasi na pati siya ay madamay pa.

Grey PoV• 

Napangiti ako dahil sa nalaman ko. Nalaman ko kasing bukas na. Narinig ko ang usapan nila Luke at Crayon, wala talaga silang balak ipaalam sa akin? Tss. 

Dad Calling....

"Hello Dad," 

[Alam mo na ang gagawin mo, Grey para bukas.] Sabi niya.

"Yes, Dad" nakangiti kong sagot. Pati si Dad ay updated talaga sa nangyayari. Iba talaga pag Mafia Boss.

Binaba na ni Dad ang tawag. Underground pala ang pinili niyang lugar. 

Ang Undergroud ay isang Lugar kong saan naglalaban ang mga gangster. Ang underground na ito ay hawak ni Dad dahil isa siyang mafia boss.

The Mysterious Nerd is a Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon