Hi guys! Happy 50k read! 😁 I want to thank all my reader who still keep on reading this despite the slow pace of update. Dito na magu umpisa ang action and also, the revelations about Gezeth, especially Wizus 😉
Once again, thank you! See you on the next chapter!
***
Chapter 28
ReadyNang makarating kami sa training ground na sinasabi ni Eres ay sumalubong sa amin ang isang napakamodernong pasilidad. Kusa na ring nagbukas ang napakalaking gate na kulay gray, halata ang bigat nito dahil sa malakas na tunog nito na rinig na rinig.
“It’s huge,” I commented as Eres drive the car inside the facility.
Bumungad sa akin ang isang daanan papasok sa loob ng isang napakalaking building. Halos glass ang bumubuo dito per mas nakakamangha na tinted ang ilang parte nito.
“Behind that building is the training ground,” Eres explained as he parked the car.
Ang maluwag na harapan ng building ay nagsisilbing parking lot at resonable naman ang lawak nito dahil talagang maraming sasakyan ang nakapark dito. Pasalamat na rin lamang kami dahil may kaunti pang vacant space na pwedeng pagparkingan.
“Let’s go,” mahinang sabi niya, pero mas nagulat ako sa bilis nitong umikot saka ako pinagbigyan.
Napangiti na rin lamang ako ng isang ngiti ang bumungad sa akin pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan sa akin gilid. Eres is so damn handsome, there’s no denying it.
“Thank you,” I murmured.
“Your protectors will guide you the way,” he informed me, na sakto namang pagsulpot nina medina sa aking likuran.
“While you?” I suddenly asked without thinking.
Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil sa hindi ko malamang rason. Para bang may humihila sa akin palapit sa kaniya. He only smirked then walk infront of me, covering my whole being.
“I have some important stuffs to attend,” he simply explained as he look me directly in the eyes.
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya at ambang tatanungin sana kung ano ba ang importanteng bagay na pinunta niya rito pero hindi ko na ito natuloy ng bigla niyang inilagay sa tuktok ng aking ulo ako kaniyang kamay dahilan para mapapikit ako. Dahil sa kaniyang naging aksiyon ay mas pinili ko na lamang na manahimik. Hindi alam kung paano tutugon.
Para bang sinasabihan niya ako, sa pamamagitan ng kaniyang aksiyon, na ako ay dapat na magbehave sa lugar na ito. Sa huli ay tanaw ko na lamang ang kaniyang likod na naglalakad papalayo mula sa akin.
“Let’s go gezeth,” sabi ni Medina na nasa aking gilid na ngayon.
Tumango na lamang ako sa kaniya at sinundan sina Eres. Isang metro na rin siguro ang layo namin sa isa’t isa ngayon pero hindi na ako nagsalita o sinikap pang sabayan ang kaniyang paglalakad. Hanggang sa pumasok kami sa loob at maraming paglilikuan.
Patuloy ko na rin lamang na sinundan sina Medina sa paglalakad. Bahagya muli akong tumigil ng lumiko sa ibang direksiyon si Eres, kasalungat sa daan na tinatahak nina Medina sa unahan. Iniling ko na lamang ang ilang kaisipan na pumapasok sa aking isipan at agad na sinundan sina Medina na bahagya ring sumusulyap sa aking gawi.
“I’m sorry if our powers aren’t enough to protect you,” Ysabelle whispered while looking down.
Ikinagulat ko naman ito at literal na napanganga ako dahil sa hindi inaasahang mga salita na nanggaling mula sa kaniya. Did I subconsciously making them feel like that?

YOU ARE READING
In the Vampire's Territory
FantasyWhat if you found out that you're not with the normal people anymore? What if you accidentally entered their place and you don't know how? What will you do if you're... IN THE VAMPIRE's TERRITORY ******* Written by: Mhikashi_Angel