Chapter 4

9.5K 264 2
                                    

AIRA

"I'm Sophie Martinez, school nurse." Pakilala nito at saka ngumiti ngunit hindi ko nagawang suklian iyon ng ngiti. I am in a state of bewilderment.I just woke up in a foreign bed and saw the first I saw is an unfamiliar face. How did I get here?

"Wait school nurse? You mean nasa school ako ngayon?" Sabi ko pa. She just smiled so I stared at her weirdly. I've been encountering a lot of weird people this past few days. 

"Asan ba talaga ko?" tanong ko pa dahilan upang tumikhim ito at sumandal sa pader habang nakaharap sa bintana at nakasilip sa labas. Kita doon ang maaliwalas at asul na kalangitan.

"Fantaisie Academy to be exact." Sabi niya pa habang may tinitignan sa records niya.

"Wait Fantaisie what? Paano ko napunta sa ibang school?" nagtataka ko pang tanong ngunit tanging ngiti lamang ang naibigay nitong sagot at lumisan na palabas ng kwarto.

Maya-maya lang biglang pumasok ang isang lalaki. Teka bat parang baliktad ang sitwasyon namin ngayon? Hindi ba't siya dapat ang nakaratay ngayon dahil nasaksak siya? O baka naman panaginip ko lang yun.

His arrival seemingly pressed the play button making the scenes recorded from what my eyes have seen from that morning flash in my head. 

"Tell me am I dreaming?" sabi ko sa kanya dahilan upang matawa siya. 

"Not really, this is better than dreams, because this is reality babe." Sabi niya habang nakangiti at kumindat pa sakin. Napaismid na lang ako. Mukhang hindi talaga mawawala ang pang-aasar niya sa akin dahil dinala niya pa iyon hanggang dito. 

"Seriously? Simulan mo na kayang magpaliwanag dahil parang sasabog na ng ulo ko kakaisip." reklamo ko at pinagkrus ko ang aking mga braso. Nakasandal ako ngayon sa headboard ng kama habang nakaupo at nakatitig sa kanya samantalang nakatayo naman siya sa gilid ng kama.

"Okay, okay chill. After you collapsed I brought you here dahil ito ang pinamakamalapit na clinic at para mabilis na ring magamot yung sugat ko." Sabi niya pa dahilan upang mapaawang ang aking bibig. 

"Are you joking? Anong pinakamalapit na clinic? Eh mas malapit yung sa school natin nangabilang school ka pa!" sabi ko dito pero umirap lang siya. Damn did he just rolled his eyes? That was so gay but why did it look so manly when he did it?

"Pwede mo na ring sabihing nangabilang mundo." He said before chuckling.

"What do you mean nangabilang mundo. Are we dead already bat parang wala akong nakikitang mga anghel? Parang demonyo pa nga yung kausap ko ngayon" saad ko dito at nginisian ito dahil sa nakita kong pagbusangot ng kaniyang mukha.

Huh! Take that! Akala niya siya lang ang puwedeng mang-asar? Of course not. I won't give him the pleasure. 

"Silly, andito tayo sa Enchantra." Natatawa pang sabi niya at saka pinitik ako sa noo. Napahimas na lang ako dito at saka sinamaan siya ng tingin. 

Enchantra? Saang lupalop naman ng Maynila ang Enchantra'ng yan? Kunot noo ko siyang pinanood na naglakad patungo sa bintana kung saan pumwesto si Sophie kanina. Sumilip ito sa labas at saka bumaling muli sa akin. 

"Come here." aya nito sakin kaya naman bumangon na ko at tuluyang nilisan ang kama. Sumilip ako mula doon.  

The wonderful scenery welcomed me with an embrace of a mystical feeling. I can see a wonderful lake filled with flowers, the water looks glittering under the light of the sun. From quite a far distance were pine trees.

Gloom of LuminescenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon