Nineteenth Step to their Teritory

1.6K 72 12
                                    

A/N: Hey guys! Long time no update, enjoy reading!

****

Chapter 19
The Talk


"Aalis ka na naman ba?" takang tanong ko ng magising ako dahil sa isang kaluskos na gawa ni Wizus. Isang tango ang naging sahot niya at yumuko ng kaunti para mahalikan ako sa noo.

"I'll try to go home early"

Isang ngiti ang naging sagot na may kasamang marahang tango, hanggang sa tuluyan na talagang siyang umalis kaya di ko mapigilang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Isa pang naguguluhan ako ay parang nagiging big deal na yata sa aming dalawa ang magpaalam at ipaalam ang mga ginawa namin sa bawat araw. Para na kaming mag-asawa lalo na at parang natural na sa amin ang magyakapan pati na ang minsang hahalikan niya ako sa pisngi at noo.

Ipinilig ko na lang ang uli at mabilis na umiling dahil hindi dapat! Isa lang iniisip ko ay ang larawang nasa frame, siguro namalikmata lang ako doon dahil imposibleng namang magkalarawan ako dito.

Tinatamad na bumangon ako at naligo bago napagdesisyonang maligo. Mamayang gabi ay balak kong pumasok sa akademya ng may magawa naman ako.

Pagkatapos kong maligo at nakapaggayak ay agad akong bumaba para sa agahan. Nadatnan ko si Lara at Hendrick na seryosong naguusap sa ibaba, at sabay na napalingon ng maramdaman ang presensiya ko.

"Gising kana pala" bati ni Lara ng marating ko ang panghuling hagdan.

"What's with the serious face?" pagpupuna ko at sabay silang napailing ng marahan.

"Wala naman, bukod sa biglang pagkakaroon ng pagsabog sa isang parte ng gubat" balewalang sabi niya na para bang hindi big deal ang pag sabog.

Habang ako ay napanganga dahil sa sinabi niya, "Anong pagsabog? Papaanong?"

"We have no idea but we better not make it a big deal, pretty sure the prince can handle it" kibit balikat na sagot ni Lara.

"Bakit parang balewala lang sa inyo ang pagsabog na yun?" di ko maiwasang tanong.

"Why to bother? It's just a simple explosion" answered by Hendrick.

"Kumain kana muna"

Wala na akong naging sagot ng hilain na ako ni Lara patungong hapag. Inihanda niya ang pagumagahan na halos mapangiwi pa ako ng marealize kong alas dos na pala ng hapon. Mukhang nasasanay na ang katawan ko sa pagiging tamad lalo na at napapansin kong lagi na akong late magising na kung tutuusin ay maaga naman akong natulog kagabi. Mukhang masama na ata 'to.

Nagpaalam na sila ni Hendrick na lalabas silang dalawa dahil pinapatawag daw sila, at sinabing babalik rin lamang pagkatapos ng dalawang oras. At doon ko lang napansin na ako na lang pala ang naiwan dito. Kaya hindi ko rin lamang naubos ang pagkain ko dahil sa sobrang katahimikan at pagiisa.

"Wala naman sigurong mangyayari ulit na masama kung lalabas ako hindi ba?" mahinang bulong ko sa sarili.

Nabuhay ako mula ng mamatay ang ina ko na matapang at malakas, ito na nga ba ang sinasabi ko eh, nasasanay na ako na laging nariyan si Wizus sa tabi ko. No Gezeth, hindi ka dapat masanay!

Tinignan ko ang lalagyan ng susi at nakitang may apat pang nasa garahe na sa tingin ko ay lahat sasakyan ni Wizus, kaya walang sabi sabing kinuha ko ang isang susi na hindi ko alam kung saang sasakyan, at saka ko na lamang pinindot ang alam ng nasa garahe na ako ng alam ko kung anong sasakyan ba ang dapat na sakyan ko para sa susing hawak ko.

In the Vampire's TerritoryWhere stories live. Discover now