CHAPTER 9 : PRINCIPAL OFFICE

3.6K 90 0
                                    

Dana PoV• 

Naglalakad ako ngayon papuntang principal office. Iniisip ko rin if may nagawa ba akong mali, pero wala naman.

Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok.

Naabutan ko naman sila Kuya Grey, Kuya Crayon at Kuya Luke.

"Hmmm. Anong meron?" Tanong ko sa kanila ng makapasok ako, sila lang kasi naabutan ko sabi pinapatawag ako tapos sila lang pala.

Ngumiti lang sila parang siraulo.

"Aalis na ako wala naman—" 

"Ems, ikaw na ba yan?" 

May tumawag sa Nickname ko at isa lang tumatawag sa akin ng ganun. Nang tignan ko ay si..

"Tito!" Tumakbo agad ako sa kaniya at niyakap ko na siya.

"Wow My Princess Ems ang laki mo na," habang hinahaplos nito ang buhok ko.

"Tito! Namiss kita," 

"Halata nga, tignan mo ayaw mo na ako bitawan." Natatawang sabi niya.

Nahiya naman ako doon kaya bumitaw ako. Nagiging childish din kasi ako pagdating sa ninong ni Kuya siya ang pinakamalapit sa akin. 

"By the way Baby Ems bakit ganyan itsura mo?" Tanong nito sa akin.

Sila kuya naman ay halatang nagpipigil ng tawa. At nakakainis yun.

"Wala naman po," sagot ko.

"Okay Iha, nga pala ang mga pasalubong ko para sainyong apat ay nasa parking lot." Nakangiting sabi ni Tito.

"Yun oh"
"Thank you Ninong"
"Yes!"
- silang tatlong kuya ko.

Obvious naman mapapalitan na ang kotse nila. Tapos tig-iisa pa sila.

"Mga favorite color niyo na andun," so wala naman dapat pag-agawan ah," habol ni Tito.

"The best ka talaga ninong!" Sabi ni Kuya Luke.

"Ems, hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya sa akin.

Napangisi na lang ako dahil hindi ko alam sasabihin ko. -,-

"Nagustuhan ko po." 'yan na lang naisagot ko.

"Okay then, Maiwan ko muna kayo. May aayusin lang ako," paalam niya sa amin. Sila kuya naman ay kanya-kanya na puntahan sa parking lot para makita ang bagong kotse. Pinauna ko na sila bago ako lumabas.

Nang maramdaman ko ng mukhang nakalayo layo na sila ay pinili ko ng lumabas. 

*kringgggggg*

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

[.......]

Walang sumagot kaya papatayin ko na sana ng biglang magsalita ang nasa kabilang linya.

[Empress....]

Pinatay ko ng tuluyan ang tawag. Hindi ako pwedeng magkamali narinig ko na ang boses na 'yun, dalawang taon na ang nakakalipas.

Kung sino man ang baliw na tumatawag sa akin, nagkakamali siya ng kinalaban.

The Mysterious Nerd is a Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon